Chapter 7

591 18 0
                                    

Monday na naman! Grabe ang bilis talaga ng araw. Parang hindi ko na gustong matapos yung weekend kasi naman yung ang the best weekend na dumaan sa buhay ko.

Nag spa kami, fashion show tapos kinabukasan nun nag swimming kami at picnic sa may pool nila. Grabe ang cool talaga ni tita.

Ilang beses ko na bang nabanggit yung “cool” na word since nung Saturday? Hindi ko na mabilang. Kasi totoo naman e.

Good morning class! Prepare 1 whole sheet of paper and we’ll have a surprise long test coverage ay mula sa simula hanggang sa topic natin nung Friday about balancing equation. Chemistry subject kami ngayon.

Lahat naman ng classmates ko ay nagsiangal sa nasabing test. Mahirap kasi naman talaga ang chemistry pero buti nalang at my tutor ako, anjan kaya ang mommy ko.

Oy Sha bestfriend! Alams na ha? Wow si bakla kung makabestfriend naman parang hindi lang niya ako inaway nung na kina tita kami ah.

--

Si maam magbibigay ng surprise test hindi manlang nagpasabi ayon tuloy nangamote ako. reklamo ni Sammy.

Eh sira ka pala. Edi hindi na surprise yon kong sinabi ni maam. Bwelta naman ni kit.

Misan kasi aso’t pusa rin ang dalawang yan. Hindi nalang silang dalawa ang magkatuluyan kasi nga the more you hate, the more you love nga diba? hihi

Natapos na yung exam. Nagdugo talaga ang ilong ko sa mga questions ni maam. Pero buti nalang at naturuan na ako ni mommy ng advance about sa chemistry. Savior!

Nandito kami ngayon sa lounge, nakakagutom naman talaga yong exam eh.

Habang kami ay kumakain, tawa lang kami ng tawa kasi kung ano-ano yung mga pinagkwekwento ni Sam e.

Eto pa mga bruha muntik na akong mabuko ni dad nung isang gabi, remember yung mga damit ni mommy Betsie na pinahiram sa atin? Kumuha ako ng isang pulang lace na T-back na nakita ko sa lingerie section, tinago ko for remembrance. Sammy

Hala ew bakit T-back? Ang laswa mo! Pagalitan ka ni tita niyan. Hindi ka nagpaalam. Nandidiring sabi ni Kitkat

Nako okay lang yan, isa lang naman e. Wag kang makialam at wag kayong maingay. Sasabunutan ko kayo pag sinabi niyo. Pagbabanta ni Sam

Oh sige na sige na. ano naman yung tungkol do’n? pagpuputol ko sa namumuo nilang alitan. Hay.

Kase naman itong mahaderang to. Hmmm! Umarteng babatukan niya si kit pero bumelat lang si kitkat.

Eto na nga, tinago ko sa ilalim ng unan ko tapos pumasok si dad sa room ko at nakita niya! Nawindang ako sa reaction niya kasi salubong ang mga kilay niya, parang kulang nalang e kumuha siya mg M-16 niya at itutok niya sa akin.

Oh tapos anong nangyari? Sabay naming sabi ni kit, masyado na kasi kaming nabibitin sa kwento niya hindi nalang ideretso sa climax.

Kayo naman hindi makapaghintay! Inirapan niya kami ni kit. Edi sinabi ko sa kanya na I can explain. Muntik na akong machukchak no’n pero bago pa ako mag explain e nagsalita ulit siya. Sabi niya.. ehemmm ehemm. He mimicked what his father said..

“I don’t need any explainations. Hindi ko na talaga mapipigilan ang pagbibinata mo son, just make sure to use some protection. Finish your studies first bago ka bumuo ng pamilya.”

Matapos niyang sabihin yun umalis na siya dai! ako? nga-nga!

At hindi na nga namin napigilan ni kit na tumawa ng malakas kasi naman kung makapagkweto itong si Sam detailed and with emotions pa. Pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante sa lounge pero keber?!

My HighSchool Love Affair [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon