17thCS-Who are you?

10 3 0
                                    

  

KENT

After the discussion between Momo na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung maniniwala ba ako na isa siyang Black and White Vampire or not.

Pero base sa mga naririnig ko sa mga taga-dito ay bibihira lang daw magpakita ang mga Black and White Vampire dahil mas nabubuhay sila sa mga malalamig na lugar pero in some instances , minsan nagagawi sila sa mga katamtaman lang ang klima gaya dito para manguha ng mga binhi, hayop o di naman kaya mga gulay at prutas.

Pero those last words na paalala niya saakin hindi ko alam kung kaya ko bang lumayo sakaniya dahil sa panahon ngayon parang mas kailangan ko yatang mapalapit pa sakaniya.

"Uy kent,  pag-isipan mong mabuti yung mga sinabi ko sayo lalong lalo na yung tungkol sakaniya. Sige sibat na ako" paalam ni Momo saakin sabay alis.

Hindi ko na kailangan pang pag-isipan yung mga sinabi mo dahil unang-una pa lang buo na ang loob ko.

Magdidilim na nung napagpasyahan ko na umalis at umuwi na.

Habang nasa daan ako papauwi bigla kung naalala si Spring at Zharmes.  Kamusta na kaya sila? Nasa maayos na kalagayan ba sila? Ok lang ba sila?  Buhay pa ba sila?.

Napatigil ako sa  huling tanong  na iyon, hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko ang sakit.

Napaluhod ako sa lupa habang nakahawak sa dibdib ko at tinitiis ang kirot na nararamdaman ng puso ko.

Mainit.

Masikip.

Malakas na tibok ng puso.

Mabilis.

Hindi ako makahinga.

Hindi ko na kaya.

Napasigaw ako sa sakit.

Naluluha ako sa hirap.

Unti-unti akong napahiga.

Hanggang sa unti-unti na lang ay nagdilim na ang paningin ko.

                         THIRD PERSON

"Ano na kukunin na ba natin siya?" tanong ng isang taong naka kulay puti ang damit at nasa itaas ng puno habang tinitingnan ang nakahandusay na si Kent

"Hindi pa pwede,  mahina pa siya kailangan pa niyang magpalakas" sagot naman ng isang tao na kulay pula ang damit na katabi ng taong nakaputi.

"Kung ganun,  sinayang lang pala natin ang oras natin para bantayan siya" sabat naman ng isa na nakakulay asul ang damit.

"Hindi natin sinayang ang oras natin sakaniya,  hindi niyo ba narinig ang salitang sinambit niya kanina?  Nawawala si Spring at Zharmes at maaring patay na ang mga ito" sabat naman ng isa na naka kulay kahel ang damit

"May punto ka diyan. Pero sino ba si Spring at Zharmes? Nakakuha nga tayo ng impormasyon pero hindi natin kilala kung sino ang mga iyon" sabat naman ng isa na naka berde ang damit.

"Kailangan nating maghanap ng tutulong sa atin kung sino at ano ang dahilan kung bakit nawawala yang Spring at Zharmes na yan" sabat ng nakakulay Asul na damit

"Hindi niyo na kailangan maghanap kung sino ang tutulong sainyo" isang tinig na mula sa malayo ang nagpalingon sa kanilang lima at nanggaling ang tinig na iyon sa pinakaitaas na parte ng puno.

Mula doon bumaba ang taong iyon na nakasulot ng kulay lila na roba at unti-unti nitong itinaas ang nakayukong ulo niya.

"Sino ka? " sabat ng nakakulay pula na damit sa estranghero

"Hindi na mahalaga kung sino ako,  diba gusto niyong malaman kung sino si Spring at Zharmes? " sabat ng estranghero


"Oo gusto nga naming malaman kung sino sila , pero kilala mo ba sila? " tanong ng naka kulay berdeng damit.

"Kilalang-kilala ko silang dalawa" sagot ng estranghero

"Kung ganun sino ang dalawang iyon? " tanong ng nakakulay kahel na damit

"Si Spring ay isang ordinaryong  tao na walang saysay dito sa ikalawang mundo na ito samantalang si Zharmes ay ang Susi para sa Kinabukasan na maaari ding maging Susi para sa Katapusan" pagkasabi ng estranghero ang mga impormasyong ito ay tumalikod na siya at unti-unting lumisan.

Nagkatingan ang lima at nagtatalo kung maniniwala ba sila sa sinabi ng estranghero o hindi.

Bago tuluyang makaalis ang estranghero ay hinabol siya ng nakakulay puting damit.

"Bakit ano pa ang gusto niyong malaman? " tanong ng estranghero

"Gusto ko lang magpasalamat sa impormasyon na ibinigay niyo sa amin at nais kung malaman ang pangalan ninyo" tanong ng nakaputi.

Ngumiti na lamang ang estranghero at unti-unting umalis pero bago siya tuluyang hindi na makita ay lumingon siya sa nakaputi at ngumiti ulit sabay sabing

"Tawagin mo na lang akong.....























































Alysa".




                         To be Continue

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon