7th Apple: Snow White, The Class Representative

248 19 1
                                    

A/N
Hello, everyone! I change the nicknames of our Prince. Kindly check them out on the Characters part. Enjoy reading!













Aria Debatian








"Good morning, class." inaantok na bati sa amin ni Sir Alagon pagpasok niya sa classroom.

Mikhail Alagon. Our Homeroom Adviser and Chemistry Professor. School nurse din siya at Adviser ng Student Council. Although he may not look like it dahil sa mga hindi niya naahit na bigote, magulong buhok, gusot na lab coat at naglalakihang dark circles sa ilalim ng kanyang mata, nasa early 30’s palang daw siya. No'ng una siyang nagpakilala, akala ko nasa 40's na siya.

I've been placed in class 10-3 at kaklase ko ang kambal. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kaklase din namin si Anthony. Akala ko ba matalino siya? Bakit nandito siya? Dapat nando'n siya sa 10-5. Advance ang klase na 'yon eh.

At hindi ko alam kung nagkataon lang 'to o sinadya. Magkakalapit ang desks naming apat. Napapagitnaan ng kambal ang pwesto ko at sa harapan ko naman ang walking candy store na si Anthony. Hindi ko na kaya ang mga tingin na binibigay sa akin ng mga fangirls ng tatlong 'to. Ang tatalim. Kung literal lang na nakakatusok ang mga 'yon, kanina pa ako namatay at hindi na ako nakakapagmonologue dito.

 Kung literal lang na nakakatusok ang mga 'yon, kanina pa ako namatay at hindi na ako nakakapagmonologue dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hindi ko naman akalain na pati si Jiro, may fangirls. I mean, hindi ko maisip na may fangirls siya dahil no'ng tinu-tour niya ako sa buong school simula no’ng dumating ako dito, wala naman akong naririnig na nagbubulungan tungkol sa kanya o kaya may lumapit sa kanya na babae or something. Para talaga siyang normal na estudyante. I could guess Hiro and Anthony dahil nakita at narinig ko, but not him. And I'm kinda put off when I heard their nicknames given by their fangirls. Aloof Prince si Hiro? Benevolent Prince si Jiro? Clever Prince si Anthony? May secret nickname pa si Anthony sa mga fangirls niya na Little Devil.

At dahil ba member sila ng Student Council na tinawag ng fangirls nila na Royal Council kaya may Prince ang nicknames nila? What the hell is up with these girls? Ang c-corny. Dio mio.

"All right, class. It's already been a week since the school started. It's a pain, but let's pick our Class and Event Representatives." walang kasigla-siglang anunsyo ni Sir kaya bumalik agad ako sa huwisyo ko.

Nagsimula siyang magsulat sa chalkboard. "A short and quick quiz," asik niya at nilinyahan ang sinulat niya sa chalkboard. "Whoever scores the highest will become the representatives." he continued.

Narinig ko ang pagrereklamo ng iba naming kaklase. Pero si Anthony, nakangisi lang. Is that his way of bragging that he'll ace the quiz? Well, whatever. Mamimili lang naman sila ng representatives. I'll leave it blank.

Snow White and The Royal CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon