Aria Debatian
"Nanay Sylvia!" sabik akong tumakbo papasok ng gate ng orphanage kung saan ako lumaki— tinatawag ang pangalan ng taong nagpalaki sa akin.
Nang makapasok ako sa building, sinalubong ako ni Nanay Sylvia na may dala-dalang mga basket na ang laman ay ang mga labada niya. Nilapitan ko siya agad at nagmano at kinuha ang dala niya.
"Aria. Bakit ka nasigaw? Nags-siesta pa ang mga tao." pinagsabihan niya ako pero nginitian ko lang siya ng malapad. "Ahh. Alam ko 'yang ngiti na 'yan. May nangyaring maganda, ano?" panunukso niya sa akin at tumango lang ako.
"Opo. Nakapasa ako sa Hillview Academy!" pinakita ko sa kanya ang acceptance letter na natanggap ko galing sa Hillview.
Kinuha niya ang sulat sa aking kamay at binasa 'yon. Habang binabasa niya 'yon, nakangiti siya pero hindi nakatakas sa aking paningin ang mga luhang pumatak sa kanyang mata. "I see. Nakapasa ka, huh? Matutupad mo na rin ang pangarap mo. Masaya ako para sa'yo, anak."
Pati ako na kanina lang ay sabik na sabik ibalita sa kanya ang acceptance letter na natanggap ko, mapapaluha na rin.
Nilapag ko muna ang hawak kong basket at niyakap si Nanay Sylvia. "Maraming salamat, Nanay Sylvia. Maraming salamat sa pagpapalaki sa akin. Kung hindi dahil sa inyo, wala po ako rito ngayon. Hindi ko ma-ipapasa ang entrance exam ng Hillview. Habang-buhay ko pong tatanawin na utang na loob ang buhay ko sa inyo. Kapag nahanap ko na po ang totoo kong mga magulang, kayo po ang unang-una kong ipapakilala sa kanila. Sasabihin ko sa kanila na Siya po si Nanay Sylvia. Ang pinakamaganda at pinakamabait na Nanay na nagpalaki sa akin. She's the best Mother I could ever wish for."
Kumalas siya sa pagkakayakap ko sa kanya at nagpunas ng kanyang luha. "Naku. Ikaw talagang bata ka. Kapag narinig 'yan ng totoo mong Ina, magseselos 'yon."
Ngumisi ako bago sumagot. "Totoo naman po kasi. Kahit nga si Kyle na ayaw akong maging kaibigan noong bata pa kami, attached na sa inyo."
"Wow. Nagsalita ang hindi attached kay Nanay Syl." nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakatayo doon si Kyle na may bitbit na malalaking grocery bags sa magkabilang kamay.
"Oh, Kyle. Mukhang mabigat ang mga 'yan, ah? Kailangan mo ng tulong?"
"Ayos lang. At hindi kayo dapat nagbubuhat ng mabibigat. Gawain ko ang physical labor so leave them all to me." walang kaemo-emosyon niyang sagot na siyang nagpakabog sa aking dibdib. Kyle! Kailan ka pa natutong magpakagentleman?
"Tabi." agad nawala ang admiration na naramdaman ko para sa kanya kanina nang masungit niya akong utusan. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at tumabi. Aalis na nga ako at lahat-lahat, hindi pa rin nagbabago ang ugali ng isang 'to.
Si Kyle Valdez ay kapatid ko— Dito sa Narcissus Orphanage. Sabay kaming dinala dito sa orphanage pero magkaiba ang dahilan. We're both nine years old that time at ang sabi sa akin ni Nanay Syl, nakita daw nila ako sa dalampasigan. No'ng magkamalay ako, hindi ko maalala kung ano ang nangyari sa akin at kahit mismo ang sarili kong pangalan. And they just assumed na Aria ang pangalan ko dahil naka-carve daw 'yun sa locket na suot ko. Walang laman ang locket o kung ano. Tanging Aria lang ang nakasulat sa loob. Pinagamit naman sa akin ni Nanay Sylvia ang apelyido niya dahil hindi rin ako makakapag-aral kung wala akong apelyido.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Royal Council
JugendliteraturAria Debatian-Ang Snow White ng Hillview Academy. Binansagan siya nito hindi dahil sa kahawig niya si Snow White na nasa fairytale; kun'di dahil sa puti niyang buhok. At sa mismong paaralan din na 'yon niya makikilala ang Seven Dwarfs ni Snow White...