Uwaaaaaa~
Anong nangyayari saakin? Bakit niya ako napangiti agad? Di ba ayoko sakanya? Ang hangin niya. Kahit na ang pogi pogi niya. UGH. Onga pala nandito na ako sa bahay namin. Sa kwarto ko, nakahiga at nakatingin sa kisame. Binibilang ang mga bituin. JOKE. May bubong naman kami.
"Haaaaaaaay" Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. PINAKAWALAN?
Uwaaaaaaa~ hindi ako 'to! Kada maiisip ko yung nangyari kanina di ko mapigilang hindi ngumiti.
Flash back
"Let's go?" Sabay hawak sa kanang kamay ko at naglakad.
"Saan ba tayo pup-- kailangan ba talagang maghawak kamay tayo?" Medyo kinikilig ako.
Hindi niya sinagot ang sagot ko basta patuloy lang siya sa paglalakad. HMP. SUPLADO! Nasa labas na kami ng mall. Saan niya ba ako dadalhin? Nako di pa ko ready!
"Puwedeng magtanong? Saan mo ba ako dadalhin?"
"Sa park." Park?
"Anong gagawin natin dun?" hindi ulit siya sumagot. Yung totoo? May kasama ba ako?
Umupo kami sa may upuan dun at binitawan na niya ang kamay ko. Tiningnan niya ang paligid at ngumiti.
"Gusto ko kasing puntahan yung mga hindi ko pa napupuntahan." eh?
"Ibig sabihin first time mo dito?"
"Yup." Sagot niya at tumingin saakin. Nag iwas naman ako ng tingin. Juskoo pag di ko ginawa yun baka di ko maitago ang kilig ko kada titingin siya saakin.
"Kahit kayo nila Sunggyu?" Tanong ko. Park lang kasi di pa niya napupuntahan.
Tumango lang siya. "Diyan ka lang ha? Bibili lang ako ng drinks."
"Okay." Maya-maya lang dumating na siya dala ang dalawang pepsi na nasa can.
"Thank you."
"Eh ikaw ano yung mga lugar na gusto mong puntahan?" Tanong niya saakin. Hindi ako nagdalawang isip na sagutin ang tanong niya. Aba saan pa ba?
May mga dumaang babae sa harapan namin at tiningnan kami. Ang sama ng tingin saakin! Hindi ko na lang inintindi at sinagot ang tanong niya.
"Sa South Korea. Gustong gusto ko dun." Excited kong sabi. Nakita kong nagulat siya sa naging sagot ko. Anong nakakagulat???
"Ahhh." -- Yun lang? Boring ba kong kausap? Hmmm. Alam ko na!
"Eh ikaw? Ano pang lugar ang gusto mong puntahan?"
Ngumiti lang siya. Nyeta puro ngiti naman sinasagot niya saakin.
"Lika na? Baka hinhanap na ko ng mga magulang ko eh. Nakauniform pa ko." Mabuting umuwi na lang kami. Kesa ganito.
"Okay." Tumayo na kami at sinuot ko na ang backpack ko.
Kinuha niya ang phone niya sa kanyang bulsa at may kinausap. Naka vibrate siguro. Walang tunog eh.
"What? Anong nanyari? Okay. Papunta na ako."
Maihahatid niya kaya ko?
"Ah eh Yhana, hindi kita maihahatid. emergency. Okay lang ba?" Aww
BINABASA MO ANG
High School: Love experience
FanfictionPitong naggwa-gwapuhang lalake? Kasama mo araw araw sa school? Omygod~! Ang swerte mo naman teh! Kanino ka maiinlove? kanino ka kikiligin? Kanino ka iiyak? at kanino ka sasaya? at ang pinakamagandang tanong? Sino sakanila ang mamahalin ka?
