- Yhana's Pov -
Nagsibalikan na kami aming room. Wala pa rin si Sunggyu. Nasaan na kaya nagpunta yun? Nakakalungkot pala yung nangyari sakanila ni Bherlly. Naikuwento na rin saamin nila Woohyun ang nangyari. Grabe naman pala ang love story nung dalawang yun. Hindi ko akalaing na expelled si Sunggyu. Eh sakanilang pito parang siya na yung pinakamatino. Kaya naman pala kayear namin siya ngayon. Siguro ito yung sinasabi niyang "Malalaman mo rin"
Hindi ko masisisi kung bakit ganun ang reaksyon ni Sunggyu. Pero hindi ko rin naman masisisi si Bherlly. Alam ko. Nararamdaman kong may magandang dahilan si Bherlly kaya niya yun ginawa. At dapat kong malaman yun. At dapat ding malaman ni Sunggyu yun. Sana magkaayos sila. Sayang naman kasi.
Haaaaay. Wala pa rin yung katabi ko. Pinagmasdan ko ang upuan niya. Naalala ko yung unang beses naming pagkikita. First time ko siyang nakita pero nakuha na agad niya ang atensyon ko. Why? Kasi ang suplado at ang yabang niya. Medyo bastos din xD
"Wala akong pake. Kung gusto mo kumandong ka na lang saakin."
Napangiti ako ng maalala ko yun. Haaaaaay. Akala ko manyak siya. Pero konti lang naman pala haha. Haaaaay kamusta na kaya yun? Lagi na lang siyang absent sa mga class namin.
"Uyy anong nginingiti mo diyan?" Pansin saakin ni Hoya.
Inayos ko ang mukha ko. Ugh nakangiti nga ako. Tsss! Kasalanan 'to ni L eh Ugh.
"Uyy namimiss mo noh?" Nang aasar ba siya?
"Si L? Hindi noh!" Konti lang.
"Huli ka! Namiss mo nga siya. Wala naman akong binabanggit na pangalan pero si L ang binanggit mo. Yiiieeee."
"Ewan ko sayo" Then inirapan ko siya. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. Ugh. Oo na namiss ko na yung suplado mood niya.
Maya-maya lang dumating na ang teacher namin.
"Okay class. Meron kayong mgagiging kaklase. Blah blah blah." This is it! Sila Bherlly at Pauline na nga ito.
Napansin kong nagtinginan ang lima. Alam kong kinakabahan din sila.
"Girls. Come in." Pumasok ang dalawang babae. Tama ako. Kami! Sila Bherlly at Pauline nga.
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kaibigan ko rin naman sila at hindi ko siya pwedeng husgahan dahil dun. Kakakilala lang namin at hindi ko pa siya lubusang kilala.
Nagpakilala yung dalawa at naghanap ng mauupuan.
"Bherlly, Pauline" Tinawag ko sila. Nginitian at nag wave.
"Wow. Mag classmates tayo." Nakangiting sabi nila.
Napatingin si Bherlly sa gawing gilid ko. At halatang halata sakanya na nagulat siya ng makita niya ang mga ito.
Dinistract ko siya sa pagkakagulat niya.
"Hey Bherlly. Dito na lang kayo sa likod ko para magkalapit tayo."
"Ha? A-ah s-sige."
"Hi." Bati ni Pauline sakanila.
"Hello." sagot naman nila. Yung iba ngumiti lang. Ugh Ang awkward naman ng feeling. Pwede bang isangtabi muna nila yung mga bad feelings nila kay Bherlly? Ayyyy TT.TT
Umupo na sila sa likuran ko. Masaya ako at classmates ko sila.
Matapos ang klase nag kwentuhan kami nila Bherlly at Pauline. Kinakausap ako ng lima at hindi ko alam kung sino yung papansinin ko. Naiipit ako dito ah. Pinapansin naman nila si Pauline lalo na si Sungjong pero si Bherlly .. Haaaay. Dapat akong gumawa ng paraan.
![](https://img.wattpad.com/cover/19626129-288-k235106.jpg)
BINABASA MO ANG
High School: Love experience
FanficPitong naggwa-gwapuhang lalake? Kasama mo araw araw sa school? Omygod~! Ang swerte mo naman teh! Kanino ka maiinlove? kanino ka kikiligin? Kanino ka iiyak? at kanino ka sasaya? at ang pinakamagandang tanong? Sino sakanila ang mamahalin ka?