13th Apple: The Third Encounter (Orientation: FINAL 2)

56 4 3
                                    

Aria Debatian






Habang nakangiwi kong pinapanood ang mga nagkukumpulan sa paligid ni Senior Dexter, nahagip ng aking mata ang isang babae na nagtatago sa likod ng haligi sa entrance ng Retreat House.

Teka. Si Honey ba 'yon?

Kalmado niyang pinapanood ang eksena, ngunit napansin ko ang pagdiin ng kaniyang mga daliri sa hinahawakan niyang haligi. Halos maputol na ang kaniyang kuko sa sobrang diin. Isa ba siya sa mga Good Natured Girlfriends sa harap ng boyfriend nila pero may tinatago palang kulo sa loob?

Nilapitan ko siya at tinapik sa kaniyang balikat, “Mapuputol na ang kuko mo, Honey.”

“Who the f**k are you calling Honey?! I'm not your Honey!” pagbulyaw niya sa akin.

“Hindi nga. Dahil pangalan mo ‘yon. Ano pala ang gusto mong itawag ko sa’yo? Gail? Yuchengco? Ex-Fiancé of the Narcissistic/Casanova Dexter? A Privileged Stalker? Or maybe you prefer to be called a B**ch instead? I don’t mind.” malapad akong ngumiti.

“Argh. Sa lahat naman ng makakakita sa akin, ikaw pa. Ano’ng ginagawa mo dito? Kung naghahanap ka ng kausap, hindi ako interesado. You stole my Fiancé, you freakin’ witch.” galit na galit niyang turan sa akin.

Ay. Grabe siya. Hindi niya talaga tinago ang kaniyang hostility sa akin.

Marahas akong napahinga, “Makinig ka sa akin, Miss Honey Gail T. Yuchengco. Wala akong inagaw sa’yo na kahit ano. Kung gusto mo, isaksak mo pa sa baga mo ‘yang si Senior. Ni hindi ko nga siya kilala, paano ko siya aagawin sa’yo? Sa totoo lang, nagkataon lang naman ang lahat. I was going to fetch you that time to eat lunch with us—your group. And I overheard you, arguing with someone. So I hid on reflex. Hindi ko alam kung ano’ng klaseng radar ang mayro’n si Senior pero nakita niya ako at dinamay pa ako sa lovers spat ninyong dalawa. If anything, you should apologize to me. Nadamay ang inosenteng ako sa napakakomplikado ninyong relasyon. Naintindihan mo na? O uulitin ko pa?” walang preno kong paliwanag kay Honey.

“No. I heard enough. Even if that’s true, I don’t really care. You’re still a witch.”

“Ang sungit naman. Wala ka sigurong kaibigan, ano? Masyado kang maldita.”

“Hey! FYI, marami akong kaibigan.”

“Hindi counted ang kaibigan na binili gamit ang pera.”

Mistulang natahimik siya sa sinabi ko. Bullseye? Anak mayaman talaga ang isang ‘to. Pati kaibigan, binibili?

“See? Wala ka talagang kaibigan. Kung marami kang kaibigan, bakit nag-iisa ka dito?”

“Wh-what?! D-don’t delude yourself that I don’t have a real friend. I-I have one. Yes, that’s right. I still have one. A true friend...” pautal-utal at nag-aalangan niyang tugon sa akin.

Yumuko si Honey at gumuhit ang pag-aalala at lungkot sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung bakit gano’n ang itsura niya. She mentioned that she still have one friend. Pero bakit nag-aalala at malungkot siya? Hindi ko naman masabing nagsisinungaling siya dahil baka totoo namang may tunay pa siyang kaibigan. Baka nag-away lang sila or something... Right?

Tiningnan ko ulit si Honey at hindi pa rin nagbabago ang facial expression niya. Humugot ako ng malalim na paghinga. Minsan talaga, ang hirap ng may taklesang bibig. Nakokonsensya tuloy ako. Tsk.

“Honey. Ano’ng number ang nabunot mo?” pag-iiba ko ng usapan.

Tumingin sa akin si Honey at tinaasan ako ng isang kilay, “Ano naman sa’yo?”

Snow White and The Royal CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon