Love Experience #11

37 2 4
                                    

Hindi ko alam na ganun pala ang tingin niya saakin. Oo masungit siya saakin. Hindi katulad nila Sunggyu, mabait at okay ang pakikitungo saakin. Pero kahit kailan hindi ako nag isip ng iba sakanila. Lalo na sakanya. Pero pagkatapos kong marinig ang mga salitang yun. Nagbago na.

Hindi ko naman sila pinilit na maging kaibigan ako. Gusto ko lang makatulong. Ang sakit. Ang sakit marinig galing sakanya ang mga salitang yun. Galing sa taong nagugustuhan ko.

Flash back

"Ayoko kasing mapalapit sayo" 

What?

"Ha? A-anong ibig mong sabihin?"

"Do you really want to know?" 

Napalunok ako sa tanong niya. Parang iba ang pakiramdam ko.

I nod.

"Ayoko sa mga taong pakialamera. Hindi ko alam kung anong intensyon mo sa mga kaibigan ko. Kung sila naloloko mo. Ako hindi."

Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Hindi mo maintindihan? Tigilan mo na ang plano mo na magkaayos sila Sunggyu at Bherlly. Wala kang alam sa totoong nangyari. Hindi mo alam kung anong epekto nun kay Sunggyu. Wala ka doon nung nangyari yun. 1 week ka pa lang naming kilala, ang layo na agad ng narating mo."

Natatakot ako sa tono ng boses niya. Malungkot ang mga mata niya. Oo naiitindihan ko na concern lang siya kay Gyu pero gusto ko lang naman .....

"Oo nga at wala ako doon nung nangyari yun. Naiintindihan ko kung bakit ka ganyan. Pero gusto ko lang namang makat--

"Hindi na mababago ang lahat. Nangyari na ang nangyari. Naging mahina si Sunggyu pagkatapos ng ginawa niya." Anong ibig sabihing naging mahina si Gyu?

"Tama ka. Hindi na nga mababago ang lahat. Pero sa tingin mo ba magiging masaya yung dalawa kung patuloy silang nakukulong dahil sa nangyari? Hindi nila gustong mangyari yun. Walang may gustong mangyari yun."

Tinitigan niya ako ng seryoso. Natatakot ako sa mga tingin niya pero hindi ko ito pinansin.

Tumalikod siya at nagsimula ng maglakad.

"W-wait." 

Huminto siya. Nakatalikod siya saakin at sa tingin ko hinihintay niya akong mag salita.

"B-bakit mo ginagawa 'to saakin? Yung about sa picnic yung gusto mo akong makasabay mag lunch yung pinuntahan mo ako sa mall. Yung pag so-sorry mo yung pagiging concern mo saakin. Anong ibig sabihin nung mga yun?" 

"Dahil gusto kong mapalapit ka saakin. Gusto kong magustuhan mo ako. Gusto kong mahulog ka saakin" Akala ko.. Akala ko gusto niya rin ako.

Please tama na..

Nagsimula siyang maglakad muli. At binitawan ko ang mga salitang ito.

"Congratulations. Nagtagumpay ka na. Are you happy?"

Humarap siya saakin na halatang nagulat sa sinabi ko. Oo! Gusto na kita kahit isang linggo pa lang kitang kilala! Gago ka! Sabi ko saaking isipan.

Napanganga siya sa narinig niya.

"Yhan---

Tumakbo ako papalayo sakanya at hindi na hinintay ang mga sasabihin niya. Masyado na akong maraming nalalaman ngayon.

END

Nanghihina ako. Hindi ko alam kung makakarating pa ako ng room. Hindi ko pa rin maintindihan. Nananaginip ba ako? Sana nga nananaginip na lang ako. Sana panaginip na lang ang lahat. 

High School: Love experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon