20thCs-AftermathKent
Patuloy akong tumatakbo sa masukal na kagubatang ito at hindi ko na alam kung saan nga ba ako papunta basta kailangan kong mahanap si Alysa kailangan kong malaman kung bakit nagpanggap siya bilang si Zharmes
Anong intensyon niya at bakit niya ginawa yun?
Para saan?
Para kanino?
At anong spell ang ginamit niya?
Nadapa ako sa damuhan dahil sa sobrang pagod at idagdag pa ang sugat na natamo ko sa ibat ibang parte ng katawan ko dahil sa paghahawi sa bawat matutulis na sangang humaharang sa dinaraanan ko pati na rin sa pagtalon sa mga bawat batong nakaharang sa daanan ko.
Napahiga ako sa damuhan at pilit na hinahabol ang hininga ako at nang masigurado ko na ok na ako na nakahinga na ako ng maayos ay pinilit kong tumayo pero natumba lang ako pero hindi agad ako sumuko bagkus sinibukan ko ulit na tumayo pero gaya ng nauna ay bumagsak lang ulit ako sa damuhan.
Unti-unting nagsilabasan ang mga luha sa mga mata ko. Walang awat akong lumuha pero hindi ako nagabala na punasan man lang ang mga luha na tumutulo sa pisngi ko dala na rin siguro ng pagod, frustration, longing at ibat iba pang emosyon kaya lumuha na lang ako nang ganito
Paano nangyari ito saamin?
Bakit ito nangyayari saamin?
Spring , nasaan ka na ba?
Zharmes, ok ka lang ba?
Alysa nasaan ka na ba?
"Aaaaahh! Sh*t! Nasaan na ba kayo? Spring bro wala ka bang balak ipaaam kung nasaan ka? Zharmes ! Ano bang nangyari at nawawala kayong dalawa ni Spring? At alysa! Bakit kailangan mong magpanggap na maging siya? Bakit? Bakit? Bakit? " pasigaw na sabi ko sa paligid ko na alam ko naman na walang sasagot pero kahit na ganun nagbaka sakali pa rin ako na baka kahit isa man lang sa mga yan ay may masagot o kahit sino sa kanilang tatlo ay makita ko man lang kahit isang saglit lang kahit isang iglap lang pero gaya nga ng inaasahan ay wala akong nakuhang sagot. Napayuko ako muli at nagsimulang umiyak.
Napaangat ang tingin ko nang may marinig akong kaluskos sa malayo . Nagpalinga ako sa paligid at pilit hinanap kung saang banda nanggaling ang tunog pero wala akong makitang kahit na anong anino sa ibat ibang parte ng gubat
I feel so hopeless
"Mukhang totoo nga na, hindi pa rin nahahanap sina Zharmes at Spring? Tsk tsk tsk"
"Isabelle? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at ang laki ng pinagbago niya mula nung huli kaming nagkita. From straight hair to wavy hair, from pinkish lips to red lips, from charming attire to bold attire pero ang mas nakaagaw pansin saakin ay halos parehas sila ng outfit ni momo black boots, white fur , at yung tindig nila parehas na parehas.
Naknang Bampira ka ba?!
"Ahhh so nakilala mo na pala si momo? Hmm i wonder kung ano ang pinagusapan niyo? Anyway bakit hindi niyo pa nahahanap sila zharmes at spring? Diba sila yung---"
"Oo na! Alam ko ! Sila yun! At sila yun! Pero pwede ba ginagawa ko yung best ko para mahanap sila!"
"Well, your best is not enough"
"Ano bang pakialam mo ah? Bakit atat na atat kang mahanap sila? Bakit hindi ka na lang tumulong na hanapin sila? "
"Kaya nga ako nandito sa harapan mo diba? Gusto ko tumulong sayo"
Napatingin ako sakanya umaasa na babawiin ang sinabi niya. Sa totoo lang ayoko siyang tumulong, ayaw ko siyang masaktan , ayaw ko siyang madamay, ayaw kong maranasan niya at masaksihan niya na naghihirap ako kakanapa kina zharmes at spring . Pero wala, hindi niya binawi ang sinabi niya seryoso siya sa sinabi niya. Hindi ko namalayan na napatingin ako sa labi niya -ang labi niyang natukso akong halikan siya. Ang labi niyang makasalanan. A small smile plastered on her lips
"Tara na Kent tumayo ka na dyan umpisahan na natin ang paghahanap kay Spring at Zharmes"
Dali-dali akong tumayo pero natumba pa rin ako, nanghihina pa ako, hindi ko pa kaya mukhang napansin naman ni isabelle na hindi ako sumusunod sakanya kaya bumalik siya sa tabi ko at tiningnan ang dahilan kung bakit ako hindi makasunod sakaniya. Magmula ulo, balikat, braso, kamay, baywang, hita at paa -sa paa na kung saan namamaga na nagtigil doon ang paningin niya na ikinunot noo niya na tila pinoproseso sa utak niya ang nangyari maya-maya napabuntong hininga na lang siya at sabay upo sa harap ko at unti-unti akong tinitigan
"Bakit hindi mo sinabi saakin na may sugat ka pala? "
"Wala namang mangyayari kung sasabihin ko sayo"
"Meron , merong mangyayari" sabi niya sabay lapat ng kamay niya sa parteng paa ko kung saan naroon yung sugat -isang malaking sugat.
"Huwag mong igagalaw ang mga paa mo at huwag kang mag-alala sandali lang ito"
Hinahawan niya ang paa ko at hinaplos ang parteng walang sugat ng pabilog at pumukit siya at nagsalita ng kung ano anong lenggwahe na sa tingin ko ay panggamot habang paulit ulit na pinapaikot ang palad niya sa parteng hindi nasaktan at napansin ko na unti-unti na itong lumiliit hanggang sa unti-unti na itong nawala.
"Ok na, tara na kent"
Hindi ko alam pero napatingin lang ako sakanya at ganun din siya saakin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa mga labi ko . Unti unti niyang nilapit ang sarili niya saakin at hindi ko alam kung bakit hindi man lamang ako umiwas at hindi man lamang ako makaiwas. Aaminin ko ginusto ko rin yung nangyari saamin noon hindi ko na ipagkakaila na nakakaadik ang halik niya lalo na kapag patagal nang patagal kaya hindi na ako magtataka kung may mangyaring kababalanghan nanaman dito saamin ngayon.
Nang lumapat ang labi niya saakin hindi ko na napigilan na gumanti na rin sa mga halik niya ewan ko ba sinubukan kong manlaban nung una pero walang saysay , walang nangyari nalunod parin ako .
That day, hindi nga ako nagkamali may nangyari nanaman saamin at hindi ko alam kung ilang beses kaming umulit basta ang alam ko lang nag-enjoy din ako .
Nyeta! Hindi ko na kaya to! Somebody Help me! Ayaw ko kay Isabelle pero bakit hindi ko mapigilan na angkinin siya ng paulit-ulit ? Hindi kaya siya na ang mahal ko? Hindi, hindi, malabong siya ang mahal ko ! Dahil Once na nagmahal na kami hindi na ito nagbabago pa pero bakit? Bakit ito nangyayari?
Alysa , sana balang araw maniwala ka pa rin saakin na ikaw lang ang mahal ko . Ikaw at ikaw lang pero sa mga nangyayari ngayon malabo, malabo nang maniwala ka.
****
BINABASA MO ANG
Crystal Snow ||BangChinFF||√
Fantasy1st Cover by: TaeSaJinBwii07 2nd Cover by: seulginies [Fantaseries No. 1] [Spring Cepheus Kang Story] Sabi nila walang tamang lugar kung saan mo mahahanap ang tunay na Pag-ibig dahil lahat iyon ay nakatakda at iyon ay tama Wh...