Chapter | Sixteen

216 13 5
                                    

Emerson | Medyo madilim ang paligid ng kakahuyan at tila ganoon na talaga iyon dahil kanina pa kami naglalakad pero hindi nagbabago ang liwanag. Ganoon lang. Steady. Basta maliwanag. Sa palagay ko ay ganoon lang siguro talaga dito. Malamig din ang hangin pero malamig lang. Hindi lumalamig habang nagtatagal kami kundi malamig lang siya.

            “Ganito ba talaga ang klima at temperatura dito? Steady lang?” tanong ni Smoke. Pareho pala kami ng napansin.

            “Oo,” sagot ni Peige habang nagpatuloy sa paglalakad sa may unahan kasama si Aleona.

            “Ano bang mga meron dito sa Black hole na ‘to?” sunod na tanong ni Smoke.

            “Marami.” Ngayon ay si Aleona na ang sumagot. “Magbanggit ka lang ng mga nilalang at sasabihin ko kung available sila dito.” Hindi ko alam kung nabibiro na ba si Aleona dahil napaka-passive ng boses niya nang sabihin iyon—alangang seryoso—pero hindi.

            “Dragon?” tanong ni Smoke.

            “Marami.”

            “Seryoso?” Nanlaki ang boses niya—hindi makapaniwala.

            “Oo,” wika ni Peige. “Lahat nang mga na-condemned na creature nandito. Kahit mga kaluluwang hindi tinanggap ng Impyerno.”

Natawa nang kaunti si Smoke. “Nagre-reject din pala ng mga soul ang Hell.”

            “Minsan,” ani Aleona. “Kapag iniligay ng Regency ang kaluluwa sa Impyerno at tinanggihan ito dahil hindi nila kayang ikontina ay dito nila inilalagay.”

            “Ibig sabihin...” si Smoke, “Entrance Only... No Exit?” Nanlaki ang mga mata niya at kaming lahat ay napatigil sa aming paglalakad.

            Napalunok ako at at naging impit ang aking paghinga. Si Lavinia at napahigpit ng hawak kay Aldrin at kaming lahat ay itinuon ang titig kay Aleona.

            “No Exit. Entrance Only.” Pagkukupirma niya.

            “Ano?” gimbal na hasik ni Lavinia.

            “The only way na makalabas lang tayo dito ay ang—“

Hindi ko na siya hinayaan pang sabihin ang katotohanang iyon. “Kamatayan ni Sabrina.”

            Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa gitna ng kagubatan. Napahinto kami nang marinig ang kakaibang tunog na iyon. Mahinang pito pero patigil-tigil. Ilang sandali pa ay sinugod na kami ng mga ito.

            Maliliit lang ang mga katawan nila na kulay itim pero mapupula ang kanilang mga mata at mahahaba ang kanilang mga dila. Mabibilis silang kumilos at may apat silang pangil.

            Tiktik.

Agad na inilabas ni Aleona ang kanyang baril at isa-isang binaril ang mga sumusugod sa gawi namin. Pinoprotektahan niya ako. Hindi ko na pinahirapan ang sarili kong mag-isip dahil alam kong kailangan niya ako para patayin si Sabrina—ang babaeng pinakakamahal ko.

            Patayin. That word makes me sick. Paulit-ulit na lang. Nakakasawa na.

Mabilis akong napaigtad nang maramdaman kong may sumugod mula sa’king likuran. Akma niya akong kakagatin sa’king leeg pero mabilis kong hinawakan ang kanyang ulo at ginamit ang aking pwersa at ibinagsak siya sa aking harapan. Dinaganan ko siya at inikot ang kanyang ulo hanggang sa marinig ko ang pagtunog ng kanyang buto na nagdudugtong sa kanyang ulo at katawan.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon