Shana anak magbihis kana, the guests will arrive any minute now! Tawag ni mommy mula sa baba.
Bakit ba ang hilig hilig niyang sumigaw? Maisuggest ko kaya na magvoice lessons siya, may potential siyang maging Asia's songbird palitan niya pa si Ms. Regine.
Ngayon icecelebrate ang birthday ko dahil weekend, hindi na to bago sa 'kin coz we always celebrate it with my dad's business associates. Parang hindi ko na nga birthday kasi they always talk about business and the worst only my two best friends are my only invites and some relatives na rin.
Kaya pala magkikita kami ngayon nina Kitkat kasi birthday celebration ko pala. My parents used to tell me there plans for my birthday and we plan it together pero ngayon they didn't even bother asking for my opinion.
Huh. Parents.
After kong magbihis pinaakyat na ni mommy ang make up artist at hair stylist ko.
Hindi ko alam kung bakit pero naninikip ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga at hindi ako mapakali at pakiramdam ko ay may masamang mangyayari.
I'm just hoping and praying na walang nangyaring masama kay Rod.
Pilit kong kinalma ang sarili ko..
After my breathing exercise ay bumaba na ako dahil pinatawag na ako nina mommy at daddy. Medyo kumalma na ako ng konti.
I want you to be on your finest tonight young lady. Sabi ni daddy and I just nodded.
Ano naman ang akala niya magwawala ako sa party ko? Edi ako na ang pahiya pag ganon.
--
Unang dumating sina Tita Bernadeth at tito Miggy kasama ang hubby ko. Sobrang saya ko dahil okay siya, walang nagyari sa kanya. As usual, he has this "drool on me baby" effect on me. Ang gwapo niya!
They all greeted me with a hug and a kiss pero syempre exempted si hubby, hug lang yung sa kanya kasi baka machukchak siya ng daddy ko. They gave me presents!
Suot ko ngayon ang kwentas na binigay ni hubby my labs at hindi ko na ito tatanggalin forever! ahehe
Gustohin ko mang samahan si hubby kelangan ko pang batiin ang lahat ng bisita ko. At ang dami nila ngayon kesa last year, sabagay I gained new friends this year, andyan sina Rod, Sky, Rocky, Stan, Thunder, Melton and Momo. Datirati sina Sam at Kitkat lang kasama ko e.
Whoa! Andito rin ang mean girls at ang iba ko pang mga kaklase! Bakit may mga reporters din? At kasalukuyan nilang pinagkakaguluhan ang buong pamilya nila Thunder na kararating lang.
Pinuntahan ko agad si mommy.
Mom bakit ang dami naman po ata ng bisita natin? May mga press pa. Anong meron? Okay na nga lang sa akin na invited ni daddy lahat ng associates niya kahit gusto ko lang ng intimate gathering pero ngayon bakit pati buong school nandito? Reklamo ko kay mommy.
Wala rin akong idea baby. Nagtataka nga rin ako e, hindi ko alam kung saan sila nakakuha ng invitations basta ang alam ko para lang sa 100 ka tao yung pinaprint ko. Sabi ni mommy.
So this is dad's doing.
Nandito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap sa crowd. Come salubungin na natin ang pamilya ng presidente. Smile to the cameras okay? Sabi ni dad.
I really really want to ask him of what he's up to pero masyado pa kaming occupied sa mga bisita.
Happy birthday hija! Bati ni tita Eileen, mommy ni Thunder. She hugged me.
BINABASA MO ANG
My HighSchool Love Affair [EDITING]
Teen FictionShana Elleise Velez Madriaga nag-iisang anak ng isang sikat na businessman at politiko. Nag-aaral sa isang hindi pangkaraniwang eskwelahan, ang eskwelahan ng anak ng mga kilala at mayayamang tao ng bansa. Hopeless romantic, hinihintay ang matagal ng...