A/N
Hello, hello! Kahapon ko sana ia-update 'to, but my allergy's acting up. So here it is. Enjoy reading!Aria Debatian
"Pst. Miss, gising." dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata nang magambala ang pagtulog ko sa pagyugyog sa akin ng kung sino.
"Huh? B-bakit?" walang kabuhay-buhay kong tanong sa kanya at nagpungas pa ako ng mata. Nang masanay ang mga mata ko sa liwanag, nakita ko ng malinaw kung sino ang gumising sa akin. Isang lalaki na mukhang kaedad ko lang at agaw-pansin ang pulang headphones na nasa kanyang leeg.
Kung tama ang pagkakaalala ko, hindi naman siya ang nakatabi ko dito sa bus kanina. Isang matandang lalaki 'yun na mukhang hindi pa makalakad ng maayos.
"Tayo nalang ang natitirang tao dito sa bus. Saan ba ang punta mo? Ang huling stop ng bus na 'to ay sa Hillview." takang tanong niya habang naghahanda ng kanyang gamit.
"Ahh... O-oo. Sa Hillview ang punta ko." naiilang kong sagot sa kanya. Ginising niya ba ako para lang itanong 'yan? Diyos ko naman. Gusto ko pang matulog.
Alas-tres ng umaga ako gumising kanina para lang makapaghanda sa biyahe na 'to at antok na antok pa ako. Kung hindi lang gwapo 'tong nanggising sa akin, sinabunutan ko na 'to. Ugh.
Bigla niyang nilapit ang kanyang mukha sa akin na mas lalo kong ikinailang. At ang mga tingin niya, para bang nakakita siya ng napaka-rare na nilalang.
I averted my gaze at umatras ng kaunti. "M-may dumi ba ako sa mukha? Masyado kang malapit." naiilang na asik ko.
"Ah! Pasensya na," agad siyang lumayo sa akin at napahinga ako ng maluwag. "Nagtataka lang kasi ako. Estudyante ako ng Hillview at ngayon lang kita nakita. You know? Agaw-pansin kasi ang kulay ng buhok mo. Bleach ba 'yan? Alam kong medyo lax ang Hillview pagdating sa rules, pero ngayon lang ako naka-encounter ng estudyanteng nagpableach ng puti. No offense." dagdag niya at nginitian ako ng malapad.
"No, don't worry about it. Sanay na ako. At sa maniwala ka o sa hindi, natural hair color ko ito." tipid akong ngumiti sa kanya habang kinukulot ang ilang strands ng aking buhok. Parang bigla siyang naging considerate dahil nag-iba ang expression niya. Worried siya na baka na-offend ako.
"S-sorry," tipid niyang tugon. Biglang huminto ang bus at tumayo siya. "N-nandito na pala tayo." asik niya habang kinukuha ang iba niyang mga gamit sa luggage racks.
Tumingin ako sa labas ng bintana at nakikita ko na ang malaki at mataas na kulay puting gate ng Hillview Academy.
"Um, Miss." naagaw niya ang aking pansin kaya nilingon ko siya. Handang-handa na siyang bumaba.
"Hindi ka ba sasabay sa akin?" tanong niya sa akin kaya tumayo na rin ako para kunin ang maleta ko na nasa luggage rack at sinundan siya.
"So— Aria, was it? Transferee ka, I presume?" panimula ni Jiro habang naglalakad kami papunta sa dorm building.
"Oo. Transferee ako. Galing ako ng Summercrest." tipid kong sagot at nagpalinga-linga ako sa paligid.
Nagpakilala kami sa isa't-isa ni Jiro kanina bago kami makapasok dito sa Hillview. At kahit na hindi ito ang unang beses na pumunta ako dito, namamangha pa rin ako. Napakaraming puno at presko ang hangin. Napakalawak talaga ng eskwelahang ito. Parang madali akong maliligaw kung mag-isa lang ako.
"Summercrest? Kilala din ang school na 'yun dahil sa Art Club nila, ah? Bakit ka lumipat dito? If you don't mind me asking."
"It's fine. Hindi naman sikreto ang paglipat ko dito. Naghahanap lang ako ng isang boarding school na hindi masyadong strict sa rules. Kailangan ko kasing magpart-time job para makapag-ipon habang nag-aaral."
![](https://img.wattpad.com/cover/163368140-288-k448764.jpg)
BINABASA MO ANG
Snow White and The Royal Council
Novela JuvenilAria Debatian-Ang Snow White ng Hillview Academy. Binansagan siya nito hindi dahil sa kahawig niya si Snow White na nasa fairytale; kun'di dahil sa puti niyang buhok. At sa mismong paaralan din na 'yon niya makikilala ang Seven Dwarfs ni Snow White...