Hey kitten, here’s your favorite jello. Mukhang hindi ka kinuha ng date mo. Abot ni Sky ng desert kay kit. After niyang ibigay yun kay kit ay bumalik na siya sa upuan niya na nasa tapat lang ni kit.
Nagblush si kit ng sobra, nagkatinginan naman kami ni Sam. Pareho kaming nagtataka sa nangyari. Kitten? Anong meron sa dalawang to? Kanina ko pa rin napapansin na masama ang mga titig ni Sky kay Melton.
Naalala ko naman nung tinanong ni Sam si kit kung bakit marami ang alam niya kay Sky pero hindi niya ito nasagot. Hmmm. I smell something fishy around here e?
Say ahh! Sabi ni Thunder habang hawak hawak ang isang tinidor na may nakatusok na… breaded shrimp ba yan?
Ano ba tong lalaking to, may kamay naman ako bakit kelangan pa niya akong subuan? Nakakahiya, lahat ng nasa table ay nakatingin sa amin tapos parang kinikilig-kilig pa. Allergic nga ako sa shrimp diba? Pero mapapahiya naman si Thunder kung hindi ko tatanggapin yung binibigay niya.
Saka ko muna iisipin si kit at Sky eto muna. huhu
Hey princess, try this, masarap to promise. Nakataas pa ang kanang kamay niya as if nagpapanatang makabayan lang. ahh bahala na si batman! Isa lang naman hindi ko pa naman siguro to ikamamatay e.
Akmang kakagatin ko na sana yung shrimp ng biglang tapikin ito ni Rod na naging dahilan para mabitawan ni Thunder yung tinidor at napatingin naman kaming lahat kay Rod.
Are you crazy?! Gusto mo na ba talaga mamatay? Please lang kung may balak kang magpakamatay wag dito, not on my watch kasi hindi yun makakaya ng konsensiya ko! Nagulat kaming lahat sa pagsigaw ni Rod. Gusto ko ng maiyak kasi natakot ako sa kanya. Napansin ata iyon ni Thunder kaya kinompronta niya si Rod.
Ano bang problema mo pare? Tinatakot mo si Shana. Huminahon ka nga at wag kang bastos! Napataas na rin ng boses si Thunder. Nagsitinginan naman yung mga estudyanteng malapit sa table namin habang yung iba ay busy pa rin sa pagkain, hindi kami napapansin kasi maingay.
Natigilan si Rod at tumingin sa akin. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala, galit and at the same time ang paghingi ng tawad. Napansin na rin niya siguro na natakot ako, pero mas nangibabaw ang galit sa mukha niya.
As far as I remember Elleise you are very much allergic with shrimps! At talagang magpapakamartyr ka dahil sinusuboan ka ng lalaki? My God! I thought you’re better than that. Galit na sabi nito tapos tumayo na at umalis, sinundan naman siya ni Jasmine. Hindi ko na nasundan kung san sila nagpunta kasi nilamon na sila ng crowd.
Naiwan naman kami sa table na tulala pa rin dahil sa nangyari.
I’m really sorry Shana, I didn’t know na allergic ka pala sa shrimp. It’s my fault. I’m sorry. Paghingi niya ng paumanhin, nakita ko ang sobrang pag-aalala niya sa akin. Natuwa naman ako do’n.
I’m okay Thunder. Pasensiya kana kung hindi ko sinabi sayo, ayoko lang naman kasi mapahiya ka sa iba e. isa pa hindi naman ako agad-agad na mamatay kung isang shrimp lang naman diba? Hihi. Tiningnan ko siya at nagpeace sign pa habang nakangiti.
Ayoko kasing sisihin niya yung sarili niya e kasalanan ko naman talaga. Gusto ko siyang matawa sa sinabi ko kaso mukhang mas lalo lang siyang nalungkot.
Hoy, I was just kidding. Don’t blame yourself coz it wasn’t your fault okay? Pasensiya kana kay Rod, OA lang talaga yon kung minsan. Hehe. Pilit kong pinagagaan yung loob niya pero hindi ata ako effective sa ganon kasi lalo siyang nalulugmo sa kalungkutan.
He has the right to be angry, buhay mo na kasi nakasalalay do’n e. kung ako man yung nasa kalagayan niya ganon din magiging reaksyon ko. Why are you so selfless? Mas iniisip mo pa yung ego ko kesa sa sarili mong buhay? Hala. Parang OA na rin si Thunder e. kasasabi ko lang na hindi ko pa iyon ikamamatay e may buwis-buhay pa siyang nalalaman diyan.
BINABASA MO ANG
My HighSchool Love Affair [EDITING]
Novela JuvenilShana Elleise Velez Madriaga nag-iisang anak ng isang sikat na businessman at politiko. Nag-aaral sa isang hindi pangkaraniwang eskwelahan, ang eskwelahan ng anak ng mga kilala at mayayamang tao ng bansa. Hopeless romantic, hinihintay ang matagal ng...