Chapter 42

330 8 0
                                    

A/N
Sorry for the very late update. Ang hirap makasagap ng internet nung last few days. Kaya eto, late din yun event. Bare with me po.

Patapos na po itong istoryang ito kaya hopefully matapos ko na ang iba ko pang story.

Thank you for all your supports sa pamamagitan votes and comments.

Enjoy reading! :)

___

Shana anak ready ka na ba? May mangilan-ngilan ng bisita sa labas! Tawag ni mommy sa akin. Tumayo ako sa kinauupuan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko. Kinakabahan na naman ako. Bakit parang sa t’wing magkakaparty lagi nalang akong kinakabahan. Pero hindi na siya yung masakit na masakit na pagkakaba na gaya ng dati. Parang nararamdaman ko na may mangyayaring maganda. Please Lord, pagbigyan niyo na ako this time.

It’s Christmas eve anyway. We should all be merry.

Bababa na po ma! I looked at myself in the mirror. Grabe ang ganda talaga gumawa ng gown ng hunky baby ko. Sa haba ng gown ko akala mo naman aattend ako ng SONA. Parang pang grammy na e.

Ilang oras nalang pasko na, bakit ba kasi nila naisipan na palakihin pa ang party na ito, pwede namang kami-kami lang yung magsasalo-salo pero wala, hindi nagpapigil ang ama ko, kesho dapat bongga daw dahil malaki na yung pamilya namin.

Pinabayaan ko nalang nga siya sa gusto niya, hindi naman kasi ako ang gagastos ng lahat ng ito eh.

Alas shete na ng gabi, marami-rami na rin pala ang tao. Baka buong Pilipinas na ang inimbitahan ngayon ng daddy ko, kelangan ko nalang sigurong mag expect sa mga unexpected. Daddy ko yan e.

Shalala! Tawag ni Sam sa akin.

Nasa isang table ang barkada, andon na rin si Rod and Thunder.

Ang ganda mo princess. Salubong ni Thunder sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi. I can feel Rod staring. Napalunok nalang ako.

S-salamat. Umupo ako sa tabi niya. Pinagigitnaan nila ako ni Rod. Ang awkward! Parang ngayon na talaga yung time para ako’y maglaho.

Oy gift ko ah! Sigaw ni Sam, nasa harapan ko kasi siya e malaki yung round table kaya kelangan niya talagang sumigaw. Mabuti na rin ‘to para maibsan ang tension sa mga katabi ko.

Natawa naman ako kahit papano. Opo meron na! andoon sa ibaba ng malaking Christmas tree! Tinuro ko sa kanya ang malaking Christmas tree malapit sa buffet table. Basta regalo talaga, itong si Sam hindi papahuli.

Ngumiti naman siya ng pagkalapad-lapad. Para naman siyang ewan, as if naman ngayon lang siya nakatanggap ng regalo.

Eh yung akin? Nakapalad pa ako niyan sa kanya.

Nandoon na rin! Sigaw niya.

Marami akong matatanggap na regalo ngayong pasko ahh. Exchange gift kasi kaming lahat so lahat kami makakatanggap galing sa buong barkada namin. Ahihi

Isa sa mga pinakahihintay ko mga pasko, birthdays, new year pati na rin Halloween ay ang gift giving. Oo pati Halloween dapat may gift. Okay lang naman kahit candies lang. pero siguro ngayon, pass muna ako sa panghihingi ng gift lalong-lalo na kay Thunder, naalala ko kasi nung 13th birthday ko, sarili niya yung binigay niya sakin.

--

Natapos na kaming kumain, isang oras nalang at pasko na. ang daming pakulo sa party na ito, daming nagpresent, may mga acrobats pa na inarkila ni dad, pero nakakaaliw sila, para silang goma walang mga buto.

My HighSchool Love Affair [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon