Chapter 20 THE END

945 24 0
                                    

Ang Demon ay ipinanganak na masama, lalaking masama at mamamatay ng masama. Ito ay itinakda at walang sino man ang maaaring makapagpuputol sa sumpa.

Ang Demon ay hindi nararapat na maging mabait, nagkakaisa, masaya at lalong lalo hindi nararapat na magmahal.

Isang ipinagbabawal dahil ang kapalit nito ay kamatayan.

Nagsimulang dumugo ang ilong ni HELCO hanggang dumami ng dumami. Nataranta si EIGEN, at hindi alam ang gagawin.

"TULONG!! TULONG!"

Ang panawagan nito ngunit nanatili ang mga taong nakatingin sa kanila.

"BROAAAHHHHSHBSKB"

Napakadaming dugo ang lumabas sa bibig ni HELCO pero pilit parin itong nagsalita.

"AL-AM- M KONG MANGYAYARI ITO-N-NGUNIT-PINILI-K-KONG-M-MAMA-TAY NG MASAYA-NA-KASAMA KITA, KUNG MABUBUHAY, MU-MULI-A-AKO-HI NDI-AKONG-MAG-MAG-DA-DALA-WANG-ISIP-NA-I-IKAW-PAR-PARIN-ANG-PI-PIPILIIN KO..."

at ang kamay nyang nasa pisngi at kamay ko ay nanghina na.

"HI-HIN-DI- HINDI NANGYAYARI TO-HINDI-MA-AARI-BINIBIRO MO LANG AKO-GUMISING KA,NATUTULOG KA LANG DI BA?HUY" sabi ni EIGEN na nagaalala at takot na baka hindi ito isang biro.

Ginawa nya ang lahat para gisingin si HELCO, pero hindi na ito nagising pa.

"HINDI! HINDI! WAG!!"

Malakas na sigaw ni EIGEN ng nagumpisa ang paglaho ng katawan ni HELCO.

Nagulat ang taong nakakita sa nangyari.

Hinigpitan nya ang yakap kay HELCO dahil ayaw nya itong mawala. Hanggang sa tuluyan na itong naging abo at tinangay ng hangin.

Naiwan si EIGEN na tulala, hindi makapaniwala, hindi tanggap sa pagkawala ni HELCO.

Bumuhos ang ulan kasabay ng pagtulo ng kanyang luha, lahat ng tao sa paligid ay tuluyang umalis at iniwan sya.

Niyakap nya ang sarili at iniyak ang lahat ng lungkot, sakit, bigat na nararamdaman nya. Wala syang pakialam mabasa ng ulan at walang tigil sa kakaiyak.

Napatingala sya dahil bigla tumila ang ulan. Sa halip na araw ang nakita nya isang dilaw na payong ang nakatapat sa kanya.

"UY! BABAE? GUSTO MO BANG MAGKASAKIT?"

Agad ito niyakap ni EIGEN.

Hindi ko alam kung bakit nagawa ko yun siguro dahil nakikita ko sa kanya si HELCO, sa mukha at sa pananalita.

"BABAE? ANONG GINAGAWA MO? BITAWAN MO AKO, MABABASA ANG DAMIT KO"

Ngunit malabo dahil ang lalaking ito ay isang mortal na gaya ko.

~THE END~

Death Love ( Completed Tagalog Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon