22thCS- The Mirror

9 2 15
                                    


22thCS- The Mirror

                                     KENT

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Nasa harapan ko ngayon ang kaharian ng mga bampira at namangha ako sa nakikita ko ngayon.

Sa gitna ng kagubatan nakatayo doon ang isang palasyo na kulay ginto ang pader nito na may mga munting balik ng dugo at ang mga bintana nito ay purong dugo ang kulay na ang korte ng mga bintana nila ay pangil nila mismo at mapapansin mo na sa bawat gilid o paligid na mismo ng pader ng  palasyo ay may mumunting tinik na sa dulo nito ay mga dugo sa tuktok nito ay may tila tore na nakahiwalay sa palasyo na sa palagay ko ay doon namamalagi ang namumuno nito . Napakaganda simple ang pagkakagawa pero iba ang dating nagpatuloy kami sa paglalakad ni isabelle na habang seryoso siyang naglalakad ako naman ay manghang mangha sa nakikita ko kasi habang naglalakad kami ay kitang kita ko ang mga damo na nagiging kulay dugo sa tuwing maapakan ko at ang sarap ng simoy ng hangin sapagkat napaka sariwa sa pang-amoy at nakakaakit yung tipong gugustuhin mo na lang na manatili sa kinatatayuan mo at ulit ulitin na amuyin ang hangin pero may nakaagaw ng pansin ko ang gate nila.  Sa lahat ng gate na nakita ko ay ditp lang ako humanga- ngumanga at namangha dahil ang gate na ito ay may  kulay pilak na may halong dugo ang palibot nito na may mumunting tinik nanaman sa paligid.

Lumapit si Isabelle sa gate at pumunta sa may gilid at nagulat ako ng bigla niyang ibinuka ang bibig niya at itinapat niya ang braso niya doon sabay kagat!!! Nanlaki ang mata ko at napalunok ako dahil  sa nasaksihan ko Kay Isabelle pero parang wala lang siyang naramdaman. Nilingon niya ako at sumilay sa mga labi niya ang munting ngiti.

"Uy Kent anong nangyari sayo? Huwag ka namang matakot saakin oh tsaka ganito talaga dito kent 'your blood is the key' kaya weather you like it or not you have to make yourself bleed dahil kung hindi ka makakapasok kaya sige na sugatan mo na ang sarili mo"

Natigilan ako na narinig ko sakaniya

Ayoko sa dugo.

Ayokong may nakikita akong dugo

Maya-maya biglang nanlalabo ang paningin ko at may unti-unting lumitaw na imahe sa isipan ko. Nasa isang puno ng mangga ako na sa gilid ay may batis at sa dulo ng batis ay may dalawang bata isang babae at isang lalaki.  May naramdaman akong kakaiba habang pinagmamasdan ko ang batang babae hindi ko alam kung bakit unti-unting kumikirot ang dibdib ko at parang nakukuryente ako sakaniya.Unti-unti akong lumapit doon at nakita ko na tila nag-aaway sila kaya nagmadali pa ako sa paglapit pero natigilan ako nang maaninag ko ang mukha nung batang lalaki na walang iba kundi - ako.

'Uy kentashii huwag ka nang umiyak oh sorry na hindi ko naman alam na takot ka sa dugo eh sorry naaa'

'Hmmppp ayoko na sayooo sinaktan mo ako! Muntikan mo na akong mapatay!"

'Sorry na kentashiiii patawarin mo na ako ohh, di na mauulit  "

"Pasalamat ka mahal kita"

"Oo na thank you kentashiiii aywabyouuu huwag kang mag-alala dahil kapag na sugatan ka asahan mo na nandiyan ako sa tabi mo at pagagalingin kita"

Pagkasabi nun ng batang babae ay unti-unti siyang lumuhod at ipinantay ang mukha niya sa hita nang batang lalaki na kamukha at kapangalan ko pa sabay halik niya sa parteng iyon.

Hindi ko Alam kung bakit sa nakita Kong iyon ay kusa na lang din akong napalingon sa hita ko at laking gulat ko na nandoon na yung batang babae!!!!

Unti- unting lumayo saakin ang babae na hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung sino siya hanggang sa bigla na lang siyang nag-angar ng tingin at lumingon saakin !

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon