4th Apple: The First Encounter (The Twins 2)

295 17 4
                                    

A/N

Hey, everyone! Sorry, natagalan ang update nito. Hindi kasi ako satisfied sa unang kinalabasan kaya panay ang edit ko. Hahaha! At baka next week ko pa ma-update ang sunod kahit na sinabi kong magd-double update ako. Sorry~ Anyway, happy 100 reads! Yay!

I'll end this here para makabasa na kayo. Enjoy reading!








Aria Debatian








Para akong sasabog sa sobrang inis dahil sa narinig kong lumabas sa bibig ni Jiro. Siraulo pala ang lokong 'to. Mas masahol pa ang kasupladuhan niya kaysa kay Kyle.

"Hoy, Jiro Alcantara! For your information, hindi ako nakikipagclose sa kung kani-kanino. At ipapaalala ko sa'yo. Ikaw kaya ang unang nag-approach sa akin sa bus kanina at nag-feeling close. At kung may problema ka sa aming mga babae, pakakatandaan mo na hindi lahat ng mga babae, tulad ng iniisip mo! Pasalamat ka at wala akong PMS ngayon, kung hindi-kanina pa kita kinain ng buhay! Sakto. Hindi pa naman ako kumain ng lunch kanina at nagugutom ako." may halong pagbabanta ko sa kanya.

Para siyang naging estatwa sa kanyang kinatatayuan dahil hindi siya gumalaw o magsalita man lang. Para siyang tuod. Natakot ba siya sa sinabi ko? As if namang gagawin ko 'yon. Hindi pa ako nasisiraan ng bait para gawin ang bagay na 'yon.

"Hindi ka man lang ba iimik d'yan?" asar kong tanong at walang kung anu-ano'y nilayasan niya ako.

"Hah! Ibang klase. Siya pa ang nag-walk out? For real?"

Binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko kanina. Hindi gwapo si Jiro Alcantara. Hindi siya interesting! Pangit siya at nakakabadtrip kausap!



Bumalik ako sa kwarto ko nang walang dala. Nakalimutan ko na ang gutom ko dahil sa sobrang inis kay Jiro.

Padabog akong umupo sa kama at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ang power nito at tinawagan si Kyle na ang display name ay Masungit na Prinsipe. Agad niya naman itong sinagot.

"Hey, Aria. Hindi ka na ba galit-"

Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita dahil siningitan ko siya. "Pakinggan mo 'ko, supladong Kyle. Kanina, may nakilala akong estudyanteng mas suplado pa sa'yo. Ngayon lang ako nainis ng ganito sa buong buhay ko! Argh! Ang sarap niyang ipakain ng buhay sa anaconda!"

"Chill, Aria. Ano ba'ng nangyari? Bakit inis na inis ka sa kanya? Sinabihan ka ba ng hindi maganda?"

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina at kung paano kami nagkakilala ni Jiro sa bus.

"So nakilala mo kaninang tanghali itong Jiro na 'to sa bus. At kanina no'ng nakita mo siya, pinipilit niyang hindi talaga siya si Jiro? Gano'n ba?"

"Oo. Siya pa ang may lakas ng loob na magsungit at sabihin sa akin 'yon. Siya kaya ang unang nag-approach sa akin sa bus at nag-claim na first friend ko daw."

"Eh baka hindi naman talaga siya 'yun? Baka nagkamali ka lang. Ikaw na rin ang nagsabi. Madilim na kaya baka namamalik-mata ka lang. Kaya ang akala mo, siya si Jiro na tinutukoy mo." paliwanag niya.

Snow White and The Royal CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon