16CS-Go Away

12 2 0
                                    

(A/N: happy Halloween Everyone!  So far, ito ang pinakamahabang naisulat ko )

                       

                                 KENT

Ilang oras na akong paikot-ikot dito sa gubat at hanggang ngayon hindi ko parin nahahanap si Alysa.

Alysa Saan ka na ba kasi nagpunta?

Lahat na lang ng makakasalubong ko dito ay tinanong ko na kung nakita ba nila si alysa pero hindi, wala silang nakita at ang masaklap pa niyan.

Alam ko nakita niya kaming dalawa ni Isabelle na  may ginagawang so extra-ordinary na kababalaghan at hindi niyo ako masisi wala eh lalaki lang ako at natukso lang.

Pero alam ko at ramdam ko na

Nasaktan ko siya.

Kaya gusto kung bumawi sakaniya, gusto kung humingi ng tawad sa kaniya at gusto ko na katulad parin ng dati ang magiging trato naming dalawa sa isa't-isa pero hindi ko alam kung paano iyon gagawin at kung paano ko siya susuyuin pero gagawin ko ang lahat makuha ko lang muli ang loob niya.

Pero sino ba yung lalaking humila sakaniya papalayo?

Sino ba ang taong iyon?

Ano ba ang koneksyon niya kay Alysa?

Magkaano-ano ba sila?

Sila na ba?

Shemmayyyy pinapatay ako ng konsensya ko

Nagpatuloy ako sa paghahanap kay Alysa hanggang sa may napansin ako sa may pinakamasukal na bahagi ng kagubatan

Dalawang tao na nag-uusap isang babae at isang lalaki at aalis na sana ako pero napatingin akong muli sa babae at hindi nga ako nagkamali

Si Anastasia yung nakita ko pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit may kasama siyang lalaki?  Sa pagkakatanda ko sakaniya noon hindi siya gaanong sumasama sa mga lalaki lalong lalo na sa mga taong hindi niya kakilala pero sino yun?

Palapit na sana ako sa kaniya pero bigla na lang may tumama sa ulo ko at pagtingin ko sa kung anong bagay ang tumama sa ulo ko ay isang mansanas lang pala, kaya pala ang sakit!

Pero ang pinagtataka ko? Bakit ako natamaan ng mansanas?

Siguro hindi sinasadya na matamaan ako ng mansanas sa ulo o siguro hindi ako sinasadyang tamaan o baka nagkataon lang na natamaan ako ng mansanas dahil nasa ilalim ako ng puno ng mansanas na ang halos lahat mg bunga ay hinog na at maari ng pitasin at kainin

Aalis na sana ako ng may bigla nanamang tumama sa ulo ko!

Paglingon ko mansanas nanaman!

Seryoso ano meron sa mansanas?  Inaano ko ba sila? Nagwa-gwapuhan ba sila sa akin kaya gusto nila akong magkaroon ng bukol sa ulo?

Hindi ko na sana yung papansinin at aalis na sana ako pero may bigla nanamang tumama na mansanas saakin!  At sa pagkakataong ito ay tuloy-tuloy na!  At alam ko hindi na ito sinasadya dahil kusa na itong ginagawa at sinasadya na nila akong saktan at hindi lang ito basta nahuhulog sa puno kundi ibinabato na saakin!

Napalingon ako sa may itaas ng puno at nakita ko doon ay mga kumpol-kumpol ng mga lalaki na hindi pamilyar ang mga mukha saakin at may mga kalmot sa bandang leeg na tanda ng kinalmot nila o kinalmot sila pero ganun kalalim yung tamang tama lang para tumulo ang dugo pero hindi pa doon natigil ang mata ko dahil natigil ito sa bandang mukha nila na ang mga mata ay kulay asul!  At hindi lang yun meron pa silang mga pangil na kulay pilak! At ang mas nakakabilib pa dito ay nakalutang sila sa puno na walang pakpak pero may skateboard!

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon