"Ano?"
Tanong ng babae kay Helco.
"Patirahin mo ako sa bahay mo, isa o dalawang araw lang naman."
Napanganga ang babae sa sinabi ni Helco habang napaisip ng..
Gosh.. isang pulubi nga ito, inaabangan nya ba talaga ako? Masyadong bang halata na mayaman ako?, Mukhang ayos naman ang itshura nya, mukhang mapagkakatiwalaan , ang kaso lang, ang sama ng ugali!, Kaya I said no.
"Ayoko, Pagkatapos mong biglang agawin yang pagkain ko, hindi mo ba alam na may sakit ako sa puso? "
Sabi ng babae.
"Sakit?"
Sabi ni Helco
"Oo sakit, hindi mo alam?"
"Sumakit ang puso mo dahil kinuha ko yung pagkain mo?"
Sabi ni Helco.
Napaisip ulit ang babae.
May sira ba ang ulo nito? Wala syang alam sa mundo maging bahay wala, Ngasaan ang pamilya nya? Hindi ba sya hinahanap? At Bakit hindi nalang sya umuwi siguro...
"Ahh.. naglayas ka Noh?."
Tang-ina naman, paano ba makukumbinsi ang nilalang na ito kasing tigas ng bato ang kanyang ulo. Kailangan ko na bang gamitin ang aking kapangyarihan para pumayag sya?
Ang nasa isip ni Helco.
"Oo, at Ayokong umuwi doon"
"Ohh.. sige, isang gabi lang, wag kang mag isip ng kababalaghan, pulis ang tatay ko, isang sumbong ko lang, tudas ka"
Ang daming satsat.. ang tapang mag salita wala namang binatbat at anong kinalaman ng tatay nya sa usapan?At ano raw? Ang tatay nya Foolish? Hahaha Foolish pala ang tatay nya.👹
"Huy! Nakikinig ka ba? Pumapayag na ako, pero"
May pero pero patong nalalaman.
Ang nasa isip ni Helco.
"Pero ano?"
Tanong ni Helco.
"Humingi ka ng tawad"
"Kanino? Sayo?"
Sabi ni Helco
"Oo"
Isang mababaw na Uri ka lamang ng insekto tapos hihingi ako sayo ng tawad? Sa buong buhay ko, hindi ko pa ginawa iyon. Prinsipe ako kaya dapat
ikaw ang kailangang humingi ng kapatawaran."Patawad!"
Siguro masaya na sya.. naku.. pagsisihan ko to, mabuti at wala si ama kundi mapapagalitan nya ako.
"Ganun ba ang pag hingi ng tawad?"
"Sinabi ko na kaya hindi ko na uulitin pa."
_Death Love_
BINABASA MO ANG
Death Love ( Completed Tagalog Story )
Teen FictionKamatayan para sa pagmamahalan? Kabaliwan! Ang pagmamahal na walang ibang gawin kundi pag layuin, pahirapan, saktan, sugatan ang bawat puso ng taong nagiibigan. Masasabi mo ba itong pag mamahal? Pagmamahal na masakit dahil pilit na umiibig kahit bu...