Pagkatapos nilang mag almusal, umupo si EIGEN sa sofa at nag facebook. Manghang mangha si HELCO sa cellphone at pilit nya itong inaagaw.
"Wow! Patingin! ako naman!"
"Wag ka ngang makulet!"
Hinipnotismo nanaman ni HELCO si EIGEN.
"Kung anong saiyo, saakin din, ibigay mo yang gamit mo saakin"
at umepekto nanaman ang hynopitized at sumunod sa utos si EIGEN.
Bumalik si EIGEN sa katinuan at nagulat ng na kay HELCO ang cellphone nya..
"Akin na yan! sisirain mo nanaman yan!" agaw nya dito
Isang liwanag ang sumilaw sa mata ni HELCO at nahulog ang cellphone sa sahig at nagkawatak watak.
"Ang hina naman ng gamit mo."
"Gusto mo ng ganun diba? Cellphone? Meron jan sa labas bumili ka gusto mo? eto pera"
at dumukot ako sa bulsa at binigyan sya ng piso.
"Talaga? dalawa pede?"
"Oo kahit ilang gusto mo" hahaha tawa ni EIGEN.
Lumabas si HELCO at ganun na nga ang gagawin nya..
"BOBO hahaha"
Babalik na sana si EIGEN sa kwarto ng may mga matatalim na kuko ang kumalabit sa braso nya.
Dahan dahan syang lumingon at maya maya ay nahimatay.
Sa Kabilang Dako
"Ngasan ang prinsipe!?" madiing tanong ng panginoon ng impyerno.
"Hindi po namin alam ngunit tiyak kaming ang nilalang na ito ang nagtago sa prinsipe"
"Sya nga po ang nilalang na sinasabi ko" dagdag pa ng demon na tumuro sa kinaroroon ng prinsipe.
"Kung ganon, bitayin sya at higpitan ang mga tali sa kanyang katawan."
"Masusunod panginoon" sabi ng mga kawal.
BINABASA MO ANG
Death Love ( Completed Tagalog Story )
Novela JuvenilKamatayan para sa pagmamahalan? Kabaliwan! Ang pagmamahal na walang ibang gawin kundi pag layuin, pahirapan, saktan, sugatan ang bawat puso ng taong nagiibigan. Masasabi mo ba itong pag mamahal? Pagmamahal na masakit dahil pilit na umiibig kahit bu...