26thCS- Past.4

10 2 0
                                    


26thCS- Past - part 4

SPRING POV


Takte grabe ang kaba ko kanina habang buhat buhat ko si Zharmes feeling ko para siyang isang babasaging bagay na kailangang ingatan at alaagaan. Pero takte hindi ko akalain na masasabi ko sakaniya iyon! Ano bang pumasok sa isip ko at nasabi ko sakaniya na 'pagnasaan niya ako pagbalik ko?' nyemas baka masapak pa ako nun! Nyetang Bunganga ito oh!

"Pst pogi" taktee oo alam ko pogi ako pero wala akong pera!

"Pstt pogiii" Spring kalma ok? Hanggat hindi ka lumilingon sa likod mo ay walang mangyayari sayong masama , huwag mong papansinin ang naririnig mo ok? Kalma spring , kalma

"Psttt Pogiiii" takteng pogi na yan! Spring huwag kang lilingon mawiwindang ka lang, spring please huwag kang lilingon!

"Pst pogii lingon ka naman diyan oh! Woii huwag mo akong iwasan ng ganyan! " spring huwag lilingon huwag lilingon magfocus ka lang ! Isipin mo na pinaglalaruan ka lang ng mga tenga mo!

"Aba't loko ka ah? Woiii pogiii ay putekk di ka pala pogi ang pangitttt mo mas gwapo pa si Kyo sayoo!" Spring huwag lilingon pero putakte! Sino ba yung kyo?

"Ay oo nga pala, hindi mo kilala yun ah basta! Woii lingon ka na kasi !" Bakit naman ako lilingon sayo aber? Mamaya ikaw pa yung dahilan ng pagkamatay ko

"Woii hindi ako magiging dahilan ng pagkamatay mo ok? And to cut the crap oo nakakabasa ako ng isip !Tsaka pwede ba lingon ka na kasiii" takte! Sanaol nakakabasa ng isippp

"Woii hindi ka ba talaga lilingon?" Hindi! Huwag mo na akong pilitin ! Maghahanap pa ako ng makakain at magagamit naming papag ni zharmes mamayang gabi! At isa pa maghahanap na rin ako ng mga maaaring gamitin para sa sugat ni zharmes

"Hmmm so kailangan mo pala ng pagkain, at papag na matutulugan? Pati na rin ang gamot para sakaniya? Hmm if i will you iiwan ko na lang siya doon dahil deserve niya naman ang maiwan, deserve niya na magutom at deserve niyang mamatay. Hindi ba pumasok sa isipan mo pogi na baka ginagamit ka lang niya? Na baka, ginagawa ka lang niyang pain? Na baka , balang araw ikaw na ang mapapahamak na siya mismo ang magiging dahilan? Na baka kapag ikaw naman ang nasa katayuan niya ay iiwan ka na lang niya basta basta? O baka naman may kailangan talaga siya sayo kaya ka niya pinapanatili sa tabi niya?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya may point siya pero...... ayokong maniwala sakaniya. Naniniwala ako na hindi yan kayang gawin ni Zharmes saakin, naniniwala ako na wala siyang balak na masama saakin

Crystal Snow ||BangChinFF||√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon