Sumabay ako sakanila pag uwi. Ang dami-dami nilang kwento at tanong saakin. Kung anu-ano. Hindi ko na nga sila iniintindi minsan eh xDD Habang naglalakad kami naisip ko yung si L. Ako naman kaya ang magtanong?
"Ah eh may tanong ako. Y-yung si L bak--
"Nako ganun talaga yun medyo masungit saka may pagka cold minsan." -- Si Sungyeol. Hindi man lang pinatapos yung tanong ko.
"Masasanay ka din dun. Mabait naman yun eh." Si Sunggyu naman. Okay? Baka sakanila mabait.
"Bakit mo naman naitanong bespren?" Si Sungjong.
"Ha? Ah eh. W-wala lang?" Bat ba ako nauutal. Saka ni hindi nga nila napatapos yung tanong ko eh. Tae lang -_-
"Asuuuss crush mo siya noh?" Si Hoya naman.
"Ha? Hindi noh! Asa!"
"HAHAHAHA" Silang lahat. Ano pong nakakatawa? Wala naman talaga eh!
"Normal lang naman siguro sa babae magkagusto dun. Sanay na kami."
"H-indi ko nga siya crush! Ang sungit sungit kay--!"
"Sige Yhana dito na kami. Ingat ka!" At ayun na nga nag wave na sila saakin -_- ako na lang mag isa. Bakit di nila pinansin yung sinabi ko UGH!
--
KINABUKASAN
Pagdating ko sa school nandun na silang lahat. Umupo na ako sa upuan ko sa likod. Wala pa rin yung katabi ko. Absent kaya siya?
"Papasok yun. Male-late lang." Si Dongwoo.
Ha? Nababasa ba niya ang isip ko?
"HAHAHAHA tama ba ako?"
"HA?"
"HAHAHA Wala." Ay nako ewan ko sakanilang magkakaibigan. Wala naman akong pakealam kung papasok siya o hindi. Okay nga yun at wala akong katabi.
"Hey!" Si kaklase kong gerl na mukhang mataray at maarte. Tumingin ako sakanya.
Binigyan ko naman siya ng "Bakit look"
"Umalis ka diyan wala kang karapatang tumabi kay L." Mataray niyang sabi saakin.
"At bakit?" Mataray kong sagot.
"Walang babaeng tumatabi sakanya sa upuan tapos ikaw na bago lang dito makakatabi siya?"
Letse tong babaeng to. Masasapak ko 'to eh.
"Eh paano kung ayaw ko?" Pang aasar ko.
Nakita ko namang nanlaki ang malaki niyang butas ng ilong.
"Ah ayaw mo ah!" Kinuha niya ang bag ko at itinapon sa lapag malapit sa may harapan.
"Ano bang problemam mo?"
"Ikaw." Sabay ngisi ng bruha.
Hindi ko siya pinansin at tumayo ako para kunin ang bag ko.
"Good morning class. Miss Choi and Miss Samonte? What's happening here?"
Dumating na pala ang teacher namin.
"Nothing ma'am" Sagot ko.
Maglalakad na sana ako pabalik sa upuan ko ng biglang umupo yung babaeng yun sa upuan ko.
Tinaasan niya lang ako ng kilay at ngumisi.
"Miss Choi?" Paulit ng teacher ko.. Tiningnan ko siya at nagsasabi ng ano pang hinihintay mo? Umupo kana!
BINABASA MO ANG
High School: Love experience
FanfictionPitong naggwa-gwapuhang lalake? Kasama mo araw araw sa school? Omygod~! Ang swerte mo naman teh! Kanino ka maiinlove? kanino ka kikiligin? Kanino ka iiyak? at kanino ka sasaya? at ang pinakamagandang tanong? Sino sakanila ang mamahalin ka?
