Ms. Madriaga please just a brief interview! Kayo na po ba ni Mr. Thunder Vergara? Sigaw ng isa sa mga reporter na hinaharang nina Jack at Steve.
Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa room ko ng bigla akong dumugin ng mga reporters. Akala ko nga mga college students lang kasi naka casual na damit lang sila. Mga college students lang kasi ang walang uniform. Pano ba ito nakapasok ng school? Akala ko ba mahigpit ang pagbabantay nila.
Buti nalang at laging nakasunod ang body guards ko kaya hindi ako napisa, agad namang dumating ang ibang guards ng school.
Eto na nga ba ang sinasabi ko e. Breach of privacy na to. Nakakainis. Simula nung lumabas yung mga balita hindi na natahimik ang buhay ko.
Tumakbo na ako para makaiwas sa mga reporters pero napaka-persistent talaga nila at out-numbered ang guards kaya nakakasunod pa rin sila. Parang mga walang pinag-aralan ang mga to e.
Gustong-gusto ko ng sagutin ang mga tanong nila pero pinagbawalan ako ng daddy ko kasi daw mas lalong tumataas ang stock price ng kumpanya mas lalong dumadami ang investors niya at good image daw yon sa political career niya. Ang selfish niya!
Nag-aaway na nga sila ni mommy minsan dahil sa mga desisyon ni dad e. Hindi ko na siya kilala. Hindi siya ang daddy ko! He even told me na itatakwil niya ako pag abandonahin ko si Thunder. Sumosobra na talaga siya.
Paliko na ako sa isang building ng bigla akong madapa! Kelan pa nagkaron ng bato dito? Kainis! Baka napicturan na naman ako, kawawa ang image ko. huhu.
Hala. Bigla nalang nawala si Ms. Madriaga. San na ba nagpunta yun? Sayang yung scoop! Rinig kong sabi nung isang reporter. Tapos nagdiretsong naglakad.
May mabuting naidudulot din pala ang nadadapa. Hehehe. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago tumayo, mahirap na baka bumalik na naman yung reporter at makita na ako. Nagulat ako ng biglang may humablot sa akin.
Rod! Sigaw ko. Perry talaga, bigla nalang susulpot.
Tss. Perry talaga to. Mahina kong sabi.
I’m not a platypus. Ehh? Narinig niya pala ako?
Bongga! Kilala mo na pala si Perry, congrats! Tayo’y magbunyi!
Hindi niya ako pinansin at hinihila pa rin niya ako sa kung saan. Seryoso ang mukha nito. Oh my! Baka may picture na naman ako sa phone niya nung nadapa ako? huhu. Major hit na naman siguro yun. Mas malala ngayon dahil baka sa news ko na makita yun. Major HUHUHUHU.
Teka yung favorite place ko to e.
You’re safe here. I miss you. Sabi niya habang nakayakap sa akin.
Eh? Natigilan ako sa ginawa niya. My knees weaken, it suddenly turned jell-o. He was like my safe wall, hinaharang niya ang mga taong gustong manakit sa akin. Matibay na pader na hindi matutumba kahit na sandalan siya ng mga problema ko.
Pero sana naging malambot na kutson ko nalang siya para nasalo niya ako kanina nung nadapa ako. masakit kaya yun.
I miss you too. Where have you been? Bakit ang tagal mong nawala? Akala ko iniwan mo na naman ako ng walang pasabi.
Two weeks na ang nagdaan nung huli ko siyang nakita. Yun yung araw na nalaman ko na may mga kumakalat na balita tungkol sa amin ni Thunder.
Those two weeks had been miserable without him. Natakot ako ng sobra dahil akala ko umalis na naman siya at sa pagkakataong yon ay hindi na siya bumalik. Pero andito na siya niyayakap ako. I feel safe around his embrace.
BINABASA MO ANG
My HighSchool Love Affair [EDITING]
Novela JuvenilShana Elleise Velez Madriaga nag-iisang anak ng isang sikat na businessman at politiko. Nag-aaral sa isang hindi pangkaraniwang eskwelahan, ang eskwelahan ng anak ng mga kilala at mayayamang tao ng bansa. Hopeless romantic, hinihintay ang matagal ng...