love experience #13

10 2 0
                                    

Ilang linggo din ang nagdaan. Natuloy pa rin ang welcome party ng lolo ni Gyu. Lahat kami ay dumalo umm.. except kay L. Wala tuloy akong partner pero okay lang andiyan naman sila Hoya Yeol at Dongwoo hindi sila naghanap ng kadate para daw may karamay ako. Samantalang si Woohyun at Liarrie naman ang magpartner. Si Gyu at Bherlly na nagkaintindihan at nagkapatawaran na pero hindi pa sila. Mas mabuti na daw munang magkaibigan sila. Samantalang si Sungjong naman ay ipinagpalit na ako kay Pauline palagi na kasi sila magkasama. Haha.

At ako? Nandito ako sa library! Hindi para mag aral o magbasa ng libro. Nandito ako kasi.. kasi nandito si L. Pumasok kasi siya dito at sinundan ko. Stalker ba? Well. Medyo. E kasi naman pagkatapos nung nangyari hindi niya na ako pinapansin. Hindi naman ako galit sakanya e. Alam ko.. Alam ko totoo ang lahat ng pinakita niya saakin. Hindi yun pagpapanggap lang.

Okay na rin sila ni Sunggyu. Nagkakausap na sila at okay na din sila ni Bherlly!

Grabe ang bilis ng panahon. Akala ko magiging normal lang ako dito sa eskwelahan na to. Pero hindi pala.

Ilang linggo pa lang ako nandito pero ang dami ko ng nalamang love story.

Ako kaya? Hanggang dun na lang ba kami ni L?

Siyempre hindi! Hindi ako papayag! Kaya nga nandito ako sa library at may hawak hawak na libro na nakatakip saaking mukha para di ako makita ni L.

E ano nga ba ang ginagawa niya dito?

Nasa kabilang mesa siya nakaupo. Pero ang aking pwesto ay hindi niya basta basta mapapansin.

Maya maya lang ay may lumapit sakanyang babae at umupo sa tabi niya. Ngumiti siya rito at nagbulungan.

Wtf! Library po ito!

Pagkatapos ng bulungan session nila ay agad din silang tumayo at lumabas ng library.

Saan sila pupunta? At dahil dakilang stalker ako ay lumabas din agad ko ng library.

Lumingon ako sa paligid upang hanapin kung saan sila nagpunta.

At mula sa Peripheral Vision ko ay nakita ko siya.

Syet!

Unti unti kong inilingon ang ulo ko papunta sakanya.

Ngumiti ako ng pilit. Nakatingin siya saakin habang nakasandal sa pader at nakapamulsa.

"H-hi" Bati ko sakanya.

Hindi siya nagsalita at nakatingin pa rin sakin. Omg. Namiss ko yung pagtitig niya.

"Ah s-sige a-alis na ako." Hahakbang na sana ako ng magsalita siya.

"Aalis ka na agad?" Tanong niya saakin. Tumingin ako sakanya ng nagtataka.

"Kanina mo pa ako sinusundan ngayong nandito na ako aalisan mo ko?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Paano niya nalaman? Ibig sabihin kanina niya pa alam na sinusundan ko siya?

Waaaaa nakakahiya!!!!

WHAT TO DO? WHAT TO DO? WHAT TO DOOOOOOOOO???

"S-sino namang nagsabing sinusundan kita? At b-bakit naman kita susundan ha?!" Pagmamatapang kong sabi.

Umayos na siya ng tayo at saka hinarap akong muli.

"Oo nga naman bakit mo nga naman ako susundan?" Pagbabalik niyang tanong saakin.

Tss kaasar siya! Bakit ba ako kinakabahan?

"E-ewan ko sayo! Diyan ka na nga!" Naglakad na ako palayo sakanya at binilisan ko pa ang lakad ko.

Waaaa nakakahiya talaga! Alam niya! Alam niyang sinusundan ko siya. Paano niya nalaman? Hayssss. Ano ba naman tong pinag gagagawa ko!

Kaya ko lang naman siya sinundan kasi .. kasi..

UGGGGHH!!

*bogsh*

"Aray!"

Halos lumipad ako sa pagbunggo ng kung sino mang lalaking to.

"Sorry miss" Sabi ng lalaki at hinawakan ako sa balikat.

Tumingin ako sakanya.

Syet! Ang pogi! May ganito palang nilalang sa school na 'to!

Bago pa ko makasagot ay may humawak na sa kamay ko.

Nakatingin lang ako sa kamay ko. Sa kamay naming dalawa.

"Oh. Nagkita ulit tayo" sabi nung nakabunggo saakin. Magkakilala sila?

Narinig ko lang na nag smirk si L saka ako biglang hinatak palayo sa lalaking yun.

Teka! Anong meron?

Tumingin ako muli sa likuran ko at nakita kong nakangiti yung lalaki saka nag wave saakin.

Ehh???

Napalingon ako kay L dahil humihigpit yung paghawak niya saakin halos madapa na nga ko sa bilis niyang maglakad e. Ano bang problema nito?

Maya maya ay binitawan niya rin ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat at ihinarap saakin.

Kita ko ang galit at inis sa mga mata niya.

"Kapag nakita mo ulit ang lalaking yun huwag na huwag mo siyang lalapitan." Pagbabanta niya saakin. Ano bang problema niya?

"Bakit? Ano bang problema sakanya? Sino ba siya?" Tanong ko sakanya.

Binitawan niya rin ako sa balikat at nag iwas ng tingin.

"Basta kahit anong mangyari huwag kang lalapit sakanya." Pagkatapos niyang sabihin yun at agad din siyang umalis.

Srsly? Napaka gulo niya talaga!

High School: Love experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon