Chapter 18 I love you & im sorry

831 17 0
                                    

Nag kalat ang patay na katawan ng mga demon sa DEMOVELIZ KINGDOM hingal at pagod na pagod na si HELCO na nakikipag laban sa kagustuhang mamuhay sa napili nyang landas.

Hanggang sa isang pag atake ang hindi nya naiwasan. Tinamaan ang kanyang pakpak at bumagsak, nagkaroon ng pag kakataon ang mga kawal na dakpin sya, pinilit nyang pumalag ng nakita nyang kinakaladkad si EIGEN papunta sa nagbabagang dagat.

"WAG! WAG! AMA! GAGAWIN KO NA ANG IYONG KAGUSTUHAN! BASTA WAG NYO NA SYANG IDAMAY!!"

"KAWAL! HINTO! PANINDIGAN MO YANG SINABI MO"

"OO AMA WAG NYO LANG SYANG SASAKTAN!"

"ANG KASUNDUAN AY KASUNDUAN"

Natapos ang gabi at ikinulong si EIGEN at si HELCO sa mag kahiwalay na metal na kulungan.

_Kinabukasan_

Naalarma ang lahat, Naghihingalo ang hari sa di malamang dahilan, marami narin itong dinadaing sa katawan dahil sa katandaan at malabo ng mabuhay ng matagal kaya sinusiguro nyang ang kanyang anak ang magmamana ng kanyang trono.

"PRINSIPE! ANG HARI!"

Takbo ng mga kawal patungo sa kulungan kinalalagyan ni HELCO.

"BAKIT? ANONG NANGYARI?"

"BILIS,, BILIS,,"

Nakita nyang nakahiga ang kanyang ama sa kama nito, nag aagaw buhay, naging emotional sya at pinagsisihan ang sinabi nya sa ama.

"PATAWAD AMA,,"

Isang litrato ang inabot ng nanginginig na kamay ng ama sa kanya.

"HINDI MO K,, KAA- KAILANGAN HU- MI-NGI NG TAWAD"

Hindi makapaniwala si HELCO sa nakita nya sa litrato.

"M-MORTAL - ANG IYONG- INA- PINAGHIWALAY KA-MI NG AKING AMA- DA- DA-HIL- -"

at tuluyan na itong nalagutan ng hininga. Nagsiyukuan ang lahat ng kawal at lumuhod sa harap ko, isa lang ang ibig sabihin nito, isa na akong ganap na hari.

Death Love ( Completed Tagalog Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon