KENTMadilim wala akong makita.
Malamig , parang nasa Iceland ako.
Ayoko dito, hindi ako sanay.
Maya-maya unti-unti ng nagaadjust ang mga mata ko sa dilim at doon ko napansin na kahit na Madilim ay mapapansin mo ang napakaraming halaman at ang mas nakakapagtaka pa dito ay kung bakit malago na ang mga halaman matayog na ito at napansin ko rin na may mga hayop sa tabi na nakahiga at pawang natutulog.
Teka, ito ba yung sinasabi ni Alysa noon na yung ibang kauri nila ay naging ganito? Hindi kaya sila ito?
Unti-unti akong naglakad at doon napansin ko na tila may naguusap sa isang tabi at dahil isa akong dakilang tsismoso ay nakining ako.
Napansin ko ang isang tila imahe ng babae at may mga kaharap siya na sa tingin ko ay kausap niya
Sino ka? " tanong ng isang tinig.
"Hindi na mahalaga kung sino ako, diba gusto niyong malaman kung sino si Spring at Zharmes? " sabat ng babaeng nasa tapat ko lang
Wait Spring at Zharmes? Teka sino ba itong nagsasalita?
"Oo gusto nga naming malaman kung sino sila , pero kilala mo ba sila? " tanong nung isa
Wait anong gusto nilang malaman kila Zharmes at Spring?
"Kilalang-kilala ko silang dalawa"
"Kung ganun sino ang dalawang iyon? " tanong ng sa tingin ko ay nakakulay kahel na damitAno bang nangyayari?
"Si Spring ay isang ordinaryong tao na walang saysay dito sa ikalawang mundo na ito samantalang si Zharmes ay ang Susi para sa Kinabukasan na maaari ding maging Susi para sa Katapusan" pagkasabi ng estranghero ang mga impormasyong ito ay tumalikod na siya at unti-unting lumisan.
Sh*t! Ano? Grabe naman makasalita ang taong ito! Hoy! May kwenta kaya si Spring dito!
Tsaka si Zharmes susi ng Kinabukasan o Katapusan? Langya! Kalokohan! Baka susi kamo sa Puso ni Spring!
Si Zharmes susi daw ng Kinabukasan o katapusan patawa to eh! Paano siya magiging susi ng Kinabukasan o katapusan kung wala siya nun?
Kalokohan talaga!
Napatingin muli ako sakanila at nakita ko na nagkatingan ang lima at nagtatalo kung maniniwala ba sila sa sinabi ng estranghero o hindi.
Sus! Wag kang maniwala diyan! - di ka niya mahal talaga ah sayang lang ang buhay mo kung -----
Langya! Hindi ko na alam ang susunod!
Maya-maya hinabol ng isang lalaki yung babae.
Wag mong sabihing naniwala naman kayo!?
"Bakit ano pa ang gusto niyong malaman? " tanong ng estranghero
Gusto kong malaman kung nasaan na sila Zharmes At lalong lalo na si Baby ko Spring miss ko na sila ::>_<::
Pero syempre gusto kong malaman kung gwapo ba talaga ako! ^_^
"Gusto ko lang magpasalamat sa impormasyon na ibinigay niyo sa amin at nais kung malaman ang pangalan ninyo"
Aist. Naniwala nga sila sa kasinungalingan niya!
Ngumiti na lamang ang babae at unti-unting umalis pero bago siya tuluyang hindi na makita ay lumingon siya sa nakaputi at ngumiti ulit sabay sabing
"Tawagin mo na lang akong... Alysa"
Ahhhh Alysa pala pangalan niya .
Alysa naman pala eh.
Pero teka Alysa ba kamo?
Napalingon ako doon sa babae at sh*t! Naloko na!
Bakit siya?
Bakit siya nagpapanggap na Alysa?
ANASTASIA
Sh*t! Maniwala naman kayo oh!
"Kung ikaw talaga si Alysa, nasaan ang black diamond tattoo mo? "
Oh gosh! Nalintikan na!
"Tama siya kung ikaw si Alysa nasaan ang Tattoo mo? "
Napahakbang ako paatras dahil hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya! Dahil una sa lahat hindi naman talaga ako si alysa! Ako si Anastasia Green! Shemay! Kinakabahan na ako! Paano at ano na lang kaya ang gagawin nila saakin kung nalaman nila na hindi talaga ako si Alysa? Gosh! Papatayin yata nila ako! Natatakot na ako!
Napansin ata nila na kinakabahan na ako kaya napangisi na lang yung mga kasama nila.
"Hindi ikaw si Alysa tama?"
At muli hindi nanaman ako nakasagot.
Shemay! Please someone help me!
"bakit ba pinagaaksayahan niyo ng oras ang babaeng yan? Hindi pa ba sapat ng nakalap niyong impormasyon sakaniya?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses na kung saan nandoon ang nagsalita at kagaya ko nagulat din ako sa nakita ko.
Hindi ako makapaniwala.
Akala ko namamalikmata lang ako.
I cannot believe this.
Mula sa may itaaas ng puno may dalawang pigura ng tao ang nandoon
Nakakagulat
Hindi talaga ako makapaniwala
Akala ko patay na sila...
Akala ko hindi ko na sila makikita pa...
Akala ko totoong naglaho na sila.
Pero nagkamali ako dahil kitang-kita ng dalawang mata ko na nandito na sila..
Hindi na ako Mangungulila pa.
Unti-unti akong ngumiti at lumuhod, nagulat ang lahat ng nakakita sa ginawa ko pero pinili ko na lang iyon na balewalain dahil sa wakas nagbalik na sila.
"Maligayang pagbabalik Zharmes at Spring"
To be Continue
![](https://img.wattpad.com/cover/146498500-288-k19478.jpg)
BINABASA MO ANG
Crystal Snow ||BangChinFF||√
Fantasía1st Cover by: TaeSaJinBwii07 2nd Cover by: seulginies [Fantaseries No. 1] [Spring Cepheus Kang Story] Sabi nila walang tamang lugar kung saan mo mahahanap ang tunay na Pag-ibig dahil lahat iyon ay nakatakda at iyon ay tama Wh...