Princess! Princess! Tumatawag ang gwapo gwapo mong fiancé! Sagutin mo na dahil miss na miss ka na niya!
Princess! Princess! Tumatawag ang gwapo gwapo mong fiancé! Sagutin mo na dahil miss na miss ka na niya!
Princess! Princess! Tumatawag ang gwapo gwapo mong fiancé! Sagutin mo na dahil miss na miss ka na niya!
Grrrr! Ang annoying talaga! Inis na sabi ko sa sarili ko.
Isang taon ko na iyang naririnig na ringtone ng cellphone ko pero hindi pa rin ako nasasanay, nakakairita! Though anyone who hears it finds it cute except me na may-ari ng phone na yan. Minsan nga e gusto ko nalang itapon ang mansanas ko dahil kahit early morning e tumatawag para lang manggising at sabihin na mahal na mahal niya ako.
It's sweet I know pero kung araw arawin ka ba naman na palaging ganyan tingnan ko nalang kung hindi ka maumay.
Hindi ko naman na pinapalitan dahil sa tuwing malalaman niya e binabalik lang niya yung ringtone niya, lagi nga niyang chinecheck kaya eto, napagod na at pinabayaan nalang.
Ano ba yan Thunder, ang sarap sarap pa ng tulog ko mang-eestorbo ka na naman?! Bungad ko sa kanya kahit na garalgal pa rin ang boses dahil kakagising nga lang.
[Ahihi. Good morning and I love you too princess! Ang sexy talaga ng bedroom voice mo princess.] I rolled my eyes at him kahit alam kong hindi niya nakikita. Anjan na naman siya sa mga sexy compliments niya.
What is it this time you sweetdream killer! Naiinis na tanong ko sa kanya. Pano naman kasi nasa kamay ko na yung isang garapon ng chupachups na complete ang flavor tapos naglaho pa na parang bula. Sino ba naman ang masisiyahan sa ganon?
[Oh. I'm sorry princess. Pero alam ko naman ako yung nasa matamis mong panaginip, hindi ka ba masaya na nagkatotoo na yun ngayon? Hihi.] Ang taas ng confidence level ma men??
Tsee! Kapal mo! Ano nga kasi?? Sabado ngayon kaya walang pasok kaya nga sinusulit ko yung tulog ko kasi hindi ako masyadong nakakatulog nung mga nakaraang araw dahil exam week kasi namin ngayon at patapos na naman ang school year.
[Relax princess, ang aga aga grumpy kana agad. I just want to remind you na punta tayo mamaya kay KUYA Rex para masukatan kana sa wedding gown mo.] Natigilan ako sa balita niya.
I know about this schedule pero hindi ko pa rin naiimagine ang sarili ko na ikakasal kay Thunder dahil sa puso ko si Rod pa rin. Kahit na iniwan niya ako sa pangalawang pagkakataon e mahal na mahal ko pa rin siya.
At hindi maaalis sa tono niya na asar na asar siya sa hunky baby ko.
[Princess?] sabi ng lalaki sa kabilang linya.
Okay. Wag mo na akong sunduin, I'll bring a car dahil may lakad kami nina Sam mamaya.
[Sama nalang ako sa inyo princess. Sige na.] kahit na nasa kabilang linya siya alam kong nakanguso na naman ang lalaking 'to, ganyan kasi yan lagi pag may favor na hihingin o kahit naglalambing siya.
Hindi pwede, it's a girls bonding time. Hindi ka naman girl. Nagpupumilit pa kasi e.
[E bakit si Sam hindi naman girl yun, bakit siya pwede?] hindi talaga ito papatalo 'no.
Ano ka ba naman Thunder, si Sam pusong babae yan kaya exempted. Nakukulitan na talaga ako sa lalaking 'to, masyadong mapilit!
[Kaya nga, babae ka naman.] ano bang pinagsasasabi nito?
So ano ngayon kung babae ako? ang gulo mo namang kausap e. napapapadyak na ako dito sa kwarto dahil sa kakulitan nitong kausap ko.
[So pwede akong sumama kasi babae naman din ang nasa puso ko at ikaw yun princess. ahihi] nganga na po ako dahil bumanat na naman po siya. Haist.
BINABASA MO ANG
My HighSchool Love Affair [EDITING]
Teen FictionShana Elleise Velez Madriaga nag-iisang anak ng isang sikat na businessman at politiko. Nag-aaral sa isang hindi pangkaraniwang eskwelahan, ang eskwelahan ng anak ng mga kilala at mayayamang tao ng bansa. Hopeless romantic, hinihintay ang matagal ng...