Chapter 35

341 9 0
                                    

Grabe parang ang bilis lang ng oras ‘no? Parang kahapon lang nung dumating tayo dito sa Bora tapos ngayon uuwi na. haist. This getaway is so worth of my sembreak! Masayang sabi ni Cathy, our classmate.

I agree. Sayang wala ang iba, mas masaya siguro yun. Si Jane naman.

Ako rin Charity nag enjoy talaga ako sa pagsama sa vacation na to, buti nalang at nabasa ko yun sa fb niya dahil kung hindi I am now probably bored to death sa shootings and guestings. Baling ni Melton kay Kit.

Tss. Ang isa diyan hindi na talaga nahiya, class bonding lang naman ‘to supposedly pero may mga tao talagang epal in nature. Narinig naming sabi ni Sky, kunwari kausap niya si Rocky pero obvious naman kung sino ang pinariringgan niya.

Are you referring to me? nakataas ang isa sa makakapal na kilay ni Melton kay Sky.

O bakit pare, natatamaan ka ba? Pang-aasar ni Sky.

Oh I’m sorry. Pasensiya kana pare masyado talaga kasi akong feeler pero naalala ko na hindi lang naman pala ako ang nakisabit sa vacation na ito andiyan din naman pala kayo. Ganti ni Melton habang tinuturo niya sina Sky, Rocky, Stan and Thunder.

Hindi naman sila nagreact sa sinabi ni Melton maliban kay Sky, sanay na kasi ang tatlo sa bangayan nilang dalawa. Kahit nga kami nina Sam nasanay na rin.

Nagtagisan ang dalawa ng tingin. Napa face palm nalang si Kit. Haha

Hey princess. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Thunder. I still feel guilty whenever he’s around, ewan ko ba kung bakit ganon ang nararamdaman ko, after kasi nung sinabi niya sa akin 4 days ago ganito na ang nararamdaman ko.

Thunder is a good man I know pero hindi ko talaga kayang masuklian ang pagmamahal na binibigay niya sa akin. Baka nga dahil sa akin bumalik pa at lumala ang mental health niya. I can’t afford that, hindi makakaya ng aking konsensiya.

H-hey. I gave him a faint smile.

Can I sit beside you for the whole trip? Pagpapaalam niya. I saw hope in his eyes na ‘pag tumanggi ka ay parang isa ng krimen worthy of death sentence.

But then again I am hesitant to let him kasi baka isipin niya na I am giving him a chance and giving false hopes are so not my cup of tea.

Please. He is now begging with his puppy eyes and pouty lips on. How can he look so adorable? Gone the annoying Thunder.

Promise I won’t bite. Tinaas pa niya ang kanan niyang kamay na parang nanunumpa.

Natawa naman ako sa itchura niya, pinagsabay-sabay kasi niya ang pacute yet seryosong mukha niya. I really don’t know how he pulled that through.

Okay okay Thunder. I surrendered. Ang sincere kasi ng mukha niya though nakakatawa kasi may puppy eyes and pouting lips pa siya.

Yes! Malakas na sigaw niya tapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Natigilan ako, ang OA lang niya para siyang nanalo ng billion sa lotto. Haist.

Uuuuuuuyyyyyy! Panunudyo ng classmates namin.

Tinulak ko siya agad para makawala sa mahigpit niyang yakap.. H-hindi ako makahinga. Pagdadahilan ko. Nakakahiya sa classmates namin and I feel guilty na may kayakap akong iba especially si Thunder pa ang kayakap ko na hindi maiiwasang bigyan ng malisya ng tao dahil we’re and I quote “engage”.

My HighSchool Love Affair [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon