14th Apple: The Third Encounter (Orientation: FINAL 3 - Last)

41 5 2
                                    

Shimizu: I’m very sorry if there’s some typographic ang grammatical error in this chapter. I didn’t have enough time to edit them. ‘Tsaka ko na aayusin kapag natapos ko na ang buong nobela. Although hindi ko pa alam kung kailan ‘yon. Lol. So here it is. Enjoy reading, I guess? Hehehe.





※↭※↭※↭※


Aria Debatian





"So... What the hell is up with this line-up? Hindi lang ito isang simpleng coincidence, hindi ba?" wika ko at nakangiwi na ngumisi habang nakaturo sa kanila.

Nagmeet kami ni Kyle kung saan kami nakapwesto kanina—sa harapan ng mga nakahilerang lamesa. Kasama ko sina Honey at Senior Dexter. Nakita ko nalang na kasama na rin ni Kyle sina Jiro, Hiro, at Anthony.

Hindi ako naniniwalang pare-pareho kami ng nabunot na numero. Apat lang na box ang binunutan namin ng numbers. Hindi ba ang unfair kung apat na 7 sa box ng pila ng mga boys sa Hillview, dalawa sa girls at isa lang sa boys ng Summercrest? Ano pa ang point ng pakikipag-interact sa mga students sa ibang school kung ganito rin ang line up namin, 'di ba? May duda ako na naghanap sila ng mga estudyanteng willing makipagpalit ng numbers. Or worse, baka tinakot pa nila. Dio mio.

"Come on, Aria. Don't be so uptight! I think, this line-up is hilarious. After all, we have Dexter in our group!" patawa-tawang wika ni Anthony at inakbayan si Senior Dexter.

"Anthony! You're being disrespectful to an upperclassman!" pagpuna ni Honey kay Anthony.

"Oh, shut it. If we're talking about being disrespectful, you're not one to talk, aren't you?" balik ni Anthony kay Honey.

"I'm an exception since we're childhood friends!"

"Yeah? Whatever. We're both part of the Student Council so this is fine." walang kalatoy-latoy na tugon ni Anthony at naglipat ng tingin sa taong inaakbayan niya, "Kumusta, Dex? Ngayon ka lang ulit nagparamdam. Gano'n ka pa rin ba kahangin? 40 nautical mile per hour?" nakangising pangungumusta ni Anthony kay Senior.

Hinawi ni Senior ang kaniyang bangs at proud na sumagot, "Masyadong mahina ang 40. Gawin mo nang 50. Kailangan maging phenomenal ang pagiging mahangin ko."

"Bro."

Nagsitawanan ang dalawa at nag-fistbump.

Napaawang ang aking bibig sa kanilang pinag-uusapan. Dio mio. Likas ba silang mga may tama sa ulo?

Anthony aside, alam kong mahangin si Senior Dexter. Pero hindi ko alam na may sira din pala siya sa ulo. Proud pa talaga siya sa pagiging mahangin niya, ha? Moreover, he's also part of the Student Council?! No wonder why they're inactive from the council duties! Busy sa pagiging factory ng candy si Anthony, busy naman sa pagiging narcissistic si Senior Dexter. Si Hiro naman, akala mo pasan ang problema ng buong mundo sa sobrang kasupladuhan. Si Jiro lang ba ang medyo reasonable sa kanila? Oh, wait... That guy is gullible and too kind for his own good. Lahat na lang tinutulungan niya, so he's also out.

Binalik ko ang aking tingin sa dalawa na hindi pa rin humihinto sa pagtawa na labas naman sa ilong. Nakita ko nalang na ang sama ng tingin ni Hiro sa dalawa. Si Honey naman, nakatakip ang parehong kamay sa kaniyang mukha. Gusto niya na yatang umalis dahil sa sobrang kahihiyan. Mukhang siya ang nahihiya para kay Senior.

"These morons..." inis na wika ni Hiro. Naiilang na lamang na ngumisi si Jiro.

Huminga ako ng marahas at napahawak sa aking parehong sentido. Argh. Gusto ko nang matapos 'to.

Snow White and The Royal CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon