Love experience #15

13 1 0
                                    

"Omg girl, He is so gwapo! I want him to be my boyfriend na."

Naririnig kong sabi ng isa sa mga babaeng nagkukumpulan sa may field.

Sino naman kaya yung pinagkakaguluhan nila?

Hindi kaya si L? Hmm! Posible rin naman yun dahil sikat siya dito sa school.

Pero mukhang hindi si L yung pinagkakaguluhan nila dahil kadadaan lang ni L sa harapan ko at hindi naman siya pinagkaguluhan. Ni hindi man lang ako pinansin. E di hindi ko na rin siya papansinin! Tsk!

Nandito pala ako sa may bleacher. Hinihintay ko sila Liarie dahil yun ang napag usapan namin kahapon. Sabay sabay kasi silang tatlo papasok at ako ang nauna.

8 am pa lang ng umaga pero ang dami na agad tao. Ano bang meron? Well, wala kaming pasok ngayon sa mga class pero required pa rin na pumasok. Counted pa rin daw ito sa attendance. At ang nakakaasar pa dito ay nakauniform pa rin kami dahil bawal daw ang magsibilyan. Hays. Meron kasing magaganap na program mamaya kasali dito ang mga nasa music class. Tutugtog sila bilang pormal na welcome party sa lolo ni Gyu. Ganoon na lang ba kaimportante ang pagdating ng Lolo niya at hindi pa nakuntento sa party na ginanap nung nakaraang linggo? Hays.

Pero ano pa nga ba ang magagawa namin?

"Hi sisssy!" Bati saakin ni Liarie na kadadating lang. Umupo si Pauline at Bherlly sa magkabilang gilid ko habang si Liarie naman ay katabi ni Pauline.

"Bakit ang tagal niyo?" Panimula ko.

"Ito kasing si Pauline, nalate ng gising kaya hinintay pa namin siya." Reklamo ni Bherlly.

"E kasi si Sungjong tawag ng tawag kagabi eh!" Nakapout na sabi ni Pau.

Napatingin kaming tatlo sa kanya.

"O-oh anong tingin yan? Huwag kayong mag iisip ng masama." Depensa niya.

Aba! Mukhang dumadamoves na ang bestfriend ko ah!

"Napuyat ka dahil buong gabi kayo nag usap ni Sungjong?" Pang aasar na sabi ni Bherlly.

"H-hindi ah! Pinatulog ko na siya dahil kakanta pa sila ngayon. Baka mapuyat siya." Sagot ni Pau.

Kakanta? Sila?

"Kakanta? Sino?" Tanong ko.

Tumingin silang lahat saakin ng nakakunot ang ulo.

"Hindi mo alam?" Buong pagtatakang tanong ni Liarie.

"Hindi naman siguro ako magtatanong kung alam ko na noh?" Sarkastiko kong sagot.

Natawa naman sila sa naging sagot ko.

"Sabi ko nga e. Pero kakanta daw sila sinabi saakin ni Namu kahapon." Sagot ni Liarie.

"Yup. Sinabi din saakin ni Sungjong yun." Si pauline.

"Nabanggit din ni Sunggyu." Si Bherlly.

Hmm. Mukhang nag uusap na ulit sila ni Sunggyu.

"So ako lang pala dito ang hindi nakakaalam?"

Ang saklap naman. Wala man lang nagmagandang loob na ibalita saakin ito. *sigh*

"Hindi ba nabanggit ni L sayo 'to?" Tanong ni Bherlly.

"Bakit niya naman sasabihin saakin 'to? E wala pa nga ata kaming naging matinong pag uusap nun."

"Talaga? Akala ko ba okay na kayo?" Si Pau.

Okay naman kami pero..

"Ewan ko sakanya!" Inis kong sabi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School: Love experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon