Rod… ahhh. Can we talk? Nanginginig ang lahat ng parte ng katawan ko habang sinasabi ko yan, para akong inaatake ng epilepsy.
He just stared at me, at nararamdaman ko naman na nakatingin rin sa akin sina Sam, Andrea at Jasmine pero deadma muna sila kasi nga I really have to talk to him.
Hindi ko na siya hinintay na sumagot kasi parang hindi naman siya sasagot e kaya hinila ko siya papuntang dancefloor. Buti nalang at payatot pa rin siya kaya hindi siya mabigat hilahin. Hindi ko siya tinitingnan habang hinihila ko siya kasi baka lumambot yung tuhod ko at mangisay nalang bigla.
Nasa dance floor na kami, hinila ko na siya kaya wala ng atrasan to. Tumingin ako sa mukha niya iniexpect ang mala dragon niyang titig pero poker face lang niya ang sumalubong sa akin.
Nabigla ako ng hilain niya ang bewang ko na naging dahilan para magkalapit ang katawan namin… uso ang hilaan sa amin. Bumilis ang pintig ng puso ko. Ngayon lang ulit kami nagkalapit ng ganito. He guided my hands to wrap it around his neck, hindi siya ganon katangkad so we’re now technically hugging each other. I want to faint. Mahimamatay na ako sa posisyon namin ngayon. I can feel his heartbeat next to mine. It’s pounding so fast, kinakabahan din siya? Affected din pala siya sa posisyon namin, akala ko ako lang.
The song “so close” was playing.
You’re in my arms, and all the world is calm
The music is playing on for only two
So close, together…
I lean my head on his shoulder, hindi ako makatingin sa kanya ngayon kasi alam kong scarlet red na ang kulay ng mukha ko.
Y-you said we’ll gonna talk right? Then let’s talk. He stattered.
I can hear his voice very clearly. His lips are on my ears. I can feel his breath touching my skin. Kinikilabutan ako pero hindi yun yung kilabot na nararamdaman ko kung nagpipigil akong jumingle o tumae. This is way way more different. We are so close to each other. So, so close.
And when I’m with you
So close, to feeling alive…
Bahagya akong lumayo sa kanya pero nasa bewang ko pa rin ang mga kamay niya. I looked at him sturdy. My body stiffened, hindi ko ma explain ang nararamdaman ko ngayon.
What?! Nabalik ang diwa ko ng sumigaw siya. Ang sungit! Niyakap ko siya ulit kasi naman mas feel ko pa yung atmosphere kanina kahit matatae na ako.
Siya naman ang nanigas ng katawan. Pero sandali lang naman at nagsway narin kami to the rhythm of the music.
I just wanted to --- WTH!
Biglang nag-iba yung music! Of all the songs they’ll gonna play bakit Crazy in Love by Beyonce ft. Jay Z pa?! And of all the time, bakit ngayon pa? Bakit kung kelan si hubby ko pa ang kasayaw ko! Kainis!
Natingin lang sa akin si Rod, pero wala na akong magawa kaya sumayaw nalang ako mala beyonce. Magaling kaya akong sumayaw. Napanganga siya sa dance moves ko pero hindi siya nagpatalo. Sumayaw rin siya. Abay magaling din pala siyang dancer, mala EXO naman siya ngayon. Magaling talaga. Dagdag pogi points!
So you were saying? Tanong niya habang nagsasayaw kami.
Ah. Ano… gusto ko lang sanang magsorry sa nangyari kanina. Sa pagiging pabaya ko. Nagsisigawan kami ngayon sa dance floor pero hindi kami nag-aaway. Nagsisigawan lang kami kasi hindi namin maririnig ang isa’t isa kung hindi namin gawin yon.
Me too. I want to say sorry kung nasigawan kita at natakot ka sa akin. Sabi niya habang hataw na hataw pa rin sa pagsasayaw.
It’s okay. I understand. Alam ko namang concern ka lang sa akin e. salamat. Sabi ko sa kanya habang nagsasayaw pa rin.
Kung titingnan para kaming nagshoshowdown sa dancefloor kasi humihinto kami sa pagsasayaw kung magsasalita kami tapos itutuloy lang kung tapos na kaming magsalita. Kung makasayaw kami it’s like we own the floor. Nagbrebreak dance pa siya niyan tapos ako naman e yung mga sensual hiphop dance lang din. Yun naman kasi genre ko e.
Patapos na ang kanta, this is our big finale. Nagtumbling muna si Rod habang ako naman ay shinishake pa rin ang katawan ko tapos…
Got me looking so crazy right now
Your love’s got me looking so crazy right now (your love)
You got me looking so crazy right now your touch’s
Got me lookin so crazy right no (your touch)
Got me hoping you save me right now
Looking so crazy your love’s got me looking
Got me looking so crazy in love….
Natapos yong kanta at nagtalikuran kami ni Rod, our hands are crossed across our chests while we were catching our breathes. Nakakapagod din yon ah.
Clap clap clap!
Whoa! Galing niyo!
The best showdown ever!
Ang gwapo ni Rod kung sumasayaw. Ahhhh!
Ang sexy mong gumalaw Shana! In love na ako sayo whoa!
Naririnig naming sigaw ng mga tao sa paligid namin.
Napalinga-linga naman ako sa paligid ng dancefloor. Kami nalang palang dalawa ni Rod ang nasa gitna. Nakakahiya! Dali-dali ko namang hinila ulit si Rod papuntang table namin, sinalubong kami nung mga tao. Nagnod lang ako sa kanila tapos ngumiti kahit hiyang-hiya na ako. Ewan ko kung ano na ba ang itsura ngayon ni Rod habang hinihila ko siya basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang umupo at manahimik.
Grabe papa Rod! Shana! Ang galing niyo. Para lang kaming nanunuod ng You can dance live! Sigaw ni Sam. Nasa table na kasi kami.
Kompleto na pala kami sa table namin. Nagsibalikan na rin pala sila.
They were all talking about the show we had just a while ago. Praising us, they even suggest na sumali daw kami sa mga dance competition and they were all ecstatic about it.
I looked at Rod, I want to see how he react about the things they were babbling about. And to my surprise, he was starring at me intently. I blushed and he smiled at me. The smile I have been longing to see since the day he left.
I missed it. I missed him so badly.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya sa States, kung bakit pagbalik niya ay hindi na siya yung Rod na nakilala ko. Yung Rod na mahal ako.
Nalulungkot ako pero dahil sa ngiti niyang iyon ay nabuhayan ang loob ko.
Ganon nalang siguro lagi ang gagawin ko, okay lang magpakatanga kung minsan basta ba't babalikan ako ng mahal ko e.
Wag po kayong maiinis sa akin ha? Tama nga siguro sila, martyr ang nagmamahal. You’ll do anything to see the one you love, happy.
Ako si Shana Elleise Velez Madriaga and dakilang matyr! Pang-apat na myembro ng na ngayon ay GOMBURZASHA na. Nagpa sex change lang ako kamakaylan. :p
BINABASA MO ANG
My HighSchool Love Affair [EDITING]
Teen FictionShana Elleise Velez Madriaga nag-iisang anak ng isang sikat na businessman at politiko. Nag-aaral sa isang hindi pangkaraniwang eskwelahan, ang eskwelahan ng anak ng mga kilala at mayayamang tao ng bansa. Hopeless romantic, hinihintay ang matagal ng...