Tapos ko na lahat ng subjects ko ngayong araw. Hindi muna kami sabay umuwi ni Liarie dahil may pupuntahan daw sila ni Woohyun. Si Bherlly at Pauline naman ay nauna nang umuwi. Pinauna ko na sila dahil may pupuntahan pa ako.
Halos wala ng estudyante sa hallway. Ang makikita mo na lang ay ang mga estudyanteng nasa soccer field. May mga naglalaro samantalang yung iba naman ay tumatambay pa.
Pumunta ako sa locker ko at iniwan ang ibang notebook dahil bumibigat na ang laman ng bag ko.
Papaalis na sana ako ng may marinig akong halukipkip ng isang babae.
At dahil sa curious ko ay dahan dahan akong sumilip sa may gilid ng kabilang locker medyo madilim na banda roon kaya siguro malaya silang nakakagawa ng milagro.
Handa na ba ang mga mata kong makakita ng live porn?
Jeez. Ano ba naman tong mga naiisip ko.
Habang papalapit ako ay lumalakas din ang tibok ng puso ko.
Halos mapasigaw ako ng my biglang naghagis ng polo nang isang babaeng estudyante mula sa kinaroroonan ng ingay.
Shet! Ginagawa talaga nila. Hindi ko kaya to!
Hindi ko na naituloy ang gagawin kong pagsilip dahil sa sobrang kaba ko. Ayoko pa makakita ng live porn. Kaso napatigil ako sa boses nung lalaking nagsalita.
"Woah. Ang laki."
O.O
Hindi ako pwedeng magkamali. Boses niya yun! Boses yun ng lalaking mahal ko.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapunta ako sa soccer field.
Bakit ganun? Bakit siya ganun? Tanggap ko pa kung may kasama siyang ibang babae pero ang malaman na ginagawa nila yun dito sa loob ng eskwelahan? Hindi ko matanggap! Hindi ganun ang pagkakakilala ko sakanya!
Pero ilang linggo pa lang ako dito. Hindi ko pa siya ganun kakilala. Nagkamali nga ba ako?
"Miss! Watch out!" Sigaw nung lalaki na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Bago pa ako makailag ay tinamaan na agad ako ng bola sa mukha.
Napahiga ako sa lakas ng impact ng bola. At nararamdaman ko ang paglapit ng isa sa mga naglalaro ng soccer doon.
"Hindi.. Hindi siya ganun." Nasabi ko. Hindi ko maramdaman yung sakit ng pagtama ng bola sa mukha ko. Mas malakas pa rin yung impact nang mga narinig ko.
"Miss are you okay?" Nakita ko ang isang lalaki na parang nakita ko na.
Inaalala ko kung saan ko siya nakita at ng maalala ko yun.
Itinayo niya ako at saka nagtanong muli.
"Okay ka lang ba miss?" Tiningnan ko siya ng masama.
"Ikaw kaya tamaan ng bola. Magiging okay ka lang?" Sabay isnab ko sakanya. Well, kailangan ko siyang tarayan dahil sabi saakin ni L ay wag daw akong lumapit sakanya.
Pero mukha namang harmless tong si kuya. Teka bakit ko nga ba sinusunod yung sinabi nung L na yun. Psh..
"Umm. Para saakin okay lang. I'm a soccer player after all." Tss ..
"I'm not a soccer player!" Inis kong sabi ko sakanya.
"I'm sorry. Hindi ko naman kasi alam na may tatamaan pala. And sorry dun sa pagbunggo ko sayo kanina." Sincere niyang sabi. Naalala niya ko?
Tiningnan ko lang siya at hinahanap ang pwede kong sabihin sakanya.
"Sige. Punta na ako dun. See you again, Polly" tumakbo na siya at iniwan akong nakanganga.
BINABASA MO ANG
High School: Love experience
Fiksi PenggemarPitong naggwa-gwapuhang lalake? Kasama mo araw araw sa school? Omygod~! Ang swerte mo naman teh! Kanino ka maiinlove? kanino ka kikiligin? Kanino ka iiyak? at kanino ka sasaya? at ang pinakamagandang tanong? Sino sakanila ang mamahalin ka?
