Sa Student’s Lounge
Hoy baklang maganda pero mas maganda ako ng 10^100 th power! Chika kana ha?! Kagabi pa ako isip ng isip kung anong relasyon niyo ng boylet ko! Pang-uusisa ng baklang tsonggo, ay este ni Sammy pala.
Oo nga girl, my ged! kahit ako nga rin hindi nakatulog kasi naman excited na akong mag-umaga at makausap ka e. So ano nga? Isa pa to si babaeng pinaglihi sa bond paper, mga chismosa!
Aish. Mga kaibigan kong walang kwenta! Ay oo nga pala, hindi ko pa nga pala sila napapakilala sa inyo.
Madlang people meet my friends, Samuel Cris Montero and…
Hep hep hep! Baklang to. Anong Samuel Cris pinagsasasabi mo?! Ako si Sammy “ganda” Montero. Nice meeting you folks! ^_^
Haist. Epal talaga kahit kelan. O sige, meet my friends, Sammy “ganda” Montero and Katherine Charity Go, but you can call her kitkat for short.
Samuel… AHEEMM!... este Sammy “ganda” Montero, 13 years old, babae sa school pero astig pa kesa sa presong nakulong dahil nakapatay ng 10 lalaki ang bangis kung nasa bahay nila. Pano head ng PNP ang daddy niya sa buong Pilipinas kaya hindi siya pwedeng mabuko kundi deretso siya sa military school kung nagkataon. Pero sa totoo lang e dun din ang bagsak niya sa huli, yun kasi ang pamana ng daddy niya sa kanya.
Hoy babae ka! Magiging isa akong sikat na designer no! sabunutan kita jan. ayos ayusin mo kundi mauubusan ka ng buhok sa katawan mo makita mo! – bakla
Yun ang sabi niya. Anyways, Katherine Charity “Kitkat” Go. 12 years old, maganda, matalino pero nahawa na sa kabaklaan ni Sammy kung magsalita, actually dalawa kaming nahawa na. Her mom is a famous actress here in the country at ang dad niya ay kilala ring businessman. May lahing intsik ito kasi daddy niya half Chinese. Pinaglihi siya sa bond paper kasi ang puti-puti ng kutis niya.
Maputi rin naman ako pero yung pang pinay na kaputian lang e sa kanya OA na sa kaputian kaya namin siya tinawag na babaeng pinaglihi sa bond paper kasi ganon siya kaputi, di joke lang… may dugo pa rin naman siya. Hehe
We’ve known each other since we were in grade 1. Classmates na kami dito sa Gilmore Academy kaya kilalang-kilala na namin ang isa’t isa. We’re like siblings with different parents. hihi
So madlang people ayan na ah. Kilala niyo na sila. I hope we could all be friends. ^_^
Back to the student’s lounge…
So ano nga Shalalalala, is my boylet cheating on me? Nakikipagflirt ba siya sayo?? Bakit ka ba kinakausap ni baby Rod kahapon? Tell me! Napatabon naman ako sa tenga ko kasi nakakarindi na ang boses ng baklitang to, sumisigaw pa, nag eenarte na naman. Si kitkat naman ayon nagpipigil lang ng tawa dahil sa inaasal ng baklang to.
Boylet niya? Nakikipagflirt?! Aish! Oa talaga. Parang kinausap lang ng tao. Inikutan ko siya ng mata.
You remember the boy in my dreams day and night? Yung lalaking lagi niyong sinasabi na nabubuhay lang sa aking imahenasyon? My eyes were shut nung sinabi ko yon remembering those blissful days, pagmulat ko nakita ko naman ang seryosong mukha ni Sammy at kitkat. Taimtim silang nakikinig sa kwento ko. Tumango sila at sumenyas na “go on, continue” gamit ang kamay nila. Hindi talaga sila obvious na chismoso't chismosa. :3
BINABASA MO ANG
My HighSchool Love Affair [EDITING]
Teen FictionShana Elleise Velez Madriaga nag-iisang anak ng isang sikat na businessman at politiko. Nag-aaral sa isang hindi pangkaraniwang eskwelahan, ang eskwelahan ng anak ng mga kilala at mayayamang tao ng bansa. Hopeless romantic, hinihintay ang matagal ng...