"Mga wala kayong silbi!! Isa lang ang pinahahanap ko hindi nyo pa mahanap!!"Itinungkod ng hari ng empyerno ang kanyang makapangyarihan gintong tungkod at nasunog ang mga kawal at naging abo.
Isang hingal na demon ang nagmamadaling lumapit sa hari ngunit hinarangan ito ng iba pang kawal.
"Pagsalitain sya,"
"Pangi,,pangi,,"
"Ano! sabihin mo na ang nais mong sabihin kundi tuluyan kitang babawian ng hininga!"
"Panginoon,,, ang prinsipe,, nasa mundo ng mga tao,, "
" Mga kawal! "
Nagsitipon ang mga malalakas na kawal at nagsiluhod na nagpapahiwatig na handang maglingkod sa kanilang panginoon.
"Ibalik ang prinsipe dito sa kaharian! gawin nyo ang lahat! pumatay kayo kung pumatay!"
Nagsilisan ang magigiting na kawal. Siguradong dadanak ang dugo ng sino man ang hahadlang.
Sa Kabilang Dako
"Aray!! ko..."
Agad itinago ni HELCO ang kanyang mga pakpak at sinimulang pinagtawanan si EIGEN.
"Mahinang nilalang!"
"EIGEN!! EIGEN! nga ang pangalan ko!!" sabi nito at tumayo at tinungo ang lababo
"Edi,,, Mahinang EIGEN! hahaha"
Ewan ko,, nakakawalang ganang makipag usap dito.
"May sasabihin ako sayo,,," sabi ni HELCO na naglalakad papunta kay EIGEN na naninipilyo sa lababo.
"Anohh,,?"
"Isa akong prinsipe ng Impyerno,,"
Linapit nya ang mukha nya saakin, nilapit ko rin ang mukha ko at hinihintay ko ang sasabihin nya. Panigurado naniniwala nato,
"BoBo!"
at nagsitalsikan ang bula ng toothpaste mula sa bibig ni EIGEN at napunta ito sa mukha ni HELCO.
Nagalit si HELCO at sinimulang hinipnotismo si EIGEN.
At ang asul na mata ni HELCO ay napalitan ng pula.
"Bilang parusa ikalat mo yang dumi mo sa bibig sa buo mong mukha!"
Ang kulay berdeng mata ni EIGEN ay naging pula at sumunod sa utos ni HELCO hanggang sa natauhan ito at bumalik sa katinuan.
"Hahahaha anong ginagawa mo?" tawang tawa si HELCO
Agad itong hinugasan ni EIGEN at napahiya.
BINABASA MO ANG
Death Love ( Completed Tagalog Story )
Teen FictionKamatayan para sa pagmamahalan? Kabaliwan! Ang pagmamahal na walang ibang gawin kundi pag layuin, pahirapan, saktan, sugatan ang bawat puso ng taong nagiibigan. Masasabi mo ba itong pag mamahal? Pagmamahal na masakit dahil pilit na umiibig kahit bu...