Chapter | Nineteen

238 12 2
                                    

Emerson | Hindi ko alam kung papaano gagawin ni Aldrin ang ritwal na ito o kung papaano niya maidudugtong ang buhay ni Ergott sa’kin. Pero malinaw kung bakit sa’kin nila ilalagay ang balanse ng Regency o ng lahat ng mundo; dahil daw ako ang kalahati ng balanseng nawawala dahil ako ang nag-umpisa ng lahat kaya ako ang pinaka may kakayahan bitbitin ang balanse at magbigay muli ng katahimikan sa lahat ng mundo.

            Simple lang ang ritwal. Sa harap ko ay may malaking lalagyan na bato ay may laman itong tubig—hindi ordinaryong tubig. Tahimik na nakatitig ang lahat sa amin kasama na si Felicia, Greg at Aleister. Si Smoke naman ay mugto pa rin ang mga mata sa kakaiyak dahil gusto na daw niyang ilabas ang lahat ng kanyang luha hanggang sa wala nang mailabas ang kanyang mga mata.

            May sinasabing dasal si Aldrin pero hindi  ko maintindihan at wala na akong balak pang pakinggan. Bast pagkatapos niyang kunin ang dasal ay kinuha niya ang punyal at sinugatan ang aking palad atsaka itinapat sa pabilog na bato na may lamang tubig ang ilang patak ng aking dugo. Nang matapos niyang gawin iyon ay pinaupo niya ako sa upuan atsaka pinalipad sa ere ang tubig at ibinuhos sa akin. Hindi ako nabasa kahit ang aking damit o ang aking buhok pero may naramdaman akong kakaiba. Tila kakaibang hangin na pumasok sa’king katawan. Iyon na ba ang “Balanse” na sinasabi nila? Ganito rin ba ang nararamdaman ni Sabrina dati?

            Ilang sandali pa ay sumidhi sa’king isipan ang dasal ni Aldrin. Sa palagay ko ay ang dasal na ginagawa niya ay para pagdugtungin na ang buhay namin ni Ergott. Lumalakas ang tinig niya at alam kong nahihirapan siya sa kanyang ginagawa dahil hindi basta-bastang anghel si Ergott. Ilang beses inulit-ulit ni Aldrin ang dasal hanggang sa nagdudugo na ang kanyang mga mata at ilong at tainga; hindi pa rin siya bumibitaw.

            Lalong lumakas ang liwanang ng mga tubig na nakapaligid sa loob ng kweba. Tila kinakalap ni Aldrin ang lahat ng pwersa ng kalikasan para sa ritwal na ito. Ilang sandali pa ay tumigil na siya at bumalik na sa normal ang mga liwanag.

            Nahimatay si Aldrin at bumagsak sa sahig pero buhay pa rin naman. Kailangan niya lang ng pahinga at tagabantay dahil baka magising siya sa ibang lugar gaya nang nangyari nang una.

            “Kailangan na nating kumilos,” wika ni Aleona nang matapos ang ritwal. “Nararamdaman kong hindi na maganda ang kalagayan ng mundo niyo. Sa palagay ko ay lumalala na ang digmaan kaya kailangan na nating magmadali.”

           

            Naiwan sa kweba si Greg para suportahan si Lavinia at Aldrin. Tinahak na namin ang daan patungo sa Helvoria kung saan ang pinaka-sentro ng Black hole o nitong sinumpang lugar na ito.

            Kung ako lang ang masusunod ay tatapusin ko na ang lahat ng ito. Isang patalim lang sa’king dibdib ay kamatayan na rin ni Ergott at matatapos na ang kaguluhang ito at ang lahat ay babalik na sa normal. Pero hindi ko pwedeng patayin ang sarili ko o kahit sino man liban kay Ergott. Siya ang detonator ko. Para akong bomba ngayon na magsasabog ng katahimikan at balanse. Pero mas mabuti na iyon. Para sa ikakatahimik ng lahat. Para kay Sabrina.

            Welcome death, come to me.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon