Sabrina | Birthday ni Joelyn kaya nandito kami ngayon sa bahay nila Tita Shonda at Tito Arman dito sa Makati. Ayaw ko ngang sumama sana pero pinilit ako ni Mama. Nakakahiya naman daw kasi kung hindi kami pupunta lalo na at noong mga elementerya pa lamang kami ni Joelyn ay matalik kaming magkaibigan. Nagkahiwalay na lamang kami kasi mas pinili ni Joelyn na magpatuloy ng pag-aaral sa ibang bansa. Nakatayo lang ako dito sa may labas ng kanilang bahay habang may hawak na baso ng orange juice. Kakatapos ko lang kasing kumain at ayoko namang umupo agad dahil baka lumaki ang tiyan ko. Nakakatawa nga naman ang kasabihan na 'yon. But I still wonder kung totoo ngayon. Kung sabagay ay wala namang masama kung minsan ay gagawin mo.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din ang ibig sabihin ng mga pagbagsak ng mga anghel mula sa langit. Pati na ang lumalalang giyera sa North and South Korea. Kahit kaunti naman ay natatakot din ako na baka mapahamak ang bansang 'to. Itinatanong ko sa sarili ko kung ano na nga ba talaga ang nangyayari? May nangyayari bang hindi ko alam? Isa din sa inaalala ko 'yung babaeng tinutukan ako ng baril o kung anuman ang armas na meron siya noong isang araw na na-stuck sa Cubao. Bakit naman niya ako tutukan ng baril? Gusto ba niya akong patayin? O tinatakot lang niya ako?
Pero nasaan na nga ba si Emerson? Hindi naman niya sinasagot ang mga private messages ko sa facebook. Ganoon din si Aldrin pati na si Smoke pati na 'yung tatlong babae na sina Cresilda at Lavinia at Peige. Iniiwasan ba nila 'ko? Ni seenzoned nga wala. Ano bang nangyayari? Ginagawa ba nila 'to para sa kaligtasan? May ginawa ba si Emerson noong iligta niya 'ko? Ano bang ginawa niya para magkaroon sila ng dahilan na iwasan at pagtaguan ako?
"Ayos ka lang ba?" pukaw ng pamilyar na boses. Si Joelyn. Nag-angat ako ng ulo saka ngumiti.
"Oo naman," atsaka ako muling tumango.
Lumapit siya sa'kin. "Mukha kasing ang layo ng iniisip mo 'te."
"Iniisip ko lang kasi," natigilan ako at nag-isip kung sasabihin ko ba sa kanya ang tungkol kay Emerson at ang iba pang mga bagay na nangyari at patuloy na nangyayari sa paligid ko, "'yung mga gagawin ko bukas," dahilan ko na lang, "ang dami kasi e."
"Mahirap talagang maging businesswoman lalo na at ang dami-dami mong branch na hinahawakan diyan sa laundry shop niyo."
"Oo nga," sang-ayon ko. "E ikaw kamusta naman ang trabaho mo?"
Suminghal siya. "Ano pa nga bang maasahan mo sa Call Center? Stress! Lagi akong stressed lalo na sa mga ahenteng hindi pumapasok. Ako napuputukan ng boss ko."
Sa isang contact center nagtatrabaho si Joelyn. Operation Manager siya sa Production Floor at nai-imagine ko kung gaano nga siya nakukunsumisyon dahil sa dami na ng mga article na nabasa ko tungkol sa trabaho sa call center. Hindi naman niya pangarap talaga ang magtrabaho sa call center pero wala lang siyang choice dahil hindi naman niya magamit ang pagiging nurse niya dahil napakababa ng sweldo sa mga hospital dito sa bansa. Ayaw naman din niyang magtrabaho sa ibang bansa dahil ayaw niyang iwanan si Tita Shonda at Tito Arman.
"Oo nga e, mukha ngang mahirap magtrabaho sa call center."
"Sinabi mo pa," sang-ayon niya.
Kapwa kami tumawa ng mahina. Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin sa loob, sa kwarto niya. Tila para kaming nagbalik sa nakaraan dahil hindi kami maubusan ng kwento sa isa't-isa. Sinariwa din namin ang mga masasayang alaala namin noong nasa elemetarya pa lang kami. 'Yung mga araw na kapwa pa musmos ang mga isip namin at ang pagmamahal ay isang pangarap na palagi naming iniisip na 'and they lived happily ever after'.
Pumasok muli sa isipan ko si Emerson. Ngayon napatunayan ko na kasi na kapag may pagmamahal sa puso mo ay mas madali mong mapapatawad ang taong nagkasala sa'yo. Alam ko kung gaano naging ka-frustrated writer si Emerson dahil nakita ko ang mga emails niya sa mga publishers na halos lumuhod na siya sa mga ito mailabas lang ang mga libro niya pero palagi lamang siyang nabibigo. So I cannot blame him if he made a deal with Martha sa crossroad na 'yon. Sa crossroad kung saan niya ibinenta ang kaluluwa ng babaeng mamahalin niya. I know that's insane and unacceptable but I forgive him. I totally forgive him. Wala siyang kasalanan. Sobrang pagmamahal lang talaga niya sa pagsusulat. Pagmamahal. Napakamakapangyarihan talaga ng PAG-IBIG dahil kaya nitong gawin ang lahat at sa palagay ko ito rin ang kasagutan para sa paghihilom ng mundo.
Emerson | Masaya na akong pagmasdan mula rito sa malayo si Sabrina kasama ang pinsan niyang si Joelyn. Ipinagkakasya ko na lang ang aking sarili mula rito sa kabilang daan habang nasa loob ng sasakyan. Sa bawat pagngiti niya ay mas lalo kong nararamdaman ang buhay. Na kailangan kong magpatuloy at lumaban para sa pagmamahal. Pero hanggang kailan ako magigin stalker ng asawa ko? Kailan nga ba matatapos ang digmaang ito? At kung matapos man iyon, may pag-asa pa ba ang pagmamahalan naming dalawa ni Sabrina? I know she's looking for me pero ayaw ko nang magpakita sa kanya para sa ikabubuti na rin niya itong ginagawa ko. I hope she understands.
11.09 PM nang umuwi sina Sabrina. Nakabuntot lang ako sa kotse nila hanggang sa makauwi sila. Pinagmasdan ko siyang bumaba ng sasakyan hanggang sa paakyat sa kanyang silid at gaya ng ginagawa niya gabi-gabi ay naupo siya sa kaunting espasyo sa kanyang malaking bintana sa second floor at tumingala sa kalangitan. Minsan ko na siyang tinanong kung anong tinitingnan niya sa langit at iisa lang ang sagot niya, "I'm a star and as long as they are shining on this earth, my existence will remain."
She reallly loves the stars. She adores the tiny shimerring lights from the mysterious sky. Naalala ko pa nang punuin niya ng mga glowing in the dark stars ang kwarto namin at tuwang-tuwa siya na hanggang sa pagtulog namin ay may mga ngiti siya sa kanyang mga labi.
God, I really miss her.
Gusto kong lumabas ngayon ng sasakyan at tumakbo papunta sa kanya at halikan ang kanyang malalambot na mga labi at pauli-ulit na ibulong sa kanya ng paulit-ulit na mahal na mahal ko siya kaya ko ginagawa 'to―pero hindi pwede.
Tumingin siya sa gawi pero alam kong hindi niya ako nakikita dahil madilim ang paligid na bumabalot sa kinalalagyan ko. Hindi man niya nakita ang mga mata ko pero nakita ko naman ang mga kanya. Tama na muna siguro iyon para sa ngayon. Gaya ng sabi nila, walang sinuman ang nakakaalam ng bukas.
Nang masigurado kong nakatulog na siya ay pinaandar ko na ang sasakyan at bumalik na sa apartelle.
* * *
Umiiyak si Lavinia habang kausap niya si Peige sa may kama pagpasok ko. Si Smoke naman ay kausap si Aldrin na parang may malaking problema dahil kakaiba ang ekpresyon niya sa kanyang mukha. Sabay-sabay silang tumingin sa'kin nang dumating ako. Binitawan ko ang susi ng sasakyan sa may sabitan sa likod ng pinto saka dumiretso sa may maliit na sala na walang pagitan sa malaking kama kung saan ako natutulog.
"May problema ba?" tanong ko habang humugot ng silya sa may mesa.
"They lost their abilities, too," wika ni Peige na hindi nakatingin sa'kin.
"Anong nangyari?" mabilis kong tanong.
"The other world is shrinking Emerson," ani Lavinia, "nagkakaroon ng digmaan sa Kabilang Mundo kung saan naming kinukuha ni Aldrin ang kapangyarihan namin. Nasira na ang balanse nito kaya nagkakagulo. Kaya iyon ang dahilan kung bakit useless na kami ngayon." Malungkot ang tinig niya at alam kong masakit para sa kanyang mawalan ng isang maitururing ng kayamanan.
"Dahil ba 'to sa ginawa ko?"
"Buddy," ani Smoke.
"Ako ang may kasalanan nito e. If I just let her die edi sana hindi magkakagulo." Tumingala ako at humigop ng hangin dahil parang nanikip ang dibdib ko. Samantala tumahimik ang paligid at wala ni isa mang nagsalita. Lumapit naman si Smoke sa'kin ang tinapik ang likod ko.
"It's the right thing to do―ang iligtas si Sabrina. Kaya natin ginawa lahat 'yon para mailigtas natin siya hindi ba?" tumingala lang ako sa kanya, "so don't regret na buhay siya because you can never fake the happiness that you are feeling right now." Tumingin siya sa lahat atsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "I'm sure we can figure this out. Baka naman may iba pang paraan para maibalik ang mga abilities niyo."
"This is end Smoke," mapaklang sabi ni Peige, "there' nothing we can do."
"Sooner or later magwawakas na ang lahat na para bang ni minsan ay hindi nabuhay ang bawat nilalang," ani Aldrin.
Natahimik ako sa sinabi niya. Narito na nga ba ang wakas? Paano na kami ni Sabrina? Ang kunsensiya ay para nang humalo sa dugo na dumadaloy sa bawat ugat ko na nagpapahina sa'kin. It's all my fault. Kung hindi ko pinatay si Martha ay hindi masisira ang balanse ng impyerno na siya namang magiging dahilan para masira din anng balanse ng Parallel Universe. Muli kong tinatanong ang sarili ko, kailan ko nga ba maitatama ang isang pagkakamali ko na nagbunga ng marami pang pagkakamali?
BINABASA MO ANG
When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]
Science FictionNailigtas ko ang buhay ng babaeng pinakamamahal ko na si Sabrina. Pero kapalit nito ay ang digmaan ng iba't-ibang mundo. At may nag-iisang solusyon para matapos ang lahat ng kaguluhan at iyon ay ang.... [The Final Book of WHEN SABRINA WENT MISSING] ...