Can you? save, Can you save meeeeeeeeeeeeeee?
"Yes."
"Hoy! Anong yes yes ka diyan? sinong sinagot mo? Ipakilala mo saakin yan" Ha? Sinagot ko? May pumalo saakin ng unan at naimulat ko bigla ang aking mga mata.
"Ma! Ano ba yan, bakit ka namamalo diyan. Kitang natutulog yung tao eh." Kinuha ko ang unan na pinangpalo niya saakin at niyakap ito at ipinikit kong muli ang aking mga mata. Hindi ko pinansin ang sinabi ni mama, Sino naman ang sasagutin ko? E wala namang nanliligaw saakin </3 Haaaays. Ang ganda ganda pa naman ng panaginip ko. Nililigtas daw ako ng mga nagga-gwapuhang lalaki laban sa mga panget na lalaki. Tsss. Ang weird ng panaginip ko. Hindi ko sila mamukhaan pero alam niyo yun? Feeling ko ang ga-gwapo nilaa. Haaaaay.
"Oh sige. Huwag ka ng pumasok sa eskwelahan mo. Monday na monday absent ka. Sleep well." Nararamdaman kong nang aasar ang tono ni mama.
Shete! Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ang orasan. Shet! Alarm clock ko pala yun!
"See? Gigising ka din pala eh. Bilisan mo ng makakain ka na." Haaaay. Alam talaga ni mama na ayaw na ayaw kong umaabsent kapag monday.
"Opo." Tanging sagot ko.
Nagmadali akong kumilos para hindi ma-late. Kakausapin ko pa kasi si Pauline tungkol sa plano namin kay Liarie at Sunggyu. Haaaays. 1 week pa lang ako sa School na yun pero ang dami-dami na agand nangyari. Namiss ko na naman tuloy yung mga naiwan kong kaibigan dun sa school ko.
Tumakbo ako ng makababa ng jeep. Excited kasi akong malaman kung naging maayos ba ang pakikipag usap ni Woohyun sa anim.
*Boghs*
"Awww" Napahawak ako sa ilong ko dahil iyon ang tumama sa balikat ng lalaki. Tiningnan ko kung sino ang walang hiyang yun. Hindi tumitingin sa dinadaanan.
"Hi." Bati niya saakin
"H-hi." Siya lang pala. Walang hiya nga!
Ngumiti siya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Hindi man lang nagsorry? hindi pa ako hinintay!
Eh sino ka ba para hintayin niya?
Sabat ng aking konsensiya. Ang pakelamera talaga ng konsensiya ko! Tsss.
Ipinagpatuloy ko na rin ang aking paglalakad at dumiretso sa room. Pagdating ko wala pa yung katabi ko. Saan nagpunta yun? Umupo na lang ako at hinintay dumating yung mga kaklase ko. Napaaga ata ako.
*Ting* May pumasok na bright idea saaking isipan. Tiningnan ko ang orasan. 7:03 pa lang ng umaga at 7:30 ang aming klase pero nandito na siya? Anong meron?
Maya-maya lang dumating na siya. Umupo sa tabi ko at niyuko ang ulo. Matutulog?
Hindi ko na lang din siya pinansin. Inilabas ko ang aking libro at nagbasa.
"Sorry." Ano daw?
Napatingin ako sakanya na ngayo'y nakatingin na din saakin. OMG!
"S-sorry?" Ulit ko. Para saan?
"Masakit ba?" Inilapit niya ang kamay niya at idinampi ito saaking ilong.
"A-anong ginagawa mo?" Tanging nasambit ko.
Huminga siya ng malalim saka muling nagsalita.
"Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Tanong niya saakin at itinigil na niya ang paghawak sa ilong ko.
"Ha? Ah eh k-kasi..
"Kasi?"
"Ah. W-wala lang gusto ko lang tumakbo. Exercise! Tama nag e-exercise ako." At ngumiti ako ng pilit sakanya.
BINABASA MO ANG
High School: Love experience
Hayran KurguPitong naggwa-gwapuhang lalake? Kasama mo araw araw sa school? Omygod~! Ang swerte mo naman teh! Kanino ka maiinlove? kanino ka kikiligin? Kanino ka iiyak? at kanino ka sasaya? at ang pinakamagandang tanong? Sino sakanila ang mamahalin ka?
