Love experience #6

54 2 9
                                    

 - Sunggyu's Pov -

Bakit? Bakit kailangan niya pang bumalik? Hindi. hindi ako pwedeng magpaapekto. Matagal na kameng tapos. Shet. Shet!

Naglalakad ako palabas ng gate. Uuwi na ako. Hindi ko siya pwedeng makita. Hindi kami pwedeng magkita. Shet shet. 

Nalala ko yung mukha niya. Yung mga mata niya. At yung mga dahilan niya.

Flash back

"Babe, huwag mo na akong ihatid ah? May dadaanan pa kasi ako. Pupunta ako kila tita." Sabi niya saakin ng magpasya kaming umuwi na. Galing kami nun sa paborito naming puntahan na lugar. 

"Ihahatid na kita kila tita mo." Alok ko sakanya.

"Hindi na babe, mapapalayo ka pa. Magkaiba tayo ng way. Sige na. Mag iingat ako para sayo okay?" At binigyan niya ako ng good-bye kiss sa pisngi. Napangiti ako sa ginawa niya.

"Okay. Basta mag iingat ka. Tawagan mo ako kapag nakarating ka na kila tita mo."

"Yes." Naghiwalay na kami ng daan. Nakarating ako ng bahay ng nakangiti. Hinihintay ang tawag niya. 1 hour 2 hours 3 hours at isang araw ang lumipas wala pa rin yung hinihintay kong tawag. Nag umpisa na akong mag alala ng hindi pa rin siya tumatawag. Ilang beses kong sinubukang tawagan ang number niya pero nakapatay ito. Ano ng nangyari sayo Bherlly? Bakit ganyan ka.

Pinuntahan ko ang bahay ng tita niya pero ang sabi saakin.

"Nako iho, hindi pa nagagawi si Bherlly dito. Gusto ko na ngang makita yung batang yun. Namimiss ko na rin yun eh." Pagkatapos banggitin ng tita niya ang katagang yun. Bumilos na ang tibok ng puso ko. Bakit Bherlly? Bakit ka nagsinungaling saakin? 

Nagpaalam ako sa tita niya at pinuntahan ang bahay nila. Wala akong naabutan dun kundi ang nakapaskil na House for rent.

Nagtanong tanong ako sa mga kapit bahay nila. Umalis daw sila ng bahay kahapon at dala ang lahat ng gamit. At dun nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

1 month ng nakakaraan umaasa pa rin ako na tatawagan niya ako. Pero wala. Walang Bherlly na nagparamdam saakin. Naexpell ako sa pinapasukan kong school. Tinamad akong pumasok at madalas napapaway. Kilala ko na nun  sila Woohyun, sila ang madalas kong karamay kahit na hindi ko sila kayear. Hindi nila ako iniwan. Nagstop ako ng pag-aaral ko. Hindi ko alam basta nawalan na rin ako ng gana. 

7 months na ang nakararaan mula nung umalis siya. Hindi ko na hinintay na tatawagan niya ako na magpapaliwanag siya kung bakit niya yun ginawa.

Isang araw, nag a-arcade kami nila Woohyun nun. Okay na ako. Nakakangiti na ulit. At nagpasya akong mag eenroll sa susunod na pasukan.

Biglang tumunog ang phone ko. Unregistered number siya. Sinagot ko iyon.

"Hello?" Tahimik lang sa kabilang linya.

"Sino 'to?" Wala pa ring nagsasalita.

"Hello? Kung ayaw mong magsalita ibababa ko 'to."

"W-wait lang." Napahinto ako. Yung boses na yun. Kilalang kilala ko yun. Hinintay ko ulit siyang magsalita.

"H-hello. ? P-pwede ba tayong magkita?" 

"B-bherlly? I-ikaw ba yan?" Then my tears start to fall. 

Alam kong nakatingin saakin sila Woohyun nun. Nakikinig.

"Ako nga 'to. P-pwede ba tayong magkita?" At alam kong umiiyak siya. Alam kong nahihirapan siya.

"Nasaan ka? Pupuntahan kita."  Sinabi niya saakin kung nasaan siya at ibinaba ko ang phone at nagmamadaling magpaalam sakanila.

High School: Love experienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon