5th Apple: The First Encounter (The Twins 3 - FINAL)

249 17 0
                                    

A/N
Hello, everyone. Pasensya na kung sobrang late at ang sabaw ng update na ‘to. Naubusan na ako ng ideas kaya nagbasa ulit ako ng mga shoujo manga at naglaro ng otome games for reference. Enjoy reading!












Aria Debatian







Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Dio mio, Aria. Kailangan bang ngayon kayo magkita?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na ‘to. May part sa akin na gustong magtago dahil sa kahihiyan at may part din sa akin na gusto siyang komprontahin para humingi ng tawad sa sinabi ko kagabi. Ano na ang gagawin mo ngayon, Aria?

Hinila ako bigla ni Jiro palapit doon sa taong tinawag niya. Hindi ko na nagawang magprotesta dahil ang higpit ng pagkakahawak ni Jiro sa pulso ko. Ito na yata ang parusa ko sa sinabi ko kagabi at pagiging taklesa ko kanina.

“What is it, Jiro?” mahinang tanong niya kay Jiro.

“Naalala mo ‘yung sinabi mo sa akin kagabi? Turns out na siya din ‘yung kinuwento ko sa’yo kahapon na bagong kaibigan ko.” tinuro ako ni Jiro kaya tinignan din ako ni Hiro. Dahil sa hindi ako komportable sa tingin niya, nag-iwas agad ako ng tingin. Tae! Tae! Tae! Ang awkward nito! Wooooooo!

“Hiro—my bro. This is Aria. And my friend—Aria. This is my brother, Hiro.” pinakilala kami ni Hiro sa isa’t-isa.

“H-hello... N-nice to meet you, I guess?” nahihiyang bati ko. Ayoko na dito! I'm out!

Tumayo si Hiro mula sa pagkakaupo at pinagpag ang slacks na kanyang suot. “Oh, please. Stop pretending to be nice. I won’t buy it.” masungit niyang tugon at sinara ang notebook na hawak niya.

Shit. Sinasabi ko na nga ba. Tumatak talaga sa kanya ‘yung pagsigaw ko sa kanya kagabi.

“Wala naman akong binebenta sa’yo.” painosente kong sagot sa tanong niya. Umarangkada na naman ang pagkapilosopo ng bibig ko kahit na gusto kong makipag-ayos sa kanya. Ang seryoso niya kasi masyado. Oh, well. Bahala na si Wonder Woman.

“Ha—?” mas lalo pang naningkit ang mga mata ni Hirong Masungit sa sagot ko. “Are you stupid o namimilosopo ka lang?” Brilliant, Hirong Masungit.

“Both?” may halong pang-aasar ko na tugon.

“Y-you—!” dinuro ako ni Hiro at pinanlakihan ng mga mata. Hindi niya siguro mahagilap kung ano ang sasabihin niya sa akin.

Bigla namang humagalpak ng tawa si Jiro. Kulang nalang, magpagulong-gulong siya sa lupa sa sobrang katatawa. ‘Yung totoo?  Ano’ng issue ng magkapatid na ‘to? Masungit ‘yung isa na akala mo, pasan ang mundo sa sobrang sama ng mukha. Ito namang isa, mukhang takas pa yata sa mental assylum.

“Jiro... Kapag hindi ka pa tumigil sa katatawa, didiretso na ‘tong dulo ng ballpen na hawak ko dyan sa butas ng ilong mo.” pagbabanta niya kay Jiro at agad itong nanahimik.

Aray. Iniisip ko palang, nararamdaman ko nang masakit ‘yon. May sa-sadista pala ‘tong kambal ni Jiro?

Nararamdaman kong bumibigat na naman ang atmosphere sa paligid namin dahil sa kalokohang lumabas sa bibig ko. At bago pa tuluyang mainis sa akin si Hiro, ako na ang unang bumasag sa katahimikan.

“Anyway— I’m sorry kung na-offend ka sa mga sagot ko, Hiro. Nagbibiro lang naman ako. You know? Matapos ng mga nasabi ko sa’yo last night no’ng napagkamalan kitang si Jiro, medyo hindi pa ako handang makaharap ka dahil sa sobrang kahihiyan. Pasensya na rin sa mga nasabi ko kagabi. And I hope we can still be friends?” nilahad ko ang kanang kamay ko sa harapan para makipagkamay sa kanya. Wala naman sigurong mali sa sinabi ko, ano?

Tinignan lang ni Hiro ang kamay kong nakalahad at hindi ko alam kung dapat ba akong ma-offend dahil ang sama ng tingin niya sa mga ‘yon. Please, let’s forgive and forget na, Hiro.

Dahil mukhang hindi willing si Hiro na makipag-kamay, si Jiro na ang nakipag-kamay sa akin habang nakangisi ng malapad. Pero halatang ginagawa niya lang ‘yon para hindi ako mapahiya. “O-okay. Ayos na. Bati na daw kayo. Forgive and forget na. ‘Di ba, Hiro?” nilingon ni Jiro si Hiro. Bigla nalang kaming tinalikuran ni Hiro at pinulot ang notebook na pinagsusulatan niya kanina sa damuhan.

“There’s two things I hate the most in this world. Una, ayokong hinahawakan ako ng kung sino-sino. At pangalawa, mga babae,” tinapunan ako ng malamig na tingin ni Hiro. “Kahit na kaibigan ka pa ni Jiro, you’re no exception.”

Tuluyang naglakad si Hiro palayo sa amin ng walang paalam. Kahit na tinatawag siya ni Jiro para bumalik, hindi siya huminto o lumingon man lang.

“Pasensya na sa inasal ni Hiro, Aria. Masama lang siguro ang gising niya kanina. Kung hindi ‘yon, baka nahihiya lang siya. You did say na gusto mo siyang maging kaibigan.” nahihiya niyang paghingi ng dispensa para sa kambal habang nagkakamot ng kanyang ulo.

“Hindi, ayos lang. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya talaga sa dalawang nabanggit niya. And thank you.” tugon ko at tinapik siya sa balikat.

“Thank you? Para saan?”

“No’ng hindi nakipag-kamay sa akin si Hiro kanina, ikaw na ang gumawa para hindi ako mapahiya. Mali ba ako?”

“Oh, that?” bigla siyang nag-iwas ng tingin at ngumisi. Napakamot pa siya sa kanyang pisngi na mistula bang nahihiya siya. “Napansin mo pala. Nakakahiya naman.”

Napangisi nalang rin ako. Ang cute naman ng isang ‘to.

“So... are you going to give up?” bigla niyang tanong.

“Saan?”

“Ang maging kaibigan si Hiro?”

“Huh? Hindi ko sinabing suko na ako na maging kaibigan siya. I’m quite persistent when it comes to things like this. Wala siyang ibang magagawa kun’di ang masanay sa presensya ko. Isa pa, kung ayaw niya talaga sa mga babae to the point na mukhang galit siya sa amin dahil ang sama ng tingin niya, hindi ba kailangang maayos ‘yon? Magkakaproblema siya in the future kapag hindi pa naresolba kung anuman ang problema niya. At mukhang malalim ang pinag-uugatan ng galit na ‘yon. Pero hindi ko alam kung ano ‘yon. May idea ka ba?” tugon ko at naglakad ako pababa sa field. Sinundan naman ako ni Jiro.

“Well... Hindi ko alam kung dapat kong sabihin sa’yo. I did promise him not to tell a single soul about it. Malalaman mo rin kapag dumating ang panahon,” ngumisi siya at nagpati-una sa paglalakad. “Anyway, gusto mo bang makita ang opisina ng Student Council? Also known as Festival House.”

“Huh? Pwede ba? Hindi naman tayo members ng Student Council.”

“Ikaw lang. Member ako ng Student Council. Although, ako nalang ang active ngayon. At parang hang-out place ko na rin ‘yon. Kahit na sinabi kong hang-out place ko ang Festival House, paglilinis at pago-organize lang ng mga documents ang ginagawa ko. Hoping na babalik din ang ibang mga members. Pati si Hiro.” Huh? Ano ‘to? Bakit may nararamdaman akong drama? Ano’ng nangyari sa kanila?

Kahapon ko lang nakilala si Jiro and I know him as a person who is all smile and fun. Ngayon ko palang nakita ang mukha niyang ‘to na malungkot.

What happened to them?





End of Chapter.

Snow White and The Royal CouncilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon