Chapter 2

34 1 0
                                    

"Gumising ka na, Daniella!" Pinaghahampas ako ng unan ni Kuya. Bwisit.


"Kababae mong tao, batugan ka! Bumangon ka na!" Hinampas niya ulit ako.

"What the hell, Kuya?! Heto na nga oh! Babangon na!" Badtrip. Umagang-umaga e.

Bago siya lumabas sa kwarto ko, binato ko sa kanya 'yong unan ko.

Kinapa ko sa side table 'yong journal ko at tinignan kung anu-ano ang mga gagawin ko ngayong araw.

Saturday- Pilgrimage 1pm


Holy cow! May Pilgrimage pala kami! Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko, 12:10 na! Kaloka! Dali-dali akong pumunta sa banyo para maligo.

Ayan kasi, kakapuyat mo sa pagbabasa ng wattpad. Late ka na nagising. Naku talaga, Daniella!


Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain. Papaalis na si Kuya. Kasama rin siya e.


"Kuya, hintayin mo ako!"


"Kita na lang tayo sa meeting place. May mga pagkain akong dala. Hanapin mo na lang ako mamaya," sabi niya. "Dheno, Dhesa," tawag niya kambal naming kapatid, "Hintayin niyo na lang dito si mama."

"Kuya, sabay na tayo! Teka lang! Kakain na lang ako."


"Bye!"

Ano ba 'yan. Nakakaasar. Bakit may kapatid akong ganyan.

Habang kumakain, tinitext ko si Miran. 'Yong kaibigan kong taga rito rin sa'min na kung pwede isabay na lang ako papunta sa Pilgrimage.

"Dheno, kapag alas sais na wala pa si mama mag lock na kayo ng mga pinto, ah," bilin ko sa kapatid ko. Tumango naman siya.

Narinig ko na ang busina ng motor ni Miran.

"Aalis na ako. Umayos kayong dalawa, ah."


Wala silang pake sa'kin. Ok. Mapagmahal talaga ang mga kapatid ko. Si Kuya Daniel na hindi man lang talaga ako hinintay at ang kambal na wala man lang "ingat, ate!" bago ako umalis.


"Laki ng bag mo, ah," pansin ko sa bag niya. "Pilgrimage ang pupuntahan natin. Hindi bundok. Mukha kang hiker." Tumawa ako.

"Boy scout ako. Ready ako sa lahat. May tubig, pagkain, gamot, first aid kit, papel, ballpen, rosary, novena prayer booklet.. at saka, bundok naman talaga pupuntahan natin, ah."

"Oo na! Tara na!"

Binigay niya sa'kin 'yong isa pang helmet.


"Baka ma-late na tayo!" Sabi ko. Sumakay na ako sa motor niya. Pinaharurot naman niya ng sobrang bilis! Langhiya.

Love Triangle with GodWhere stories live. Discover now