Chapter 22

567 12 0
                                    

Hindi na kami nakapasok ni Rod nung first subject dahil sa pag-uusap namin. Napagdesisyonan namin na sa second subject nalang namin kami papasok. Pero hindi kami pumasok ng sabay kasi baka mahalata kami nina Sam at Kitkat.

Pinauna niya ako tapos susunod nalang daw siya after 10 minutes.

Hoy bruha san ka galing ha? Bakit ngayon ka lang dumating? Salubong ni Sam.

Bakit ang liwanag ng aura mo ngayon Shana? Anong nangyari ha? Lagot, bakit naman kasi mapang-usisa ngayon si Kitkat.

Ano bang sinasabi mo jan Kitkat ha? Dapat ba maging malungkot ako palagi dahil sa mga nangyayari sa buhay ko? Defend ko sa sarili ko.

Hindi naman sa ganon Shana, nakakapagtaka lang kasi parang nung past two weeks lagi kang wala sa mood at malungkot. Tapos ngayon na late ka pa pero ang saya-saya mo na. sabi ni Kitkat.

Well, I just realized na hindi pa naman kataposan ng mundo ko kaya I have to move on and continue my life. I just have to face the issues like what other actresses do, ignore them kasi hindi naman totoo. Hay. Hindi pa nga ako artista pinagkakaguluhan na ako, pano pa kaya kung ipursue ko yang career na yan? Pabiro kong sabi.

Wow! Ba’t biglang lumakas ang buga ng electric fan ngayon Kitkat? Natangay na ng hangin yung wig ko! Sarkastikong sabi ni Sam.

Gaga! Naka aircon ang room! Walang electric fan dito! Pinalo ko siya sa braso niya.

Hay nako girl mabuti na rin yan kasi para ka ng si Sisa nung mga nakaraang araw e. mabuti’t natauhan kana. Sabi ni kitkat.

Bumukas na naman ang pintuan, si Rod na siguro to. Napalingon ang lahat ng classmates ko sa may pintuan. Pero hindi ko siya tiningnan kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko siya. Miss ko na agad siya e.

Oh my god si Rod palapit sa atin may dalang bouquet of red roses tapos chocolate na heart shape ang lalagyan. Kinikilig na sabi ni kitkat.

Napalingon naman ako sa tinitingnan ng lahat. And there he was naglalakad papunta sa dereksyon namin.

Ano ba kayo aamin na si papa Rod na mahal niya ako! tingnan niyo nakatingin siya sa akin oh! Sabi ng ilusyonadong bakla.

The whole time he was walking, he was staring at me pero poker face lang siya. Ano bang ginagawa niya? akala ko ba napag-usapan na namin na itatago lang muna namin yung relasyon namin, bakit may ganito siyang eksena???

Oh my god, kelangan ko ng mag impake ng mga gamit ko sa bahay kasi siguradong aabot sa daddy ko ang balitang ito. Prepare for your doom Shana. Pero okay na lang din siguro to para hindi na kami nagtatago sa dilim. Sigurado naman akong mapapatawad din ako ng daddy ko sa ginawa kong pagsuway sa kanya.

For you. Sabi ni Rod.

Kukuhanin ko na sana yung bouquet at chocolates pero nilampasan niya ako! kinamot ko nalang ang ulo ko, mahirap ng mapahiya!

Lahat kami nagulat nung ibinigay niya yung flowers at chocolates kay Kitkat! WTH?! Pero siguro part lang to ng act. Pero wala naman siyang sinabing ganito e. naguguluhan ako.

Anong ibig sabihin nito papa Rod?! Ipinagpalit mo ako sa kaibigan ko? Two weeks kang nawala at hindi nagparamdam sa akin tapos ganito pa masasaksihan ko? Siguro matatanggap ko pa kung kay Shana ka magkagusto kasi may past kayo pero bakit kay kitkat pa? I can’t accept this! I won’t give you my blessing! Napatayo bigla si Sam habang sinasabi niya iyon. Eksaherada!! Kung makapag react naman akala niya siya yung girlfriend!!

My HighSchool Love Affair [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon