Chapter 3 School

3.3K 26 2
                                    

_Sa Hardin ng Paaralan_

Pagkatapos nyang lisanin ang kanilang kaharian upang matakasan ang kapalarang hindi nya kagustuhan.

Isang lagusan ang nakita nya at pumasok dito, at napadpad sa mundo ng mga Mortal.

Wala namang masyadong pinagkaiba ang immortal sa mortal world.

Hindi nya lang talaga alam na may lugar na ganito.

Nasa hardin sya at nililibot ang paningin ng bigla syang nagulat sa malakas na tunog.

Yun ay ang tunog ng bell, sabay pa nun ang kalabit ng isang mortal sa kanyang hood.

Gagamitin nya na sana ang kanyang kapangyarihan ngunit isang babae ang tumambad sa kanyang harapan.

"Hoy!! Bell na!! Saan ka pupunta!! Mag ccuting ka? Balik! Ako nanaman ang mapapagalitan ni Sir! At bakit hindi ka nakauniform ngayon?"

Sabi nya kay Helco, habang si Helco nakakunot ang noo at walang alam sa sinasabi nito.

" Ay sorry, dito ka ba nag aaral? Ngayon lang kasi kita nakita.."

At palibot libot nitong pinagmasdan si Helco.

Ahh.. paaralan .. meron rin pala silang paaralan gaya sa kaharian,,

Ang nasa isip ni Helco.

"Huy! Ano? Narinig mo ba ako?"

Hindi sya napapansin ni Helco dahil iniisip nito ang pag kakaiba at pag kakaparehas ng Paaralan nila sa paaralang ito.

"Ewan ko nga sayo.. Hali kana. Papasok na tayo"

At hinila nya ang kamay ni Helco , habang si Helco nakatingin lamang sa kanya,

_Pagdating sa room_

Ipinakilala ng babae si Helco sa kanyang mga kklase at sinabing sya ang transfer na ipinadala ng prisidente ng America.

Wala paring imik si Helco dahil wala syang alam sa nangyayari.

"Huy, magpakilala kana"

Sabi nito kay Helco pero nakatingin lang ito sa kanya..

"Yung pangalan mo, saan ka nakatira sinong tatay at nanay mo, dali, sabihin mo"

Sabi nya kay Helco.

".... Helco Wones.. Prince of Hell and my father is the Lord of Hell , from Demoveliz Kingdom."

Nagsitawanan ang lahat

Bakit sila natatawa? akala ba nila nagsisinungaling ako? May Nakakatawa ba sa sinabi ko?

Ang nasa isip ni Helco.

"Hahaha ano yun? Pick up Line? Ang  corny mo.! LMAO"

Sabi ng isang lalaking estudyante.

Natigil ang tawanan ng dumating ang professor.

Hinila ulit ng babae si Helco at umupo sa magkalapit na upuan.

"Good afternoon class. Ngasan si monitor?"

Tumayo ang babaeng laging humihila kay Helco, sabay sabing

"Yes po sir?"

At lumapit ito sa professor.

-Death Love-

Death Love ( Completed Tagalog Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon