_Uwian_
Pag katapos ng klase lumabas si Helco sa silid aralan. Papalabas sya ng gate pero may tumawag sa kanyang pangalan.
"Helco!!!"
Hindi sya lumingon, at patuloy na naglakad.
"Helco!!"
"Helco!"
Napatigil si Helco sa paglalakad.
Walang respeto ang nilalang nato, tawagin ba naman ako sa pangalan ko.
"Pwede ba..Layuan mo ako, hindi mo alam kung sino ako..".
Sabi ni Helco.
"Pwerket Ikaw ang anak ng prisidente? Ang lakas ng loob mo"
" Hindi ako ang taong tinutukoy mo, nagkakamali ka, hayaan mo ako"
"Bakit? Hindi Ikaw yun?"
"Hindi,!"
At umalis na ang babae.
Naglakad ulit sya... Hindi nya alam kung saan sya pupunta. Nagpalit ulit sya ng anyo sa daan at nagsihiyawan ang taong nakakita sa kanya.
Habang lumilipad sya sa anyong paniki. Naalala nya ang librong nabasa nya sa kuwarto ng kanyang ama na naglalaman ng impormasyon tungkol sa ibat ibang uri ng nilalalang.
Isa naroon sa nabasa nya ang.....
Mortal, Walang kapangyarihan, ang pinakamahinang nilalang.
At iba pang impormasyon tungkol dito.
Ito na ba yun?? Ano? Nasa mundo ako ng Mortal?
Ang nasa isip ni Helco.
_Death Love_
BINABASA MO ANG
Death Love ( Completed Tagalog Story )
Teen FictionKamatayan para sa pagmamahalan? Kabaliwan! Ang pagmamahal na walang ibang gawin kundi pag layuin, pahirapan, saktan, sugatan ang bawat puso ng taong nagiibigan. Masasabi mo ba itong pag mamahal? Pagmamahal na masakit dahil pilit na umiibig kahit bu...