Ginamit nya ang kanyang kapangyarihan upang tumakas, papalit palit ng anyo para walang may makahalata sa kanya.
Malapit na sya sa tarangkahan ng kanilang Palasyo ng isang malakas na anunsyo ang narinig nya..
"Nawawala ang Prinsipe!!"
Mas binilisan nya ang pag takas at nag anyong lamok at lumusot sa maliit na butas ng tarangkahan.
Sa wakas at nakatakas na sya, ngunit saan sya pupunta?? Saan sya Tutuloy? Hindi sya pwedeng manatili malapit sa kanilang kaharian dahil paniguradong agad syang mahahanap ng kanyang ama.
Lumipad sya papalayo hanggang sa nabundol nya ang hindi makitang lagusan, pinagbabawal pero wala na syang ibang paraan.
Wala sya kaideideya kung para saan ang lagusang ito, ngunit pumasok sya roon.
* * * * *
Sa ibang Dako
"Ahhhhhh!!!!!!"
Umalingaw-ngaw ang tili ng mga kababaihan dahil Isang lalaki ang biglang sumulpot sa isang palikuran.
Anong nangyayari? Anong lugar ito? At anong uri sila ng nilalang? Hindi ba nila alam na isa akong Prinsipe?
Ginamit ko ang kapangyarihan ko upang maging isang gamo gamo. Panay parin sila tilian dahil nabigla sila sa pag kawala ko.
Hindi ba yun natural sa kanila,?
Ang nasa isip ni Prinsipe Helco.
Lumabas sya roon at nag libot libot sa lugar na kanyang nilabasan. Hindi pamilyar ang lugar nato sa kanya dahil ngayon lang sya napadpad dito.
Sa isang sulok ng hardin, binalik nya ang kanyang sarili sa normal na anyo.
Ano ba tong napuntahan ko? Kaharian ba ito ng mga babae? Dahil puro babae lang ang nakikita ko.
Yun ang naisip nya, ngunit ang totoo nasa mundo sya ng mga Mortal, at isa syang immortal na makapangyarihan.
Paano sya makaka adapt sa lugar na ito?, Mahahanap ba sya ng kanyang ama? May makakatulas ba sa tunay nyang pagkatao?
-Death Love-
BINABASA MO ANG
Death Love ( Completed Tagalog Story )
Teen FictionKamatayan para sa pagmamahalan? Kabaliwan! Ang pagmamahal na walang ibang gawin kundi pag layuin, pahirapan, saktan, sugatan ang bawat puso ng taong nagiibigan. Masasabi mo ba itong pag mamahal? Pagmamahal na masakit dahil pilit na umiibig kahit bu...