28CS- The Unexpected Twist
KENT POV
Andito na kami ngayon sa kwarto kung saan namamalagi si alysa at zharmes pero dahil sa nangyaring pagkawala ni zharmes ay puro alikabok na ang naririto at halatang walamg namalagi dito.
I wonder, saan kaya natulog si alysa noon? Kay kyo ba? nah, kahit na magkatabi sila or what sino ba naman ako para sakaniya? Isa lamang akong kaibigan sakaniya-if she consider me as her friend.
Napagpasyahan naming umupo sa may sala para magpahinga nung halos mahanap na namin kung ano yung hinahanap namin pero still we dont have a clue kaya eto nakaupo sa upuan si alysa at kyo samantalang sa sahig naman kami ni phil at sa may mesa naman nakaupo si isabelle
"Ano ba yung hinahanap natin dito? Alam niyo guys kanina pa tayo nagkakalkal ng mga gamit dito pero wala pa rin tayong napapala" rinig kong tanong ni isabelle
"Yung crystal snow niya" sagot naman ni phil
"If crystal snow nga itong hinahanap niya then ano ba ang itsura nun or such? May alam ka ba alysa?" tanong ni isabelle
"Bakit ako?" tanong ni alysa
"Cause you know naman bestfriend mo si zharmes right? Maybe you know kung nasaan itong sinabi niya"
"Isabelle, alam mo for fact na hindi lang ako ang naging kaibigan ni zharmes noon"
"Then what the hell are you saying ba?" nakataas na kilay na tanong ni isabelle
"Isabelle hindi lang kami ni zharmes ang magkaibigan eversince- apat tayo diba? You, me, zharmes and Phil" napatingin kaming lahat kay alysa nung sinabi niya iyon at mahahalata ko na may pangungulila siya pagkatapos maya maya lang ay tumayo na siya
"Ok naman nung una pero bakit-bakit phil? Bakit kailangan mong mahulog kay zharmes? Bakit kailangan mo pang guluhin yung matiwasay niyang buhay? Bakit kailangan mo pang makipagrelasyon sakaniya?!" Malakas na sigaw ni alysa kay phil habang nakaturo pa dito at naiiyak na
"Sandali lang alysa let me ex-" pagsusumamo ni phil
Wait, may popcorn ba dito?
"Ano? Let you explain? Aba gago ka naman phil! Alam mong ayaw ni zharmes na masira yung pagkakaibigan na binuo niyong dalawa tapos lalagpas ka sa linya? Alam mo kasalanan mo otp lahat eh kundi sana-"
"Kundi sana ano ha? Alysa naman! It's not my fault kung nahulog din saakin si zharmes! Alysa alam mo yan-kita mo din kung paano niya ako pinagtulakan pero anong ginagpwa ko? Sinubukan ko pa rin at eventually naging kami! Tsaka huwag kang magmalinis dyan! Sinubukan mo akong siraan kay zharmes sa pagsasabi sakaniya ng kung ano ano at sa paggagagawa ng kalokohan!"
Wait what?
Napakunot noo ako nung hindi ko na makita si kyo sa tabi ni alysa maybe ayaw niya ng drama?
BINABASA MO ANG
Crystal Snow ||BangChinFF||√
Fantasy1st Cover by: TaeSaJinBwii07 2nd Cover by: seulginies [Fantaseries No. 1] [Spring Cepheus Kang Story] Sabi nila walang tamang lugar kung saan mo mahahanap ang tunay na Pag-ibig dahil lahat iyon ay nakatakda at iyon ay tama Wh...