Chapter 30

317 7 1
                                    

Shana anak andito na ang sundo mo! Bumaba kana, nakakahiyang paghintayin ang fiancé mo. Tawag ni dad sa akin mula sa labas ng kwarto ko. I rolled my eyes when he said that ‘f’ word.

Alas kwatro palang ng umaga, maaga kaming aalis papuntang Boracay. Early kaming aalis para iwas traffic.

Nag-insist na sunduin daw ako ni Thunder dito sa bahay papuntang airport kasi doon daw kami magkikita kita. Hindi na ako nakatanggi kasi inunahan na niyang magpaalam kay daddy kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod labag man sa kalooban ko.

Chineck ko ulit ang mga gamit ko dahil baka may makalimutan ako.

Swim wear check, shorts.. check, camisons.. check, cover ups.. check, beach dress.. check, toiletries.. check, flipflops... check, sun block.. check.

Okay na siguro ako, pero kung may nakalimutan man ako, may mall naman doon at do’n nalang ako bibili kung sakali man.

Pababa na ako at nakita kong nasa sala na si Thunder naghihintay.

Let’s go. Malamig kong sabi, ‘sing lamig ng hangin dahil madaling araw palang.

Nagulat siya at napalingon tapos bigla siyang natigilan pero sandali lang naman at ngumiti siya ng pagkatamis tamis.

Siguro kung naiba lang yung sitwasyon namin magkakagusto talaga ako kay Thunder, bukod sa ill behavior nito dahil nga sa sakit niya, mabait pa rin naman siya, sweet, gentleman, gwapo at mayaman. Yun ay kung hindi siya inaatake ng sakit niya.

Pero hindi naman kasi siya narerecognize ng puso ko e. Sa isip pwede pa pero diba kung nagmamahal ka dapat nasa puso’t isipan mo siya, si Rod lang naman yung dominant sa lahat ng parte ng katawan ko e.

Walang gabi na hindi ko pinagdadasal na makahanap na si Thunder ng babaeng para sa kanya, yung tipong mamahalin siya ng buong puso’t isipan ng babae at mamahalin siya sa kung sino at ano siya.

Hindi ako makapaniwala na binago pala niya ang sarili niya dahil sa akin, matagal na pala niya akong kilala pero nung nagkita kami sa lounge noon ay hindi ko talaga siya nakilala.

Flashback…

“Thunder I’m sorry. Hindi kita pwedeng pakasalan.” Mahina pero mariin kong sabi sa kanya.

No’ng malaman ko na alam na ni Thunder ang tungkol sa amin ni Rod ay pinagpasyahan kong komprontahin siya para hindi na siya umasa at itigil na niya ang kahibangan niyang ito.

Dahil ba sa Nimrod na yan ha? Dahil ba sa kanya kaya hindi mo ako magawang mahalin? Ano bang meron siya Shana na wala ako? Mayaman siya? Mayaman rin naman ako. Gwapo siya? Gwapo rin naman ako? Nakakapagtaka lang kung bakit mo siya minahal e palagi ka naman niyang sinusungitan, ang cold niya sayo habang ako naman lahat ginagawa para ka pasayahin, ang sweet sweet ko sayo. Ano bang ginawa kong mali? Lahat naman ginagawa ko para magustohan mo ako.”

Nakakabaliw ng mag-isip Shana. All my life binuhos ko sa pagplaplano para sa araw na magkakakilala tayo magugustohan mo ako. Ano ba ang ginawa kong mali?” sabi niya habang nakasabunot sa buhok niya na parang litong-lito sa kung saan.

My HighSchool Love Affair [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon