14thCS:Missing

14 4 4
                                    

                 
            
                               [Alysa]

ONE MONTH ng nawawala sila Spring at Zharmes at hanggang  ngayon wala pa kaming nasasagap na balita tungkol sakanila,  hanggang ngayon wala pa kaming nakikitang bakas ng kahit na anong gamit na mula sakanila pwera na lang doon sa nakita ni Kent ng nalaman niya na nawawala na din si Spring.

Akala naming Lahat nagda-date lang ang Dalawa pero lumipas ang 2 araw ay wala pa rin sila nag-alala na kami ng sobra , pati mga estudyante,  teachers at mga mamamayan dito ay tumutulong  na sa paghahanap.  Halos wala na ngang klase eh,  dahil lahat kami hinahanap silang dalawa,  natatakot na baka may mangyaring masama.


Ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na mawawala siya ng ganun-ganun na lang at heto ako ngayon nasa tahanan namin ni Zharmes pilit siyang inaalala yung panahon na kasama ko siya .

Naiiyak ako.

Ayaw tumigil ng mga luha ko.

Gusto kung tumulong sa paghahanap. 

Gusto ko ng mahanap si Zharmes-at Spring.

Pero kahit gustuhin ko man pero hindi pwede,  hindi pwede kasi may sakit ako,  hindi pwede kasi mahina ako,  hindi pwede kasi ang tanga-tanga ko at iniwan ko si Zharmes doon na naging Sanhi ng pagkawala niya.  Siguro,  Siguro kung hindi ko siya iniwan doon nandito pa siya. Siguro,  kapag sinama ko siyang umalis kasama ko pa siya ngayon.  Siguro,  pero na lang siguro. Hanggang Sisi nanaman ako sa sarili ko. Gusto ko ng makita si Zharmes mamaya may nangyari ng masama sakanya,  mamaya naging m-----


*TOK*TOK*

Pinahid ko na muna ang luha ko bago ako humarap sa pinto at doon nakita ko si kent umiiyak nanaman.

Tumabi siya saakin,niyakap niya ako at bumuhos ang mga luha sa mga mata niya na parang bata na nagsumbong sa ina na inaway ng mga kaibigan niya.  Pati ako naiiyak sa kalagayan niya.

"Alysa *huk* hin-*huk*di ko *huk* pa maki-*huk* ta si *huk* spring *huk* an-ong *huk* gagawin *huk* ko? " panay ang hikbi na sabi saakin ni Kent .

Kent,  as much as possible gusto kung akuin yang nararamdaman  mo ngayon,  gusto ko ako lang ang nasasaktan . Masakit kasi na makita kang masaktan,  nakakapanghina ng loob.

Spring,  sana magpakita ka na miss na miss ka na ng tukmol na bestfriend mo.  Nakikita mo ba ang effort niya ngayon? Sana oo kasi maski ako, hindi ko kinakaya ang effort niya. Hindi ko kinakaya yung tatag na meron siya para mahanap ka -kayo ni Zharmes . Sana bumalik ka na please nahihirapan na kami dito lalong-lalo na ang bestfriend  mo .

Zharmes, sana bumalik ka na rin.  Sana nasa maayos ka na kalagayan.  Alam ko matatag ka,  pero sana isipin mo naman ang mga tao na nasa paligid mo na nag-aalala sayo,  Sana maisip mo na hindi kami tulad mo na kasing tatag at tapag.  Sana , sana bumalik ka na - kayo ni Spring na walang galos,  sakit at kahit na pasa . Miss na miss na namin kayo matagal niyo na kaming pinag-aalala.


Maya-maya nakatulog na rin si Kent sa pag-iyak.  Tumayo ako at inihiga naman si Kent sa kama , kailangan  niyang magpahinga.  Ako naman maghahanap.

Dala ang bag, dali -dali akong lumabas sa pinto at naglakad-lakad. Sa daan,  habang may nakakasalubong ako binibigyan ko ng papel na may nakadikit na picture ni Zharmes at Spring na nagsasabi na nawawala sila at kung ano-ano pa.  Iba't -ibang tao ang nakakasalamuha ko,  yes,  nasa siyudad ako kung saan punong -puno ng iba't -ibang uri ng tao merong mayaman, middle level,  at mahirap. Meron ding iba't -ibang ugali , merong walang pakialam gaya na lang ngayon na binigyan ko siya ng flyers at nilukot niya yun at itipon kaya heto ako ngayon pilit kung inaayos ganito pala yung feeling na wala silang pakialam sayo. Pero meron parin talaga yung mga taong nagmamalasakit sayo at tutulungan  ka gaya ngayon may nagmabuting loob na tulungan ako .


"Uhm alysa, kaano-ano mo pala itong hinahanap mo? " tanong niya saakin habang kumakain kami ng bilog na tinapay may karne ng baka sa loob na may ketsup at mastard sabi niya burger daw ang tawag dito,  pinagtawanan niya pa nga ako kanina eh nung sinabi kung TiBogKaKaRedLow short cut ng tinapay na bilog na may karne ng Baka na may palamang red (which is ketsup pala)  at Yellow ( which is Mastard pala)

"Uhm siya?  Si Zharmes bestfriend  ko na maituturing ko ng pamilya" malungkot na sabi ko sakanya.

"Oh wag ka ng malungkot dyan Alysa tutulungan kita ditong hanapin si Zharmes ok?. Tsaka bilisan mong kumain ng  TiBogKaKaRedLow " pabirong sabi niya ayan tuloy nasapak ko siya,  loko kasi eh TiBogKaKaRedLow daw? Eh Burger yun eh!  Pauso niya haha

Hapon na at halos matapos na kaming magbigay ng flyers at napagdidisyunan namin na ituloy na lang ito bukas at ayun umuwi na nga kami. 

Nalaman ko pala kanina na malapit lang pala yung tinitirahan niya sa tinutuluyan naming dalawa ni Zharmes -which is kasama ko na ngayon ay si Kent.

Maya-maya nasa tapat na kami ng tinitirahan ko at gusto ko pa sana siyang papasukin at magoffer ng pagkain at inumin pero wag na lang daw at nagpaalam na siya pero bago siya umalis ay nagpasalamat pa ako.

Pagbukas ko ng pinto,  nakita ko Kent na masama ang tingin saakin .

"Sino yun? At bakit kasama mo siya ah? Mamaya may gawin siyang masama sayo!" sigaw saakin  ni Kent pero hindi ko na siya pinansin at pumunta na ako sa kwarto ko at humiga at ipipikit ko na sana ang mata ko ng maaalala ko siya.


Salamat talaga kyo.....




To be Continued......

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon