Love experience #12

44 2 4
                                    

Normal pov 

Pagkalabas na pagkalabas ni L ay siyang labas din ni Bherlly sa clinic kung nasaan ay nagpapahinga si Yhana.

Walang kaalam alam si L na sumunod pala sa kanya si Bherlly upang komprontahin sa nangyari. Habang si Bherlly naman ay naghahanap ng tiyempo upang tawagin si L. 

Buo na ang pasya ni Bherlly para kausapin ito. Nagsalita siya na alam niyang mapapalingon si L sa likuran nito.

"L sandali lang." 

Halatang nagulat ito ng makita siya.

"Bakit? Anong kailangan mo?" 

Matagal bago siya nakasagot kaya naman tinitigan siya at maglalakad na sana palayo sakanya pero nagsalita muli siya.

"Alam ko ang totoong nangyari kay Yhana." 

Nanlaki ang mata ni L at napatigil ito pero mga ilang minuto lang ay ngumiti ito ng bahagya.

"Alam ko. Nakita kita. Sinadya kong iparinig yun sayo para malaman mo. Pero ngayong nasa harapan na kita pwedeng pwede ko ng sabihin sayo ito ng harap harapan."

Nagulat naman si Bherlly sa narinig niya. Alam pala nito na nandun siya kanina habang nagtatalo sila ni Yhana. 

"Oo alam kong galit kayo saakin. Ako ang may kasalanan. Pero may dahilan ako. Hindi lang si Sunggyu ang nasaktan noon. Ako din! Inaamin ko na ako ang dahilan ng panghihina ng puso niya. Pero hindi ko yun sinasadya.." Umiiyak na sabi ni Bherlly. Nakatitig lang si L sakanya pero hindi pa rin ito naniniwala sa mga pinagsasabi niya.

"Hindi na ngayon. Sa tingin ko naman nabilog na ni Yhana yung mga ulo ng mga kaibigan ko kaya hindi na sila galit sayo." Huminto siya sa pagsasalita at huminga ng malalim.

"At sa ting--

"Myungsoo!" Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses ng nagsalita. 

Halatang galit ito sa boses niya. Bukod doon ay tinawag niya ito sa totoong pangalan nito at hindi ang karaniwang tawag nito sakanya.

Nang makita nila si Sunggyu ay agad itong lumapit sakanila. Tumabi siya kay Bherlly at tumingin sakanya.

"Okay ka lang ba?" Tanong sakanya ni Sunggyu. Nakatingin lang si Bherlly sakanya. Gulat at nagtataka.

Narinig nila ang mahinang pagtawa ni L kaya naman nabaling ang tingin nila dito.

"At sa tingin ko rin pati si Sunggyu ay nabilog na rin ni Yhana." Seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ni Sunggyu.

Hindi nagsalita si Sunggyu kaya naman ipinagpatuloy nito ang kanyang sinasabi.

"Tama ba ako?" Tanong niya.

"Matagal ng tapos yun. Kalimutan na natin ang lahat. Move on."

Tumawa si L sa sinabi ni Sunggyu.

"Kalimutan? Bakit? Porket ba nandito na siya at nalaman mo yung dahilan niya? Nakalimutan mo na ba yung nangyari sayo? Umaasa ka pa rin ba? Mag tatanga-tangahan  ka na naman ba sakan--

Hindi pinatapos ni Sunggyu ang sinasabi ni L at mabilis niyang kinwelyuhan ito. Nagpanic naman si Bherlly at inaawat si Sunggyu.

"Tumigil ka na." Banta ni Sunggyu sakanya.

"Sunggyu please tama na." Hawak hawak niya sa braso si Sunggyu at pilit na itinatanggal ang pagkakakwelyo niya kay L.

Mabilis namang binitawan ni Sunggyu si L.

"Ang bait ni Yhana noh? Napakalma niya kayong lahat." Dagdag pa ni L.

"Huwag mong idamay si Yhana dito L! Please! Bakit mo siya sinaktan? Bakit mo siya pinaasa. KUng galit ka sakanya ako na lang ang gantihan mo huwag na siya. Kung hindi mo siya gusto huwag mo siyang gamitin." 

High School: Love experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon