Chapter | Seventeen

222 15 1
                                    

Emerson | Hindi nagkamali si Peige sa kanyang nakita. May bagong kalaban ngang paparating at mukhang mahirap silang puksain dahil sa tana ng buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganito—malalaking cobra na may mukha ng tao.

            “Ipikit niyo ang mga mata niyo!” utos ni Aleona. “Kahit anong mangyari ay ‘wag na ‘wag niyong bubuksan kung hindi ay magiging bato kayo.”

            Nanatili kaming magkakasandig ang mga likod at tinitikis ang mapanghalinang tawag ng mga cobra sa aming paligid. Ilang beses akong natukso at kumurap at mabuti na lang ay naagaapan ko ang aking mga mata at naisasara ang ma ito. Sa aking bawat pagsulyap ay nakikita ko ang mga malalaki nilang mga katawan na may katakot-takot na mga balat at may malalaki silang bibig na kayang-kaya kaming lamunin. Sa aking bilang, tatlo silang nabantay sa amin.

            “Buksan mo na ang iyong mga mata, nandito na ‘ko,” bulong ng boses na iyon na pamilyar na pamilyar sa’kin.

            “Sabrina!” sigaw ko.

            “Emerson ‘wag!” mabilis na agap sa’kin ni Aleona at hinawakan ang aking kamay. “Hindi si Sabrina ‘yan. Nilalansi ka lang niya!”

            Tama siya. Alam kong hawak ni Ergott si Sabrina at alam kong nasa ibang lugar siya pero malayo dito. Pero paano kung nasa harapan ko na nga si Sabrina? Paano kung  siya nga ang tumatawag sa’kin?

            “Hindi siya si Sabrina, Emerson,” muling paalala ni Aleona.

            “Isa siyang Gorgon, Emerson, ‘wag kang magpalinlang sa kanya,” ani Peige.

Hinawakan ko lang sa kabilang braso si Smoke. Magkakasandal pa rin ang aming likuran para masiguradong magkakasama pa rin kami.

            “I can’t concetrate,” wika ni Aldrin. “Hindi ako makagawa ng spell na magtataboy sa kanila.”

            “Hindi mo na kailangan, baby!” ani ng maangas na boses ng babae na animo’y machong-macho. Kahit nakapikit ako ay tila nai-imagine ko na ang itsura niya ay malaking babae na may hawak na sigarilyo at may matapang na facial structures.

            “Rock and roll, Felicia!” Sigaw naman ng lalaking may katandaan ang boses. Malayo sila sa gawi kaya kahit na ibuka ko ang aking mga mata ng kaunti ay hindi ko makikita ang kanilang mga paa.

            Ilang saglit pa ay nawala na ang ingay ng mga ahas. Bago iyon ay narinig ko ang mga nagtatalasang kutsilyo (kung kutsilyo man) sa ere.

            “Pwede niyo nang buksan ang inyong mga mata.” Utos ng isang bagong boses ng lalaki—hindi lalaki kundi parang boses ng isang teenager.

Nakahandusay ang mga pugot na ulo ng mg cobra na may mukha ng mga babae sa damuhan—tatlo—sarado ang mga mata—nakahandusay ang kanilang mga katawan at dumadanak ang kulay itim na dugo nang tuluyan kong buksan ang aking mga mata.

            Nang makatayo na ‘ko habang sapo pa rin ang aking sugatang balikat ay nakita ko na rin sa wakas ang mga nagligtas sa’min.

            “Ako si Aleister, siya si Felicia at si Greg.”

Tinanggap ko ang pakikipag-kamay nila. Matangkad si Aleister, mas matangkad pa keysa sa’kin, at malaki ang pangangatawan. Bald ang kanyang buhok at may maamo siyang mga mata at hindi ganoong kalakihang ilong.  Si Felicia naman ay hindi malayo sa’king inakala; malaki ang katawan kahit babae siya at sa tingin ko ay nasa 50’s na at ang kanyang mukha ay tila lion dahil sa ekpresyon niya na parang masungit ang dating. Si Greg naman ang pinakabata sa kanila na sa palagay ko ay nasa disi-otso o disi-nueve.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon