"Hanapin ang Prinsipe!!! Hanapin sya sa lahat ng lagusan! Walang maaaring mamahinga hanggat hindi sya nahahanap!!"
Mahigpit na utos ng hari ng empyerno walang iba kundi ang ama ni Helco sa kanyang mga kawal. Natatakot sya na baka may mangyaring masama sa kanyang anak.
Hindi nya na rin kayang magtagal pa sa trono dahil tumatanda na sya at nanghihina na ang katawan. Hindi nya rin masisisi ang kanyang anak na tumanggi sa kanyang kahilingan.
Dalawang araw ng nawawala ang kanyang anak sa Palasyo at patuloy na pinaghahanap.
_ Sa Kabilang Dako_
Malinaw na sa prinsipe ang lahat, ngunit wala pa syang matirahan, wala syang makain, at wala syang pera sa lugar naito. Hindi nya alam kung papaano makakahanap.
Nanatili sya sa orihinal nyang anyo, at tinago ang kapangyarihan na parang normal na tao.
Walang maghihinala sa kanya sa lagay na yun.
Palakad lakad sya sa kalsada, at lagi syang nabubundol ng mga taong dumadaan at naiinis sya dahil doon.
😒😒😒😤😤😤😈
Ang mga taong ito , walang mga modo.
*Broooooooookkkkkk.*
Hawak nya sa tiyan nya.
Nagugutom na sya at bigla nyang nakita ang isang maliit na karinderya kaya Lumapit sya.
"Bibili ka ba iho?"
Tanong ng tindera sa kanya dahil kanina pa itong nakatitig sa kanyang itinitinda.
"Wala po akong pera."
"Pwes! Lumayas ka jan!, Tignan mo minamalas tuloy ako.!"
Napaatras sa gulat si Helco sa sinabi ng aling tindera sa kanya.
Sama! Nakakalimutan nya atang isang Demon ang kaharap nya.
*Demon Spell*
bulong ni Helco sa hangin at naging pula ang kanyang mata.
Nagsiliparan ang mga paninda ng aling tindera.
"Yan..,, yan Ang bagay Sayo..."
_Death Love _
BINABASA MO ANG
Death Love ( Completed Tagalog Story )
Teen FictionKamatayan para sa pagmamahalan? Kabaliwan! Ang pagmamahal na walang ibang gawin kundi pag layuin, pahirapan, saktan, sugatan ang bawat puso ng taong nagiibigan. Masasabi mo ba itong pag mamahal? Pagmamahal na masakit dahil pilit na umiibig kahit bu...